Whisper 38 Tikom ang bibig ni Precious habang siya'y naglalakad sa kalsada. Wala siyang nagawa kung hindi maglakad ng wala sa sarili. Tila ang atensyon niya sa paghahanap ng sosootin ay napunta sa mag-ama. "Pamilyadong tao na nga siguro siya? O baka walang asawa? Bakit gustong-gusto niya akong makamkam? Sa puntong bibilhin niya ang pagkatao ko, upang makasiping ko lang siya. Bakit parang tupa ang maamo niyang mukha kanina? Parang nakita ko ulit ang lalaking kinabaliwan ko." Na upo si Precious sa tabi at hinugot sa bulsa ang kanyang kwintas na binigay ni Austine. "Ilang beses ka nang muntikan masanla. Pero hindi ko kaya, khait na magutom na ako, hindi kita ipapamigay sa kahit kanino kapalit ng pera." Nakuhang masuya ng kanyang panlasa, gusto niyang masuka habang kumikirot ang kanyang d

