8

1529 Words
NANG makabalik si Pip ay basa na ang buhok niya na kinukuskos ng tuwalya. Naka-jersy sando siya at short. "Halika na sa baba. May dala akong meryenda. Favorite mo." aniya at hiningi ang kamay ko. Excited naman akong bumaba ng kama at inabot ang kamay niya. Hinila niya ako hanggang sa makatayo ako. "Wait lang." sabi ko saka kinuha ang suklay sa mesa niya. "Hindi ka man lang nagsusuklay." Lumapit ako sa kanya at patingkayad na inabot ang ulo niya para suklayan. Ang tangkad niya kaya nahirapan ako. Bahagya man siyang nagulat pero kalaunan ay yumuko para hindi ako mahirapan. Naramdaman ko ang magaang paghawak niya sa beywang ko at nakatitig lang sakin. "Yan, pogi mo na." nakangising sabi ko at tumingin sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang paningin niyang nasa labi ko na at sinuklayan din ang sariling nagulo ang buhok dahil natulog ako kanina. "Hoy, tara na." pagtapik ko sa braso niya saka nagpatiunang bumaba ng hagdan. "Ate, may dalang kwek-kwek at kikiam si kuya!" kahit na sa ganoong bagay ay masaya na si Philo kaya natutuwa ako sa pamilya nila. Napakasaya nila kahit na simple lang ang buhay nila. Minsan ay hiniling ko na ganoon nalang ang pamilya namin kahit hindi mayaman basta kompleto at nagkakaintindihan. "Wow, paborito ko ang mga iyan!" tuwang sabi ko. "Uy, Philo, baka inubusan mo na si ate Summer mo ha." nakababa narin si Pip. Agad niya akong kinuhaan ng parte ko saka ibinigay iyon sakin. "Thank you." matamis na ngiting sabi ko sa kanya at kagat labi naman siyang nakangiti habang kumukuha ng kanya. "Si tita Helen?" tanong ko habang nakaupo sa sala nila at kumakain ng kwek-kwek. Hmm ang sarap talaga! Tumabi sakin si Pip. "Kasama ni tatay, namalengke sila." "Ah." sabi ko. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko iyon at tiningnan. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni mommy. Mommy - wag ka munang umuwi anak. Naglalasing ang tito mo sa sala. Napabuntong hininga akong ibinalik iyon sa bulsa ko. Napansin agad ni Pip. "May problema ba?" Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba kong makitulog dito." Saglit niya akong tinitigan at ngumiti. "Oo naman. Sasabihin ko rin kina nanay at tatay." Ganoon si Pip hindi niya ugaling magtanong ng magtanong sa akin. Lalo na ng mga bagay na kumplekado. Kasi alam niyang kusa akong nagkukwento sa kanya. Sa ngayon hindi pa ako ready na masabi sa kanya ang totoong nangyayari sa bahay. Di nagtagal ay dumating ang mga magulang niya. May mga dala itong dalawang supot ng mga pinamili nila. "Nay, dito daw po muna si Summer hanggang bukas. Di pa siya pwedeng umuwi." Katulad ni Pip ay hindi na nagtanong pa ang nanay niya kung bakit. "Oo naman, ija. Walang problema. Basta i-text mo ang mommy mo na andito ka samin ha." "O-opo, tita." sabi ko at kinuha ang cellphone para i-text si mommy. Ang totoo ay ngayon lang uli ako nag-text kay mommy. Noon ay baliwala ang text niya sakin at kelanman ay hindi ko siya nireplyan sa mga text messages niya, ngayon lang. Dahil hindi ko kayang ipakita sa pamilya ni Pip na masama akong anak. Bawas points yun, eme. "Doon kana sa kwarto ni Pip matulog. Si Pip ay dito na sa sala matutulog." sabi muli ni tita Helen. Nahiya naman ako bigla. "Naku tita, okay na po ako dito sa sofa." "Sus wag kana umangal diyan, don kana sa kwarto ko. Nilawayan mo na nga unan ko eh." Gulat akong napalingon sa kanya at inambahan siya ng suntok. "E-excuse me! Hindi ako naglalaway matulog." pabulong na asik ko at ngumisi lang siya. "Uy tita, di po totoo yun ha. Di po ako naglalaway matulog hehe." "Pagpasensyahan mo na yan, ija. Basta doon ka na matulog ngayong gabi para komportable ka." "Sige po, tita. Thank you po." Maya maya lumabas muna saglit si Pip kasama ang tatay niya para tingnan at linisan ang mga motor nila, si Philo naman ay nag-aaral sa kwarto niya, kaya nang ma-bore ako mag-isa ay tinulungan ko na lang magprepare ng dinner ang nanay niya. Nang matapos ang pagluluto ay agad inihain ni tita Helen ang ulam at kanin sa mesa. Ako naman ay inihanda ang mga plato at mga kubyertos. "Kumusta naman itong si Philipp sa klase, ija?" tanong ng tatay ni Pip na si tito Pheno habang kami'y kumakain. "Baka dahil sa dami ng trabaho niya ay napapabayaan niya na ang pag-aaral niya." Napatingin muna ako kay Pip at nakita ko naman ang pagsenyas niya ng pag-iling. "Ok naman po, pasado parin naman po siya." nasabi ko na lang kahit na ngumiwi si Pip. "Tutal ay may trabaho na uli ako, bawasan mo na ang trabaho mo anak. Para makapagfocus ka sa pag-aaral mo." "Hayaan niyo, tay. Next month, sa angkas na lang ako magpo-focus." "Sige ikaw ang bahala anak." Nang matapos kumain ay nagpresenta muli akong maghugas pero dahil makulit si Pip ay hinayaan ko siyang tulungan ako na nauwi lang rin sa asaran. Bigla niya akong pinunasan ng sabon sa ilong kaya sumama ang mukha ko. Inis akong ikiniskis ang mukha ko sa manggas niya para mawala ang sabon. "Ba't ba ang sipag mong maghugas ng pinggan dito? Ang tamad mo naman sa inyo." pang-aasar niya na inismiran ko lang. "Wala kang pakialam, Pilipe. Ikaw nga tong kunwari masipag maghugas eh. Nagpapakitang gilas ka lang naman sakin." Nanlaki ang mata niya pati ang butas ng ilong niya kaya natawa ako. "A-anong nagpapakitang gilas ka diyan?" "Eh anong ginagawa ng picture ko sa kwarto mo ha?" inilapit ko pa ang mukha ko para asarin siya at natigilan naman siya doon at hindi makasagot. "Philipp Finn Alfonzo, naghihintay po ako ng sagot." sabi ko at nakapameywang na humarap sa kanya. Akala ko ay maiilang uli siya pero nagkamali ako dahil ngumisi siya at humarap sakin. "Baka magsisi ka kapag sinabi ko sayo ngayon." biglang hamon niya. Hindi ko alam kung ba't parang ako pa yung natigilan at napalunok. Umiwas ako ng tingin at humarap muli sa lababo. "T-taposin na nga natin tong hugasin." utal na sabi ko at hinugasan ang mga plato habang nakikiramdam sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya saka tinulungan ako. Di alintana kung palaging nagkakadikit ang aming mga braso. Nang matapos iyon ay nagkwentuhan muna kami kasama ang pamilya niya bago matulog. Pinahiram pa ako ng damit ni Philo at sakto naman iyon sakin dahil may katabaan siya sa kanyang edad kaya nagkasya iyon sa akin na maliit lang ang katawan. Nang nasa kwarto na ako ni Pip ay matagal bago ako nakatulog. Hindi ko maiwasang isipin si mommy. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon na ako ng pakialam sa kanya gayong noon ay hinahayaan lang namin ang isa't isa. Naisip ko narin na kung walang care ang mommy ko sakin ay hahayaan niya akong saktan ng Rico na yun. Napabuntong hininga ako. Ilang oras ang lumipas bago ako dalawin ng antok. "Daddy!!!" walang tigil ang iyak ko habang hinahabol siya sa labas ng gate. "Daddy, wait for me!!!" kahit nakasakay na siya sa taxi ay hinabol ko parin siya. Habang siya ay hindi man lang nagawang lumingon sa akin. "Daddy, don't leave me!!!" patuloy ang paghabol ko hanggang sa madapa ako at mapaiyak sa sakit ng tuhod ko. Tinanaw ko ang tuluyang pagkawala ni daddy sa paningin ko. Humihikbi akong pilit tumayo at pinagpagan ang dumi sa damit ko. Pero bigla nalang akong nagulat sa marahas na paghawak sakin ng taong hindi ko kilala. Nanlilisik ang mata niyang binuhat ako at tinutukan ng kutsilyo! Dumagundong ang takot sa dibdib ko at nanlalaki ang matang napatitig sa kanya. Dahil sa takot ay napalahaw ako ng iyak. "Huwag kang maingay bata!!!" nanggagalaiting sigaw niya at diniin ang kutsilyo sa batok ko. "W-wag!!!" Napabalikwas ako ng bangon sa kama at hinihingal na inilingon ang bawat sulok ng kwartong iyon. Halos maligo ako sa pawis dahil sa bangungot na iyon. Napahawak ako sa aking batok at naisubsob ang mukha sa mga palad saka don umiyak. Sa sobrang takot ko ay kasing bilis ng takbo ng kabayo ang pintig ng puso ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Pip. Binuksan niya ang ilaw at patakbong lumapit sakin. "Summer, anong nangyari?" Hindi ako nakasagot at napayakap na lang sa kanya. Mariin kong isinubsob ang mukha ko at doon tuluyang umiyak. "Sshh. Panaginip lang iyon. Hindi yon totoo." aniya saka hinagod ang likod ko para kumalma. "N-natatakot ako, Pip. Parang nandito siya, nakatingin sakin." nanginginig ang labi ko at pilit ipinipikit ang mga mata. Saglit niya akong iniharap sa kanya. "Wala kang dapat ikatakot. Andito lang ako ha." Tumango ako at bumalik sa pagkakahiga. Inayos ni Pip ang mga buhok sa mukha ko saka lumapit at hinalikan ang noo ko. "D-dito ka lang, Pip. Please." bulong na pakiusap ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinaplos haplos iyon habang nakaupo sa tabi ko. "Dito lang ako hanggang makatulog ka." Napabuntong hininga muna ako bago muling ipinikit ang mga mata. Nanatiling nakahawak ang mga kamay namin at nagbibigay iyon ng kagaanan ng loob sa dibdib ko. Ilang sandali lang ay nakatulog muli ako ng mahimbing. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD