Philipp Fin Alfonzo "SUMMER!" tawag ko sa kanya na busy sa paggawa ng assignment niya. "Sinabi nang wag mo kong tawagin sa palayaw ko eh." inis na sabi niya at natawa lang ako sa kaartehan niya. "Eh bakit ba? Sina Ish at Caleb, hindi ka naman nagagalit kapag tinatawag kanila sa palayaw mo." "Sila yun. Pag ikaw kasi parang ang sagwa pakinggan ng pangalan ko." aniya saka pinagpatuloy ang pagsusulat. "Edi Samarra." "Oh?" "Pakopya sa Math!" "Ulol gumawa ka ng sayo!" Iyan yung hindi pa kami gaanong close pero kilala na namin ang isa't isa. Palibhasa magkalapit lang din ang village namin. "Samarra, pakopya!" "Pakopya sa Math!" "Uy pakopya naman sa English." "Pakoya boss!" Araw-araw iyon ang palagi kong bungad sa kanya kapag maaga siyang pumapasok at dumederetso sa gazebo para gumaw

