"WAG na, Philo. Nakakahiya sa kuya mo."
Bulalas ko nang hilahin ako ni Philo paakyat sa kwarto ni Pip. Nasa kusina ang nanay niya at nagluluto ng tanghalian.
"Okay lang yan, ate Summer. Para makita mo na rin ang kwarto ni kuya." pamimilit pa nito na binuksang ang kwarto ng kuya Pip niya.
Ilang beses na akong nakapunta sa bahay nila pero hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Pip.
"Ito ang kwarto ni Philipp!" nakangising sabi pa ni Philo at pinapasok ako.
Hindi ganoon kalaki ang kwarto niya pero masasabi kong komportable na iyon para sa isang tao.
May single size bed, maliit na closet at bedside table na ginawa niya ring study table.
Lumapit si Philo doon at kinuha ang picture frame na nakapatong doon.
"Ito ate oh." ipinakita niya iyon at bahagyang nanlaki ang mata ko. "Di ba ikaw yan?"
Alanganin akong napangiti at tumango. Last year pa kinunan iyon at mismong si Pip ang kumuha ng litrato sa cellphone niya.
Wala sa sariling nabalikan ko ang sandaling iyon at maalala ang tungkol doon.
"Ano bang pangarap mong maging, Pip?"
Tanong ko sa kanya nung umaga sa gazebo ng school.
"Gusto kong maging professional photographer. Eh ikaw?"
"Maging sikat na modelo."
"Uy sakto! Kapag naging sikat na modelo ka, hire mo ko ha?"
Tumaas naman ang kilay ko.
"Eh magaling ka naman ba?"
"Oo naman! Gusto mo ba subukan natin ngayon? Magpose ka dun, pipicturan kita. Ikaw mag-judge ng kuha ko."
"Ayuko nakakahiya!" tanggi ko.
"Wala pa namang masyadong tao. Dali na! Saglit lang." pamimilit niya at hinila ako palabas ng gazebo at pumunta sa circle. "Geh, pose ka na. Bibilang ako."
Ilang muna akong napatingin sa paligid bago nagpose sa pwestong iyon.
Alanganin akong ngumiti sa harap niya habang siya ay nakatutok ang cellphone sa gawi ko.
"Anong ngiti yan? Natatae ka ba?" natatawang biro niya kaya sumama ang mukha ko.
"Wag na lang!" inis na sabi ko.
"Hindi, biro lang. Eto naman! Sige na pose na. Yung natural lang muna. Isipin mong ikaw lang nandyan, wag kang mahiya."
Ginawa ko ang sinabi niya saka nagpose.
"Yan, ganyan! Wag kang gagalaw. One..two..three, nice!"
Napangiti naman ako.
"Yan ganyang ngiti ang gusto ko. Steady lang. Pose ka na sa ganyang smile. One..two..three, nice!"
"Okay na?" tanong ko at tumango naman siya habang nakangiting nakatingin sa cellphone niya. "Patingin nga." nakitingin ako doon habang hawak niya. At namangha ako sa mga kuha niya. "Wow, ang galing!" amazed na sabi ko. "Ang ganda ko dyan." natatawang sabi ko at ilang beses naman siyang napatango at nakipag-aper sakin.
"O ayan ha. Ako ang unang photographer na kumuha sayo ng litrato. Dapat simula ngayon wag ka nang mahihiyang magpose kahit sa maraming tao. Pano ka magiging sikat na modelo niyan kung mahiyain ka?"
Napanguso ako. "Oo na. Thank you. I-send mo sakin yan ah." sabi ko at nakangiti naman siyang tumango.
At hindi ko akalaing ipapadevelop niya pa iyon at ipi-frame para maging display sa kwarto niya.
"Ate, dito ka muna ha. Tinatawag ako ni nanay." sabi ni Philo at tumango naman ako.
Nang mapag-isa ako ay napaupo ako sa naroong silya sa harap ng study table ni Pip.
Habang minamasdan ko ang litrato ko. Ginugulo ang isip ko ng katanungang bakit mayroon akong litrato sa kwarto niya. Alam kong wala namang masama doon pero curious ako at confused at the same time.
Pagkatapos doon ay lumipat ako sa kanyang kama at naupo doon. Malinis ang kwarto niya. Wala kang makikitang nakasampay na kung ano ano sa upuan, sa kama at kahit sa labas ng closet.
"Andito ka lang pala." Pumasok ang ina ni Pip at nakangiting lumapit sakin.
"Pasensya na po tita, napasok ko ang kwarto ni Pip nang hindi niya alam."
"Kahit naman siguro andito si Pip ay siguradong ipapakita niya ang kwarto niya sa babaeng gusto niya."
Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa sandaling iyon.
Hindi ko tuloy siya matingnan ng deretso sa sobrang hiya ko.
"Kumusta naman ang mommy mo?" maya maya ay tanong niya na ikinatigil ko. Pati ang pagkikiskis ko ng aking mga papa ay natigil nang marinig iyon. Alam niya ang sitwasyon ng pamilya ko kaya napayuko nalang ako at hindi nakasagot. "Pasensya kana, hindi na dapat ako nagtanong."
Pilit ngiti naman akong umiling. "A-ayos lang po, tita." napabuntong hininga ako. "Medyo nabigla lang po ako kasi nabanggit niyo si mommy. Ang totoo po kasi niyan, kaya po ako nandito ay ayuko munang mag-stay sa bahay ngayon."
"Ah Ganon ba, hayaan mo, welcome na welcome ka sa bahay na to. Wag mong kalilimutan na andito lang kami ni Pip para sayo kung kailangan mo kami."
Napangiti naman ako at agad ding napaluha dahil sa emosyon ko.
"T-thank you po, tita..."
Hinaplos niya ang likod ko. "Kung hindi mo mamasamain ang sasabihin at ipapayo ko sayo, hayaan mong sabihin ko to sayo." aniya at nakinig naman ako. "Ang ina, kahit anong mangyari at magbago, siya ay ina parin. Maaaring ngayon ay naiisip at nakikita mong hindi siya naging ina sayo. Pero balang-araw, lalabas ang pagiging ina niya at mararamdaman mo lang iyon kapag mawawala na siya."
Natigilan muli ako. Tumagos iyon sa puso't isip ko at feeling ko natamaan ako sa sinabi niya.
"Alam kong mahal ka ng mommy mo. Pero baka hindi niya lang maparamdam o maipakita sayo dahil natatakot siya o may kinakatakutan siya at ayaw niyang may mangyaring masama sa yo."
Napayuko ako at tumulo ng tuluyan ang mga luha ko.
"Wag mong hayaang dumating ang araw na narealize mo ang halaga niya sayo kung kelan ay wala na pala siya."
Napahagulgol ako nang tuluyan. Niyakap naman niya ako at hinaplos haplos ang likuran ko para tumahan ako.
"N-naiingit po ako kay Pip. Kasi kayo po ang nanay niya. Hinihiling ko na sana katulad niyo ang mommy ko."
"Sshh. Wag mong sabihin iyan. Balang araw ay magkakaintindihan din kayo ng mommy mo. Kung hindi man ngayon o bukas, siguradong may panahon din iyon. Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, ija."
Malalim ang naging buntong hininga ko nang pinakawalan niya ako. Pinunasan pa niya ang mga luha ko sa pisngi ko at ngumiti.
"T-thank you po, tita."
Nakangiti siyang tumango. "Nagugutom ka na ba? Halika na sa baba, tanghalian na."
Nahihiya man ay tumayo ako at sumabay sa kanya sa pagbaba.
Naabutan namin si Philo na naghahanda ng mga plato sa hapag.
Niyaya nila akong kumain at hindi naman ako tumanggi dahil nagugutom narin ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta akong maghugas ng pinagkainan namin. Sa una ay hindi sila pumayag pero kalaunan ay wala silang nagawa dahil gusto kong masuklian ang kabutihan nila sakin.
Sumapit ang hapon at nakaramdam ako ng antok kaya naman pinatulog nila ako sa kwarto ni Pip. Sa una ay nahiya ako pero wala rin naman akong matutulugan kaya pumayag na ako.
Ilang oras ang lumipas. Sa kalagitnaan ng tulog ko ay nagising ang diwa ko nang nakarinig ako ng marahang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya maya ay nadinig ko ang yabag ng mga paa palapit sa akin.
Hanggang sa gumalaw ang kama nang may umupo sa tabi ko. Kilala ko ang amoy ng pabangong iyon.
Narinig ko pa ang buntong hininga niya saka naramdaman ko ang paghawi niya sa mga nagkalat kong buhok sa mukha ko.
Dahil sa pagdantay ng balat niya sa pisngi ko ay tuluyan akong napamulat ng mata.
Si Pip na titig na titig sakin.
"P-Pip." anas ko at napangiti naman siya.
"Good morning." mahinang bati niya at napakunot noo naman ako.
"M-morning?"Napalingon ako sa bintana roon at nakita kong madilim na ang paligid.
Inis akong napatingin sa kanya at siya naman ay napangisi.
"Joke lang." sabay peace sign ng kamay.
Tumayo siya at binuksan ang closet niya. Kumukuha siya ng damit doon.
Ako naman ay bumangon.
"Sorry nga pala. Tinulugan ko ang kwarto mo ng hindi mo alam."
"Alam ko, sinabi sakin ni Philo." aniya saka pinagpatuloy ang ginagawa. "Kumusta ka naman dito?"
"Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko dito. Parang gusto ko nang dito tumira." totoong biro ko at natawa naman siya.
"Di asawahin mo ko para dito kana titira."
Natigilan ako at namula sinabi niya.
Nakangisi naman siyang humarap sakin kaya binato ko siya ng unan na sinambot niya lang.
"Diyan ka lang, magbibihis lang ako."
Agad naman akong pinanlakihan ng mata sa narinig.
"D-dito?"
"Siyempre sa banyo. Ano ka siniswerte." natatawang aniya at lumabas ng kwarto dala ang mga damit niya.
Napanguso na lang ako at napabuntong hininga.
***