10 years later... "SAM. Wake up." Nagising ako sa pagyugyog sakin ni CJ. Nakatulugan ko ang biyahe namin papunta sa mansyon nina Daddy. Birthday niya kasi kaya kahit wala akong balak dahil sa hectic ng schedule ko at sa sobra naring pagod ay pinilit parin ako ng kapatid ko na pumunta. "We're here." muling sabi niya at kinusot ko muna ang mata ko bago tumingin sa labas. Nasa malawak na garahe na kami. "Wag na lang kaya..." sinubukan ko sabihin iyon pero sumama ang mukha niya. "Wala din naman akong regalo." pabuntong hiningang sabi ko. Maya maya ay may inabot siyang isang maliit na regalo. "Now you have." Natawa ako. Wala talaga siyang pinagbago, kilalang-kilala niya na talaga ako. "You're the best!" Ngumiwi lang siya at lumabas na ng kotse para pagbuksan naman ako. "Mas maganda

