Careless 18 FLASHBACK Payapang natutulog si Precious sa couch ni Austine, habang ang binata na inayos ang paligid. Balak niyang palakihin ang bahay na ito pag naka luwag siya. Mula sa ipon niya'y inipit ng kanyang ama, kung kaya't mahigpit pa sa sinturon ang pagiingat niya sa pag gastos. Nilingon niya ang mga librong nagkalat at napansin ang music book. Dinampot niya ito at nakita na may isang pahina na bakante, kinuha niya ang kanyang lapis at iginuhit ang tulog, o payapang mukha ni Precious. "Tama lang na magkasama tayo, I'm willing to take care of your heart Precious. I'll fight for our love, kahit saan pa ako itapon ng tatay ko," bulong niya habang pasulyap-sulyap ito sa dalaga. Ilang sandali at napansin niyang may luha na pumatak habang natutulog ang dalaga, binitiwan niya ang li

