Careless 17 FLASHBACK Muling magkasama si Precious at Austine sa mall dahil sinamahan siya nito upang maghanap ng masusuot sa Chrurch event. "Precious, hindi ba't December ang Immaculada? Bakit ngayon summer?" pagtatanong ni Austine. "Alay sa poon sabi ni lola, every summer may charity para sa mga orphanage. Lalo ang mga bata doon ay binibigyan din ng school supplies ni lola. Tapos pasasalamat sa patron immaculada na rin. Buti at alam mo ang pista niya?" pagtatanong ng dalaga habang namimili. "Si Kuya kasi may kalendaryo sa bahay, lahat ata ng santo nandoon. Hindi ko rin siya maintindihan? Dati puro black metal asa kuwarto no'n tapos puro porn girls. Ngayon puro santo," aniya ng binata. "Ah baka bagong buhay na." May natipuhan na damit si Precious at pinakita niya ito kay Austine.

