PAGKAGISING ko mula sa pagkakawala ng aking malay ay wala paring nagbago sa katutuhanang wala na ang mommy ko. Kahit anong hiling ko sa panaginip ko na sana paggising ko ay makita ko siya, buhay at nakangiti. Pero wala na talaga siya. Nang tuluyang magising ang diwa ko, hindi ako makaiyak. Tulala ako at tahimik magdamag at hindi makausap nina Pip. Ilang beses nila akong pinakiusapan na umuwi muna at sila na ang bahala kay mommy ay hindi ako pumayag. Nanatili ako doon hanggang sa asikasuhin nila ang burol ni mommy. "Nagugutom kana ba?" tanong ni Pip. Pero hindi ko siya nilingon at sinagot, deretso lamang ang paningin ko sa mukha ng mommy kong nakaratay sa kabaong. "K-kaninang umaga ka pang walang kain, babe. Baka mapano ka. Ikukuha kita ng pagkain." aniya at tumayo at saglit akong iniwan

