Whisper 36 Ilang araw nang hindi nakakapasok sa trabaho si Precious dahil sa walang sawang pagbabantay kay nanay Luz at Phoebe. Si Jobert lamang ang kumakayod para sa pambayad nila ng ospital. Mas lalong na baon sa utang si Precious sa nangyari. "Jobert, pwede bang ikaw na muna ang magbantay ngayon gabi? Susubukan kong mag-advance kay boss." "Nako, sana payagan ka niya. Ilang araw ka nang hindi pumapasok," malungkot na sinagot nito sa kanya. "Sana nga, wala na tayong pangkain." "Pasensya ka na Precious, hindi na rin kasya ang sahod ko. Magbabayad pa tayo ng renta," aniya ni Jobert. Nahihiya siya kay Precious dahil kung hindi siya naaksidente noon, hindi mababaon sa utang si Precious. Nakuha nga niyang bayaran ang utang kay Luke. Ngunit sa loan sharks naman siya kumapit sa patalim bila

