1
Cennon
Napakaingay at magulo sa bahay namin kanina.
Iyon ay kung matatawag nga talaga itong bahay o tahanan. Na halos dikit na ang mga buhok naming magkakapatid sa sobrang baba ng bubong ng bahay namin.
Sa araw-araw na lang kasi na ginawa ng diyos wala man lang mararamdaman na kapayapaan at katahimikan sa lugar na ito.
Hindi ko rin alam kung ano ang naging kasalanan ko, bakit naging ganito ang buhay namin ng mga kapatid ko. Tapos nag karoon pa ako ng tatay na sugarol na lasinggero at babaero pa.
Minsan tuloy nagtatanong na ako sa taas Bakit ba kasi may mga mahihirap pa na nilalang ang diyos? Hindi ba pwedeng lahat nalang mayayaman?
Yung hindi naman ganito nakakasawa na kasi ang ganitong buhay. Hindi naman kasi masamang humiling 'di ba? O yung mangarap na gumanda naman ang buhay namin ng mga kapatid ko at ng nanay ko na alam kong pinipilit nalang maging matatag sa paningin namin. Pero alam kong dumadaing na rin ito sa hirap na nararanasan. Alam ko umiiyak ito pag mag isa lalo na kapag gabi.
Dagdag pa sa lungkot ko ay ang imbis na nag aaral ako ay isda at halamang dagat ang hawak ko.
Dahil gaya ng nanay ko tindero ako sa lugar namin, ng biglang may lumapit na matanda sa akin at nagtanong.
''Hoy bata magkano ba kilo n'yan?'' tanong ng matandang babae.
''Otchenta po manang.'' sagot ko dito pero tinaasan lang niya ako ng kilay,
''Ang mahal naman bata sixty nalang.'' tawad ng matanda sa akin,
Grabeng barat naman nito, parang gusto nalang niyang hingin yung paninda ko.
''Manang seventy nga po ang puhunan ko dito sa paninda ko, sampu nalang nga po turbo ko, kaya hindi po pwede.'' tanggi ko dito.
''Eh ang liliit naman nyan oh!sixty five nalang okay?'' sabi ng matanda habang hawak ang mga isda.
''Hindi po talaga pwede manang pasensya na po kayo.'' hinging ng paumanhin ko dun sa ale, pero nagsungit lang ito sa akin at marami pang sinabing hindi magaganda, ng biglang dumating si nanay, may hila hilang isang banyerang isda.
''Hoy babae ka. Anung akala mo sa tinitinda ng anak ko pinupulot niya sa kalsada para baratin mo ng ganyan? Kung gusto mo sumisid ka 'dun sa dagat at manghuli ka. akala mo naman ito kung sino makatawad, sabihin mo nalang sa akin kung gusto mo ng libre.'' sigaw ni nanay dun sa babae ng marinig nitong sinabihan ako nitong tanga.
Akala ko magsasabong na si nanay at yung matandang ale, pero buti na lang at hindi, dahil kung ipipilit nito ang gusto niyang away ay baka pag bigyan siya ng mga kaibigan ni nanay na mga tindera din dito sa talipapa.
''Ikaw Cennon, magkano na ba nabenta mo? Mag aalas dyes na oh. '' tanong ni nanay habang inaayos ang isdang maya-maya sa lamesa namin.
''Nasa four hundred eighty na po nay!'' sagot ko.
''Napakatumal naman, nakakaanim na kilo ka pa lang? Umuwi ka na nga lang muna at ipagluto mo na muna ang mga kapatid mo ng kakainin nila maliwanag?'' singhal sa akin ni mama. Kaya naman inalis ko na ang plastic na apron sa katawan ko saka ako tumayo.
''Nay uwi na po ako!'' paalam ko kay nanay, na patuloy lang sa pagsasalansan ng mga isdang ititinda.
Kaya naman umalis na ako at lumakad pauwi ng bahay. Nang biglang may humarang sa akin na apat na kalalakihan.
''Hoy bata ibigay mo sa akin yung benta mo!'' sigaw nung si Bogart na siga dito sa may eskinita.
''Wala akong pera Bogart, kinuha na ni nanay..'' sabi ko dito pero hindi ito naniwala, dahil hinaklit ako nito sa t-shirt saka ako kinapkapan.
''Wala talaga Bogart maniwala ka.'' sabi ko dito.
Pero imbis na bitawan na ako nito ay sinuntok pa ako nito sa pisngi ko. Na talagang ikinahilo ko ng sobra.
Nakita ko rin na lumapit na sa akin ang tatlong kasing lalaki ni Bogart para makisali sa trip nito.
Nang biglang may dumating na lalaki, medyo mas bata kina Bogart ng konti pero halos kasing laki ng pangangatawan nito ang kay Bogart.
''Tigilan Nyo na 'yan mga pare ang liit lang n'yan ohh.'' sabi nito saka ako inalalayan ng tayo.
''Tang ina mo pala eh, sino ka para mag ala superhero dito?'' mura ni Bogart sa lalake.
'''Di ka yata niya kilala Gart kaya nagyayabang..'' sabi nung tropa ni Bogart saka nagsindi ng sigarilyo.
''Sampolan natin ng makilala tayo gart. Ano una na ba ako?'' sabi nung isa, na lumapit pa sa amin mabuti, saka kami binugahan ng usok na galing sa sigarilyo nito kaya naman nasamid ako at inubo.
Habang yung lalaki katabi ko naman tila nilanghap pa ng mabuti ang usok, saka ito ngumiti ng nakakaloko.
Hindi ba siya nasisindak sa mga ito?
Ng bigla sumugod ang isa at binigyan siya ng isang suntok. Pero imbis na matakot ito tumawa pa ito..
''Nakakaloko ka huh'' sabi na naman ng isa.
'' 'Yon na 'yon? Wala ng mas lalakas pa 'don?'' tanong nito saka lumapit dun sa lalaking nanuntok sa kanya.
Kaya naman napakunot ang noo ni Bogart at nung tatlo.
''Napaka yabang naman pala ng gagong 'to eh.'' sabi ni Bogart saka lumapit sa amin ang mga ito, saka kami inundayan ng suntok, kitang kita ko na nakikipag sabayan ito sa mga tropa ni Bogart at aaminin ko humahanga ako dito.
marunong din naman akong lumaban kahit papaano dahil dito nga kasi ako lumaki sa eskwater sa ilalim ng tulay, na kung saan halos lahat ng masasamang tao ay makikilala at makakasalamuha mo.
Nang bigla akong sigawan ng lalake.
'' Marunong kang mag motor bata? Parating na yung mga parak.'' tanong nito sa akin kaya naman tumango ako... Naging delivery boy kasi ako ng mga tubig kaya naman natuto ako.
''Oo'' sagot ko.. Nang biglang may hinagis ito sa akin..
Isang susi ng motor.
''Nakikita mo yung asul na motor paandarin mo at aangkas ako dalian mo!'' sigaw nito sa akin. Nang biglang sinuntok ito ni Bogart sa mukha na naging dahilan ng pagka tumba nito.
''Tatakas ka pang gago ka huh? Hawakan n'yo 'yan dali .'' utos ni Bogart sa tatlo. na agad namang mga sumunod.
pero agad ding natigilan ng biglang ilabas nung lalaki ang kanyang baril. At inumang sa mga ito.
''Sige subukan n'yong lumapit ng kumalat ang mga utak n'yong apat dito sa sahig.'' sigaw nito sa apat saka ako tinignan.
''Hoy ano na? Lumapit kana dito.'' sigaw nito sa akin. Kaya naman nagmamadali kong sinakyan ang motor nito at agad kong pinaandar papunta dun sa lalake, na mabilis naman din na sumakay sa likod ko.. Kaya naman agad kong pinasibat ung motor.
Nakita ko pang nagbalak na humarang si Bogart sa motor pero dineretso ko lang ang pag takbo kaya naman tumabi din ito.
''Magaling kang mag motor bata.'' sabi nito ng huminto na kami sa may bakanteng lote.
''Hindi naman po kuya.'' sagot ko dito..
''Red nalang ang itawag mo sa akin dahil yun ang pangalan ko bata...'' pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay.
''Ako naman si Cennon, Red..'' sagot ko naman saka ko inabot ang kamay nito.!
''Sige bata mauna na ako sa iyo.'' sabi nito sa akin saka sabay upo sa motor nito...
''Teka Red..'' awat ko dito, kaya naman huminto ito sa pag start ng motor. Saka tumingin sa akin...
''Bakit?''tanong nito...
''Pwede kong malaman ang trabaho mo?'' tanong ko dito..
Pero inilingan lang ako nito...
''Hindi mo na kailangang malaman bata.'' sabi nito saka ako nito tinapik sa balikat.
'' Ganun ba? Okay maraming salamat nalang Red..'' sabi ko saka ito tuluyang umalis, hanggang sa hindi ko na ito makita...