"K-KUYA mo?" Wala sa sarili akong napatango sa tanong ni Pip. Halatang nagulat siya doon. Dahil ang alam niya'y nag-iisang anak lang ako. "P-pano---" "Thank you sa paghatid." putol ko kay Pip na kay CJ ang tingin. "Pasok na ko." "Are you not gonna let me in?" taas kilay na tanong niya at napabuntong hininga nalang ako. Iniwan ko silang dalawa at naunang pumasok sa loob. Naririnig ko pang kinausap ni Pip si CJ. "Brader, anong gusto mong inumin?" narinig kong pag-alok ni Pip na parang sa kanya iyong bahay. Pagkatapos niyang sungitan kanina ay bigla nalang siyang naging mabait ngayon. "Ay Inglesero ka nga pala. Uhm drink? You want?" "No, ayos lang ako." nakangiting umiling si CJ at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. "Uy marunong ka palang magtagalog!" paghanga ni Pip. "My d

