NATAPOS kumain sina Alexandra at Lawrence. Ngayong busog na sila ay inatupag nila ang paglilinis sa kubo. At kung kailan patapos na silang maglinis ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay text mula sa ama ang natanggap niya. Pinapaalam sa kaniya na paalis na ang Daddy Dylan niya sa Rancho Monteverde at papuntang Rancho Villaruiz ito. ""Ayaw paawat talaga nitong tatay ko! Sinabi nang okay lang ako, eh!"" maktol niya. Kamot-ulo na lamang siyang nag-reply sa ama. Nakasimangot man pero magalang naman siyang tumugon sa text ng ama. ""Bakit ka nakasimangot d'yan?"" ani Lawrence. ""Si Daddy kasi! Uuwi raw dito,"" sumbong niya. ""Nag-aalala yata ang Daddy Dylan mo sa'yo,"" anito. ""Sinabihan ko na nga siya na ayos lang ako. Pero ayon, pupuntahan pa rin ako. Basta sinabi ko s

