Philipp Fin Alfonzo LIMANG taon ang lumipas, hindi siya bumalik. Hindi totoo ang sinabi niyang babalik siya kaya naman noong makagraduate ako ng college, sinubukan kong buksan ang puso ko sa ibang babae. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil hinahanap ko parin ang pagkatao ni Samarra sa babaeng nakarelasyon ko. Kaya noong nakipaghiwalay ako sa babaeng iyon ay hindi na muli ako naghanap pa ng iba. Naghintay ako at ang naging panata kong iyon ay nakasulat pa sa braso ko. Patunay ang tattoong yon sa paghihintay ko sa kanya. Lumipas muli ang ilang taon. Tulad ng tattoo ko, hindi parin nabubura ang pag-asang babalik siya para sakin balang-araw. Nagkaroon ako ng sarili kong firm at team. Naging kilala narin ang team namin sa buong pilipinas sa larangan ng photography. "Boss, bigatin tong s

