""SANDALI lang pala, babe."" Sabay paalis sa kaniya ni Lawrence sa mga bisig nito. Umalis naman si Alexandra at agad na tumayo si Lawrence. ""Bakit?"" pag-usisa ni Alexandra. ""Hindi kasi ako komportable sa damit ko. Parang amoy usok at makati sa pakiramdam,"" tugon nito. ""Dito ka lang, ha. Mag-half bath lang ako at magpapalit ng damit."" Lumabas si Lawrence sa tent nang may dalang flashlight, damit na pambihis at mga kailangan sa paglilinis ng katawan. Naiwan sandali si Alexandra sa loob ng tent pero hindi naman nagtagal ay bumalik si Lawrence doon. Nang muling tumabi si Lawrence sa kaniya ay muli rin siyang umunan sa isang braso nito. Tanging iyong net ng tent lang ang kanilang isinara para hindi pumasok ang lamok. Hindi nila sinara iyong parang pinto ng tent para may pumasok na ha

