Whisper 39 Nakatulalang naka-upo si Austine sa kanyang opisina. Wala talaga siyang takas sa ama dahil ang sikreto nila ni Eve ay kanyang natuklasan. Pinagpatuloy ni Smith ang pagkaka-blacklisted niya sa Los Angeles. Wala siyang magawa kung hindi sumunod sa utos ng ama. Nakuha na niyang mapikon dahil hindi niya magawa ang ginagawa ni Arthur, patagong kumilos ang kapatid niya. Dinaig pa ang pusa na nagnanakaw ng ulam sa kabilang bahay. "Sir excuse po," pumasok ang HR officer sa kanyang opisina. Pinagmasdan ni Austine mula ulo hanggang paa ang babae. Hindi makakaila na tipo niya ito. "Yes? What do you want beautiful lady?" malambing niyang sinabi at halatang namula ang empleyado. "Sir, misis Del Cueva is not around today, we have an applicant today for job interview. She said that, puwed

