26

1505 Words

KAHIT nasa ospital na kami ay di parin matigil ang iyak ko. Nasa ER na si Pip at ginagamot ng mga doktor. Andon kaming lahat sa labas ng waiting area at hinihintay ang resulta ng lagay ni Pip. "Tinawagan ko na ang mga parents ni Pip. Papunta na raw sila dito." Narinig kong sabi ni Ish. Kinabahan naman ako bigla dahil baka magalit sakin sina tita Helen dahil sa nangyari kay Pip. At ilang oras lang ay dumating na ang mga ito. Halos himatayin ang nanay niya sa pag-alala. "Ano bang nangyari, Summer?" umiiyak na sabi niya. Napayuko ako at nakagat ang labi para pigilang humikbi. "S-sorry po, tita. K-kasalanan ko po kung ba't nangyari to kay Pip." Agad naman siyang umiling at umiiyak na niyakap ako. "Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sayo kaya wag mong sisihin ang sarili mo, ija."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD