Episode 1
Ang nakaraan:
ZANDREA
Andito kami sa palengke ngayon at nagtitinda ng mga gulay saka mga isda. Dito namin kinukuha ang mga pang araw-araw na gastusin. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at nasa huling taon sa kolehiyo bilang isang skolar at malapit na akong magtapos bilang isang nurse, nagbibilang na lang ako ng araw at magpapaalam na ako bilang isang estudyante. Wala na kaming ama kaya bilang panganay na anak at bilang are sa kambal, ginagampanan ko ang iba't ibang tungkulin sa aming pamamahay. Kaya ngayon, tinutulungan ko si Nanay sa pagtitinda ng gulay at isda. Kapag may nagpapalaba, tulong tulong din kami.
"Zandi anak, umuwi ka na sa bahay at nang makapagpahinga ka. Dalhin mo na rin itong gulay at isda. Ikaw na ang bahalang magluto ng para sa hapunan natin. Yung mga kapatid mo, pakiaalalayan sa mga assignments nila kasi alam mo naman na mas matalino pa kayo kay nanay. At saka maaga pa ang pasok mo bukas kaya sige na anak, kayang kaya na ito ni nanay,”Turan ng nanay ko sa akin habang sinasalinsin ko ang mga gulay at inaayos ang mga isda para magandang tingnan ng mga mamimili.
"Sige po nay. Sigurado po kayo na kaya niyo na dito? Maaga pa naman po pwede pa akong magstay kahit kalahating oras pa. Madali lang naman ito lutuin at isa pa nay, tinapos ko na po ang mga assignments nina Boboy at Tophe." Sinasabi ko ito habang ang mga kamay ko walang tigil sa pag aayos ng mga paninda namin.
"Hay naku bata ka. Oh siya kung yan ang gusto mo e di tauhan mo muna ito at magbabayad lang ako ng pwesto natin para may magamit ulit tayo bukas. Sana lang kung may sapat na ipon lang eh mas mainam na meron tayong sariling pwesto." Malungkot na sabi ng nanay ko. Napalingon ako sa kinaroroonan niya.
"Hayaan mo nay kapag nakatapos na ako at makapagtrabaho na ikukuha ko kayo ng sariling pwesto dito sa palengke." Masayang wika ko sa kanya. Pampalubag loob lang kumbaga.
" Naku anak, alam ko naman na gagawin mo yun eh. O siya, maiwan na muna kita ha. Ikaw na ang bahala dito sa mga paninda natin. Babalik din ako kaagad,”Saka tumalikod na si Nanay habang ako ito bisi-bisyhan hanggang sa may marinig akong customer.
"Iha magkano itong talbos ng kamote mo?"tanong ng isang ale sa akin na nakangiti.
"Ay sampung peso po ate. Baka gusto niyo pa po ng kamatis, sibuyas, luya at yung kulang po sa bahay niyo." Natatawa kong wika sa aleng namimili na rin ng paninda naming isda.
"O sige ito idagdag mo na din iha. Isang kilong bangus, tapos tilapia gawin mong dalawang kilo. Favourite kasi ito ng alaga ko lalo na kung prito," Turan ng ale sa akin. Bigla namang may lumapit sa kanya na babaeng matangkad, hanggang balikat ang alon alon niyang kulay brown na buhok. Makikita sa pananamit na galing sa mayamang pamilya. Makikinis ang mga balat na parang hindi naarawan. Umalis din ito kaagad. Di yata kinaya ang amoy at dumi dito sa palengke.
"Ito na po ate. Salamat po uli sa mga pinamili niyo. Sana po magiging suki ko kayo dito,” Nakangiti kong sabi sa customer.
"Naku makakaasa ka iha. Oh paano mauna na ako at ang alaga ko nagrereklamo na. Paano hindi sanay sa wet market ang batang yun. Ito ang unang beses niyang pag punta dito. Pero mabait yun, maarte lang talaga. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Ate sa akin. Mukhang mabait naman kaya okay lang.
"Ay, ako po si Zandrea Ibanez po. Pero Zandi na lang po para mas madaling maalala,” sagot ko naman sa kanya na ngingiti-ngiti.
"Sige Zandi ha mauna na ako kasi nakasimangot na ‘yung alaga ko,”Sabay nguso sa alaga niya. Napatingin naman ako sa kanyang alaga na nakatanaw sa aming kinaroroonan. Biglang may sumikdo na kung ano sa loob ng dibdib ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Ni hindi ko na tuloy narinig ang sinasabi ni Ate dahil sa babaeng nasa malayo na parang anghel na bumagsak mula sa kalangitan. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda niya kasi, parang artista. Ano ba itong naiisip ko. At kilan pa ako humahanga sa kapwa ko? Hmm, girl crush lang ito. Para kasi siyang dyosa. Kumaway na lang ako sa ate na papalayo. Bumalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ng nanay ko.
"Anak, sino ang tinitingnan mo sa malayo at kanina ka pa natutulala?" nagtatakang tanong ng nanay at sinusundan ang paningin ko.
"Ay nay, andito na pala kayo. Bagong suki po nay." Tipid na sagot ko. Ngunit hindi mawala wala sa utak ko ang mukha ng babaeng yun. Nagpasya na akong umuwi dahil magtatakip silim na din. Kailangan ko pa mag luto ng hapunan namin.
Kinabukasan maaga akong pumasok dahil sa maraming mga kailangang ipasa na mga school project. Ganito talaga siguro kapag graduating student ka lahat ipapagawa sayo. Pahirapan ka muna ng sobra bago ka pakawalan at bago ibigay ang hinihingi mo sa kanila. Kulang na nga lang siguro na ipinta ko ang mukha ng mga professor ko para lang makapasa at makagraduate na. Hindi na ako makapag hintay na makapag tapos. Para tapos na rin sa mga gastusin. Oo hindi galing sa sariling bulsa ang ginagastos sa akin pero gusto ko nang makatulong sa pamilya ko.
Minamadali kong tapusin ang project ko sa science para maipasa ko na. Kaya pati lunch ko halos diko na makain kain dahil sa kabisihan ko. Habang nakatutok sa ginawa ko bigla namang may nanggulat sa akin.
"EEkk panget ka! Ano ka ba naman Dominggo! Bakit ka baa-" hindi ko naituloy ang sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig ko. Siya ang baklang bestfriend ko dito sa campus. Kagaya ko utak ang ginamit para makapasok sa eskwelahang ito. Pareho na kaming magtatapos ng kolehiyo. Pareho ng estados sa buhay kaya wala sa amin ang magpayabangan ng gamit. Ano naman pagyabang namin eh parehong nokia ang brand ng phone namin. Wala kaming tablet pero siya meron capsule hay nangangarap magkaron ng hinaharap. Sa dami ng nainom niyang capsule pasas pa rin ang meron siya. Ay teka bago ako makalimot. Sandali lang. "Uhm! Punyemas ka! Ginulat mo na ako tapos ngayon bubusalan mo na naman ang bibig ko! Kaw talagang bakla ka." Kunwari galit galitan ako sa kanya pero ang totoo super love ko ang baklang ito. Napakamot siya sa kanyang batok.
"Eh kasi ayaw ko yung tinatawag mo akong Dominggo. Girl, sa ganda kong ito pati artista mapapalingon pati aso mapapatahol kasi may dumating na seahorse. Panget ba feslak ko girl? Call me Denise please, and sounds like lunes. Wag Dominggo, gash kalerkey girl, hindi ko keri." Pumipilantik ang mga kamay niya na akala mo eh nakahawak ng isang nakakadiring bagay. Sabay labas ng maliit na mirror at tiningnan ang mukha. Panget kasi ang name niya para sa kanya.
"Ano magdala na rin ba ako ng food papunta condo mo?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Aaaaayyyy!! Hindi ako kumakain ng kapwa ko!!! Eewww.. Matakot ka girl." Papikit pikit niyang sabi sa akin na may patili pa. Seriously? Ayoko ko din kaya kumain niyan. Iniimagine ko pa lang jusko naduduwal na ako. At napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya sa akin sabay kaming...
"Hwaaarrkkkk!!!" sabay kami na kunwari nasusuka sa aming naisip. O di ba ganun namin kamahal ang isa't isa. Napaupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.
"Besty, sa tingin mo anong mangyayari sa akin 5 years from now?" seryosong tanong niya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya kunwari nag-iisip.
"Five years from now? Hmmm.Aha! Bakla ka pa rin besty. Isang dakilang bakla na ang tanging pangarap magkaron ng size D." tatawa tawa kong sagot sa kanya. Bigla niya naman akong hinampas. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa kinaroroonan naming. Tawanan lang kasi kami at magkulitan. Tinulungan niya na rin akong tapusin ang project ko para makauwi na kami.
Kunti lang kasi ang klase namin dahil mostly professor busy na sa mga coming events lalo na at malapit na ang end of school year. Sinamahan niya na rin ako sa pagsubmit nito sa Science Professor ko para makuha ko na ang aking grade na inaasam asam. Siya parating naghihintay ng last day or due date. Dun siya magpapanic din.
Habang naglalakad kami sa hallway nasalubong ko naman ang aming school dean. Tinawag niya kami ni Doms.
"Miss Ibanez, do you have a minute I have something to talk about." Nagkatinginan naman kami ni Doms Kaya tinanguan ko siya na hintayin niya na lang ako sa labas. Sumunod naman ako sa office ng School Dean.
"Tungkol po saan ang pag-uusapan Ma'am?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang sinasara ang pintuan.
"Please take your seat Miss Ibanez. You probably wonder why I need to talk to you personally. Well, I just had my meetings with all your professors and we talked about your performance from academics as well as your extracurricular activities. Lahat excellent. And we all agreed that our summa c*m laude for this year is none other than you, Miss Ibanez. So therefore, I would like to congratulate you for being one of the best student here in our university. You reap what you sow. Congratulations Miss Ibanez. See you in your graduation day and oh by the way, you need to prepare your speech. That's all for today Miss Ibanez, you can go now." Nakangiting turan ng aming school dean. Agad naman akong tumayo at nakipagkamay sa kanya. Nanginginig ang mga kalamnan ko hindi sa takot kundi sa tuwa. Parang kay hirap iproseso ng utak ko ang sinabi ng aming school dean. Para lang itong isang napakagandang panaginip.
"T-thank you Ma'am. Sobrang thank you po." Naiiyak kong sagot sa kanya. Wala diko ma express ang nararamdaman ko sa ngayon. Yun bang naiiyak ka sa maraming dahilan. Naiiyak ka dahil sa wakas yungilang gabing pagpupuyat, ilang labadang tinatanggap para may pambayad sa mga school projects, ilang isda at gulay ang naibenta ko para makabili ng bagong sapatos para lang may magamit sa practicum ito na yun. Nagbunga ang lahat lahat ng hirap na dinaanan ko. Lumabas ako ng office na naluluha. Napansin agad ako ni Doms na nakayuko at panay pahid ng luha ko. Nagtataka siyang lumapit sa akin.
"Besty Gurl,a-anong nangyari? Bakit ka umiiyak ha? Uy gurl, talk to me." Aba ang gaga kilan pa siya natuto diyan sa talk to me niya? Ma dramahan nga.
"G-girl (hikbi) h-hindi a-ako makaka gradweytttttt.huhuhu.." come on fake na luha magsilabasan kayo, wala akong dalang eye mo. Bigla siyang natigilan.
"Bhaket? Ghurl, look at my face. Now tell me the reson. Hay kapagod mag isip ng English word sige tagalog tayo. Ngayon magsalita ka. Bakit hindi ka makakapagtapos. Imposible yang sinasabi mo Zandi. Dahil kung tutuusin ikaw, ikaw ang pinakamatalino sa buong schools!". Nagsimula na kaming maglakad habang hila hila niya ako. Hmm, ayun sa puno ng mangga. Tahimik doon kaya kahit magtitili pa siya okay lang. Naupo na ako at nag lungkot lungkutan.
"Best huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha. Kung ano man ang marinig mo sa sasabihin ko kung maari sana eh sekreto muna." Nakita ko naman siyang napatango. "Ang totoo niyan girl sinabi sa akin ni Mrs. Alfonso na ako daw ang summa c*m laude this year" Tatango tango naman ang bakla. Yun lang reaksyon niya?
"Ah, summa c*m laude pala. Sus kala ko kung ano na. Wait, ano sabi mo summa c*m laude ka? SUMMA c*m LAUDE KA??!!!!! Oh my gash! Oh my gassshhhhhh!!!! Wait, wait, asan ang pulbo ko?." Patalon talon niyang sigaw pero biglang napatigil at hinanap ang Pulbo, bakit kailangan ng pulbo? Anong connection ng pulbo sa sinabe ko?
"Bakit pulbo? Anong gagawin mo sa pulbo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Bakit siya ang magpapaganda? Baliw na talaga ang bakla na ito.
"Girl kailangan maganda ako habang sinasabi ang magandang balita. Kung baga sa bibliya, 'spread the word of God.' Pero dahil ito ay nangyayari sa campus magiging 'spread the good news' di ba girl bonggacious!!!" excited niyang turan habang nakaupo kami ditto sa damuhan sa lilim ng puno ng mangga.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang secret? Di ba kasasabe ko lang secret muna natin ito? Ikaw talaga baklush ka. At wag na pulbo tara sa canteen hingin tayo harina. Mura lang yun. Hahaha" biro ko sa baklita kong kaibigan sabay hila sa braso niya. Hinampas niya naman ako sa balikat habang naglalakad na kami pauwi. Hindi mapuknat puknat sa mga labi ko ang magandang balita na natanggap ko sa araw na ito. Nagkahiwalay na kami pagdating sa sakayan.
Habang nasa sasakyan ako diko maiwasang mapangit kapag naiisip ko sang sinabi ng aming dean.Ito ang magandang balitang dala dala ko pauwi para sa pamilya ko. Sila ang naging inspirasyon ko sa aking tagumpay. Nagtagumpay ako sapagkat gusto kong mabigyan sila ng magandang kinabukasan ang makaranas ng kaginhawaan, mapag aral at mapagtapos ang aking dalawang kapatid. Si nanay hindi na niya kailangan pang tumanggap ng labada. Sana lang matupad ko ang lahat ng ito, tiwala lang sa sarili at sa itaas.