TUMIGIL ang pag-ring buhat sa kabilang linya. Indikasyon iyon na sinagot na ng ama ang tawag niya. ""Hello, dad?"" bungad niya sa ama. ""Yes, Alexandra? Ang sabi sa akin ni Aling Noela hindi ka nakauwi kagabi at sa bahay ng kaibigan mo ikaw natulog. Asan ka ba ngayon?"" anito. Napahinga ng malalim si Alexandra. ""Ahm, dad? Are you busy right now?"" ""Hindi naman. Why?"" tugon mula sa kabilang linya. ""Ano kasi, dad, eh. May sasabihin sana ako and I want you to listen to me, please..."" ""Go on, my princess! I'm listening to you..."" malambing pang sabi ng ama. Walang ng atrasan kaya naman sinabi na niya sa ama. ""It's about me and... L-Lawrence, dad."" Dinahan-dahan pa ni Alexandra ang pagkasabi para hindi mabigla ang ama. Subalit pagkarinig ni Dylan ng pangalan ni Lawrence ay nag-

