Whisper 37 Naga-alburoto sa galit si Austine habang kasabay niyang kumain si Archer, galit din siya sa anak pero hindi niya makuwang mapagalitan dahil alam naman niyang kaslanan niya ito. Nakuhang ma parents needed nito dahil sa pagsagot ng pabalang sa private teacher. Hindi niya alam kung pano niya papastolin ng tama ang anak. Napaka busy at dami niyang iniisip. "Tapusin mo na ang pagkain mo anak," aniya niya rito. "Ayoko na Dad." Biglang umiyak ang bata at yumuko, tumayo siya upang buhatin ang anak. "I'm sorry, hindi kita mabantayan ng maayos. Ginigipit si Dad sa University. Ayaw nilang ibigay ang royalty share ko, kukuha kita ng nanny para may kasama ka sa bahay." "Ayaw ko po, gusto ko ng mama. Gusto ko pong tumira kay Regine," paghagulgol nito. "Anak, hindi pwede," hindi lang ni

