Halos batukan naman ni Eli ang sarili dahil sa ginawa nitong pagpapapunta ng pinsan kung nasaan sila dahil hindi niya inakala na kakilala ng kanyang playboy na pinsan ang kanyang Zandrea. Nagngingitngit ito sa kanyang sarili at pinagsisihan nito kanyang ginawa. "What a small world. I can't believe that our path may cross again." Sambit ni Levy sa dalagang malapad na ang ngiti dahil nakaganti din siya sa wakas sa taong kaharap niya. "Me too. Who would have thought that the handsome passenger of American airlines is now in front of me? Please take this seat Levy,dali dito ka sa tabi ko." Tatawa tawang turan ni Zandi. Lalong umasim ang mukha ni Eli ng ipatong ni Levy ang braso nito sa likuran ni Zandi na parang inaakbayan ito. "Wait, what are you doing here?" ang nagtatakang dala

