Careless 20 FLASHBACK Puno ng katanungan ang nasa isip ni Austine habang hawak niya ang isang litrong alak na Jack Daniels, wala siyang pakailam kung wala siyang chaser o basta na lang siyang malasing sa kahit saan parte ng bar. "Come on! Sinabi na at wala rin kwenta ang relasyon niyo ni Precious! Makati ka kasi Austine!" pang-uuyam ni Craig sa kanya. "Hindi ako ang makati! Buong buhay ko ngayon lang ko pumasok sa isang relasyon at naging faithful sa isang babae!" bulalas ni Austine at tinungga ang alak. "Oh, so si Precious ang gumawa ng mali sa'yo ha?" Tumango si Austine at bakas sa mga mata niya ang pagkakadismaya kay Precious. Tunay niyang nirerespeto ang dalaga ngunit hindi niya akalain na totoo nga ang sinasabi ng lahat patungkol sa kanya. "Oh wow! Look at that chic!" Napaling

