SA MULING pagkakataon na nagdikit ang kanilang mga labi ay isang malalim na halik ang pinagsaluhan ng dalawa. Naglaro ang dila ni Lawrence sa loob ng kaniyang bibig dahilan upang napigil ni Alexandra ang kaniyang paghinga. Kaya naman halos maghabol-hininga siya nang maghiwalay sila. ""Babe..."" puno nang lambing na anas ni Lawrence. Yayakapin pa sana siya ni Lawrence ngunit nabaling ang atensiyon nito sa nagdurugo niyang sugat. May sugat siya sa braso sanhi ng pagkahulog niya. Mahaba iyon na parang isang dangkal at hindi niya alam kung malalim. Hindi niya rin alam kung ano ang nakasugat sa kaniya pero kung pagbabasehan ang sugat niya ay parang hiniwa ng blade. ""Pa'no 'to?"" Balik taranta ulit si Alexandra. ""Gagamutin ko, babe. Sandali lang!"" Pinanood ni Alexandra si Lawrence na lu

