***DYLAN'S POV*** BIGLANG ini-end call ni Dylan ang tawag. Hindi na niya pinatapos pang magsalita ang anak. Kaya pala hindi siya mapalagay at hindi makatulog, ito siguro iyong dahilan. Kaya naman dali-dali niyang pinuntahan ang asawa sa kanilang silid. ""Baby..."" mahinang tawag niya rito. Subalit wala doon ang asawa niyang si Kathy. Lumabas na naman si Dylan ng kanilang kwarto at hinanap si Kathy sa kabuuan ng bahay. Hanggang sa nagawi siya sa silid kung saan nakalagay ang mga gamit ni Alexandra at doon niya ito natagpuan. ""Nandito ka lang pala..."" nasambit niya. Pero tila abala si Kathy sa harap ng vanity table ni Alexandra. Hindi siya nito pansin dahil nakatuon ang atensiyon nito roon. Parang mahinahanap ito sa mga gamit ni Alexandra. Nilapitan ni Dylan si Kathy. ""Ano ang hina

