SABADO ng umaga, nabo-bore ako sa bahay dahil nakakulong lang ako sa kwarto ko magdamag.
Wala kasing trabaho kapag weekends si Rico kaya magdamag tuloy akong nasa loob lang.
Kaya naisipan kong i-chat si Pip.
Summer Merranda
-uy asan ka?
Ilang minuto akong naghintay bago siya nagreply.
Pilipe Alfonzo
-asa work bkt?
Napanguso naman ako. Kahit weekends ay may trabaho ito. Nagpapahinga pa kaya siya?
Summer Merranda
-anong work?
Pilipe Alfonzo
-angkas bkt?
Summer Merranda
-wala kng motor no
Pilipe Alfonzo
-d mo sure. bkt nga?
Summer Merranda
-nvm
Pilipe Alfonzo
-🤨
Maya maya may naisip ako.
Nagdownload ako ng app ng Angkas saka nagregister doon.
Nakangisi pa akong nagbook doon.
Nilagay ko pa sa note ay:
Si Philipp Alfonzo lang ang gusto kong rider, wala ng iba.
Pagkatapos ko iyong iconfirm ay naligo ako at nagbihis.
Nang matapos ay bumaba ako at dumaan sa kusina para uminom.
Kasalukuyan akong nakatungo para kumuha ng tubig sa refrigerator nang biglang may humawak sa pwetan ko.
"Ano ba!" gulat na sabi ko at natigilan akong makita si Rico sa harap ko na nabigla rin sakin.
"S-summer, ikaw pala yan. Pasensya na, akala ko'y mommy mo ikaw."
Pigil inis akong napabuntong hininga at kinuha na lang ang pitsel sa ref at nagsalin sa baso.
Lumayo ako nang may kukunin din siya doon.
Pilit kong ikinalma ang sarili ko nang bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ng sobrang kaba dahil sa ginawa niya. Bastos!
Inilagok ko ang isang basong tubig.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikita ko siya sa sulok ng mata ko.
"Grabe, di ko namalayan dalagang dalaga ka na pala." aniya at salubong lang ang kilay kong hindi kumibo. "Eh hindi naman kasi tayo palaging nagkikita kahit na sa iisang bahay tayo di ba?"
"Aalis na po ako." naglakad ako at nilampasan siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Teka muna, kinakausap pa kita ah."
"Wala akong ganang makipag-usap sa inyo kaya pwede ba bitawan niyo ko." inis na sabi ko at marahas na hinablot ang braso ko.
"Bastos ka ah!" galit na sabi niya. "Pagkatapos kitang palamunin at gastusan sa pamamahay ko, ito lang isusukli mo sakin?"
"Bakit? Sinabi ko bang gawin niyo yun sakin?" iyon ang kauna-unahang naglakas loob akong sagutin siya.
Napangisi siya at napasinghot habang inikiskis ang hintuturo sa ilong.
Kanina ko pang napapansing para siyang lasing kung magsalita at kumilos.
"Bakit ha? Hinihintay mo bang babalikan pa kayo ng daddy niyo? Wag mo nang asahan yun! Dahil hindi ako papayag!"
Masama akong tumingin sa kanya. "Kahit anong gawin mo, hindi kita ituturing na bilang daddy ko---"
Halos matumba ako nang sampalin niya ako ng malakas.
Napahawak ako sa pader nang sandali akong mahilo dahil doon. Bumuhos ang luha ko sa takot sa mga sandaling iyon.
"Wala kang utang na loob!" galit na sigaw niya at akma akong susugurin.
"H-hon!!" biglang dumating si Mommy at agad na niyakap si Rico para pigilan. "P-please, pabayaan mo na lang siya."
"Pagsabihan mo yang anak mo!"
"O-oo! S-sige na hon, let's go to our room now." niyaya nitong umakyat sa taas. Nanglingonin ko si Mommy ay nagmamakaawa siyang umalis na ako. Hindi nakalampas sa paningin ko ang mga panibagong pasa sa mukha at braso niya.
Marahas akong napabuntong hininga at naglakad na palabas.
Agad kong tinapos ang pag-iyak ko nung makalabas ako ng gate.
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ko at nakita kong namula ang kalati niyon.
Agad kong kinuha ang powder ko para takpan iyon dahil ayukong makita iyon ni Pip.
Maya maya lang ay agad kong nakilala si Pip kahit naka-helmet siya sakay ang motor na ngayon ko lang nakita.
Huminga ako ng malalim at ngumiti nang makalapit siya. Ang cute niya sa uniform niyang may tatak ng company nila.
"Anong trip to ha?" aniya nang tumigil sa tapat ko. "San ba punta mo?"
"Sa inyo muna ako."
"Bakit, may nangyari ba?" bigla siyang nag-alala.
Umiling ako. "W-wala. Boring kasi dito."
"Baka maboring ka din don. Mamayang gabi pa ang uwi ko."
"Okay lang. Saka matagal ko naring hindi nakikita sina tita."
Napabuntong hininga siya.
"Ba't di mo na lang sinabi para sinundo na lang kita? Nag-book ka pa talaga."
Ngumisi ako. "Ayaw mo nun, may kita ka parin sa pagsundo sakin."
"Tsk, cancel mo na lang. Ako nang bahala." aniya pa saka inabot ang isang helmet.
"Sus, wag ka ngang maarte. Babayaran kita. Dami ko na atraso sayo."
May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil pabulong yon.
"Ano yun?"
"Wala, kumapit ka diyan at lilipad tayo." pabirong aniya saka pinaandar ang motor.
"Subukan mo lang, Pilipe!" banta ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.
Ilang sandali lang ay nakalabas na kami ng village namin.
"Kaninong motor nga pala to?" malakas na tanong ko para marinig niya.
"Sakin. Kumuha ng isa pang motor si tatay para sa kanya tapos ibinigay niya ito sakin para magamit namin sa pagdideliver."
"Ahh."
Ilang minuto lang ay nakapasok na kami sa village nila.
Maya maya lang ay nakarating kami sa tapat ng simpleng bahay. Dalawang palapag iyon at bakas na ang kalumaan. Ang kwento ni Pip noon ay minana lang iyon ng papa niya sa tatay nito.
"Oh nauwi ka, anak?" bungad ng magandang nanay ni Pip. "At sino itong kasama mo?"
Nakangiti akong hinubad ang helmet ko.
"Ako po ito, tita Helen."
"Summer?" gulat na sabi niya at lumapit naman ako para yumakap sa kanya. "Ikaw pala yan bata ka. Ba't ngayon ka lang dumalaw dito?"
Napangiti na lang ako at napakamot sa batok.
"Nay, aalis na po ako!"
Nilingon ko si Pip na kumakaway kaya agad akong lumapit.
"Pip, sandali." sabi ko saka kinuha ang wallet ko sa bag. "Bayad ko."
"Wag na nga, Summer." tanggi niya at tinulak pa ang kamay kong pera. "Kiss na lang mamaya. Hintayin mo nalang ako ha?" aniya saka kinindatan ako.
Napanguso na lang ako pero hindi napigilang mapangiti dahil sa ginawa niya.
"S-sige. Mag-iingat ka ha?" sabi ko at matamis siyang ngumiti sakin.
"Ingat sa pagmamaneho, Pip!" pahabol na sigaw ng nanay niya nang mapaandar niya ang motor at tuluyang umalis.
"Halika sa loob, ija." yaya sakin ni tita Helen. "Wala ang tatay ni Pip dito. Katulad ni Pip ay rider din siya pero pagkain ang hinahatid niya. Iyon ang bagong trabaho niya dahil natagal siya sa dati niyang trabaho. Halika maupo ka."
Nang makaupo ako ay saktong bumaba ang kapatid na babae ni Pip na si Philo. Philo Sophie ang totoong pangalan niya. Katulad ni Pip ay nakakatawa man ay astig parin pakinggan.
"Ate Summer!" masayang bati niya sakin saka kami nagyakap.
"Philo, kumusta ka na?"
"Ayos lang po ate, kayo po?"
"Okay na okay. Eh ang pag-aaral mo kumusta naman?"
"Ok rin po, grade 6 na po ako. Next school year, high school na po ako."
"Oo nga, magkikita na tayo don."
"Eh kayo po ni kuya, kumusta na po kayo?"
Natigilan ako sa tanong niya.
"H-ha?"
"Kayo po ni kuya. Kung kumusta na po kako kayong dalawa?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong meron kami.
"A-ayos naman kami ni Pip. M-magkaibigan parin naman kami."
"Ay akala ko po kasi girlfriend ka ni kuya."
Bahagya naman akong natawa.
"B-bakit mo naman nasabing girlfriend ako ng kuya mo?"
"Eh kasi ate, ikaw ang nakalagay sa picture frame na nakapatong sa mesa ni kuya sa kwarto niya.
Natigilan ako sa nalaman ko. Picture ko?
***