ILANG oras akong nanatiling nakatayo at natulala mula nang umalis si Pip. Inaamin ko, naawa ako kay Pip at nakaramdam ng galit sa sarili ko dahil sinaktan ko ang taong mahal ko. Maya maya ay naisipan kong bumaba para sana kausapin si Pip. Sinabayan naman ako ni Wendy sa pagbaba at saktong break time na pala dahil nasa labas na ang ilang mga estudyante. "Summer!" napalingon ako sa biglang pagtawag sakin ni Sky. Agad siyang lumapit sakin at hinihingal na napahawak sa braso ko. "San ka ba galing kanina pa kita hinahanap." "Bakit?" kaswal na tanong ko. "Si Pip, nakikipagsuntukan!" "Ano?!" gulat na sabi ko at maging si Wendy ay nagulat. "Asan siya?" agad na tanong ko. "Dito, tara dali!" agad akong hinila ni Sky at sumunod naman si Wendy samin. Patakbo naming pinuntahan ang kinaroroona

