22

1072 Words

ILANG araw nang lumipas, mag-isa lamang ako sa bahay. Pinilit ako ni Pip na doon na lang muna ako sa kanila pero hindi ako pumayag. Dahil gusto ko munang mapag-isa. Nailibing na si mommy noong isang araw, bago magbagong taon. Pumunta parin si Daddy para makilibing kahit hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung nakabalik na siya sa America dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi niya akong pinupuntahan sa bahay pero tinataboy ko siya. Sinalubong ko ang bagong taong hindi masaya at puno ng pagluluksa. "Umuwi kana sa inyo, Pip. Dapat ay kasama mo ang pamilya mong magcelebrate ngayon." pamimilit na sabi ko kay Pip nang samahan niya ako sa bagong taon. "Sinabi ko naman sayo, Babe. Hindi ako pwedeng magpakasaya habang ikaw naman ay nagluluksa. Napakawalang kwentang boyfriend ko naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD