Careless 19 FLASHBACK "Sana hindi mo na ako pinagtanggol, siguradong ako ang pupuntiryahin nila!" aniya ni Precious. "Hindi mangyayari 'yon. Kaysa hayaan kita na masaktan ng pinsan mong mukhang modyako," giit nito. "Anong modyako?" "Tinapay na hinamapas ng harina, ang puti ng mukha e!" sagot ni Austine sa kanya at ngumiti pa. "Bakit masaya ka pa? Nakita mo naman kung ano ang nangyari!" bulalas niya. "Kung magagalit din ako, baka basag na ang mukha nilang lahat. Huwag ka nang umiyak, hindi pwedeng ganito ka sa pag-alis ko." sambit ni Austine. Napatingin si Precious sa kanya. "What do you mean aalis? Anong ibig mong sabihin, iiwan mo ako?" Nakuhang itabi ni Austine ang sasakyan upang magkausap sila ng masinsinan at maayos. "Hindi ko na sabi agad, noong isang araw ko lang naman nat

