MAAGANG kumain sina Alexandra at Lawrence. Habang maliwanag pa ang loob ng kweba dahil sa tumatagos na liwanag ng araw sa may butas ay naghapunan na ang dalawa. Loaf bread at tig-dalawang boiled egg ang pagkain nila. Tapos gumawa si Alexandra ng palaman gamit ang ang canned tuna na flakes in oil at mayonnaise. Ayon, may tuna spread na agad sila. ""Babe, kumusta iyong sugat mo? Masakit pa ba?"" Tinanong siya ni Lawrence tungkol sa sugat. Pinakita naman niya rito. ""Heto, hindi na gaanong masakit at hindi na nagdudugo. Pero nasa isip ko pa rin iyong sakit kung paano mo ito tinahi kanina."" ""Huwag mo lang masyadong isipin 'yon para mawala na sa isip mo, babe. Saka ingatan mo lang na hindi ulit mabasa ang sugat mo para hindi mapasukan ng tubig,"" ani Lawrence. ""Okay, babe. Thank you pa

