Episode 2

1627 Words
Dumating ang araw ng aking pagtatapos bilang isang nurse. Salamat sa lahat ng sumuporta sa pag-aaral ko. Laking tulong ito para sa akin at lalo na sa pamilya ko. Ang swerte naman ng ibang mga kagaya kong estudyante na may kaya sa buhay, lahat nabibili at lahat ng gustuhin nakukuha ng walang kahirap hirap. Pero lagi kong tinatanong sa sarili ko na kung sino pa yung may kaya sa buhay sila yung tamad mag-aral. At yung mga taong nakikipag patintero sa hirap ng buhay para lang makapag-aral sila yung mga nagpupursige makatapos. Nakaharap ako sa malaking salamin sa aming kwarto. Hindi mawala wala ang mga munting ngiti sa aking labi. Naalala ko kasi ang reaksyon ni Nanay nung araw na sinabi ko sa kanya ang balita na ako ang summa c*m laude sa taong ito. Kararating ko lang sa aming bahay at nadatnan ko si nanay at ang dalawang kapatid ko na nanonood ng balita sa tv. Lumapit ako kay nanay at nagmano. Lumapit din ako sa dalawang kapatid ko at ginulo ang mga buhok. Kambal sila. Umupo ako sa tabi ng kambal at nakipagkulitan. Tiningnan ko si nanay na tutok na tutok sa tv. Ito na ang tamang oras na sabihin ko sa kanila. Kaya kinuha ko ang kanyang atensyon by calling her name. Napatingin naman siya sa kinaroroonan ko. "Nay, may sasabihin po sana ako sa inyo." anas ko sa nanay "Ano yun Anak? Sige kung ano man yang sasabihin mo makikinig ako." kunot ang noo niyang sagot sa akin. Umayos ako ng upo at tinawag ko din ang kambal. "Nay, Boboy, Tophe may sasabihin si Ate. Kanina nakausap ko yung school dean at ang sabi niya na ako daw ang magiging summa c*m laude sa aming department...!!!" excited kong balita sa kanila. Si Nanay napalundag sa tuwa at niyakap ako at pareho kaming napaluha samantala ang kambal nakanganga ang mga bibig na nakatingin lang sa amin. Natatawa naman ako sa kanilang kainosentehan. Dipa nila alam ang salitang summa c*m laude so sinabi ko na lang na kagaya ng mga valedictorian ang nakuha kong award. Kinabukasan kalat na sa buong kapitbahay ang balitang ako ang summa c*m laude. Kaya nga kapag naglalakad ako ang daming bumabati, kung yung dating mga walang pakialam sayo aba ngayon ang ganda na ng mga ngiti nila. Kahit yung nilalabadahan ni Nanay ayun tuwang tuwa naman. And sarap sa pakiramdam na iyung paghihirap mong maging matagumpay sa buhay e unti unti na ring natutupad. Napansin naman ni Nanay ang pananahimik ko. "Anak, wag kang iiyak at masisira yang make up mo. Proud na proud si Nanay para sa iyo at Kung andito Lang ang Tatay mo aba sigurado proud din yun." Turan ng Nanay sa akin. "Opo nga Nay, Kung andito Lang so Tatay malamang poging pogi na yun." Natatawang pagbibiro ko. Nakita ko naman ang dalawang kapatid ko na gwapong gwapo din. "O tayo na at Baka mahuli pa tayo. Andiyan na Yung trysikel na inukupahan ko at ang Tito Lito mo ang magmamaneho." anas ni Nanay kaya inayos ko na ang sarili ko at sabay na kami lumabas ng bahay. JOHN BRAITHWAITE UNIVERSITY ( Graduation Day ) Halos mapupuno na ang upuan ditto sa loob ng hall dahil malapit nang magsimula ang ceremony. Kakaiba ang pakiramdam, nakakakaba,nakakatakot, ay ewan ko. Nasa linya na ang mga magtatapos syempre kasama ako. Pero diko pa nakikita ang bakla,nasaan na kaya yun? Kung regular school days an gaga ng tao na yun pero ngayong graduation na late? Walang hiya lang. Nagkanda haba haba na ang leeg ko sa kakahanap sa bestfriend ko. Kaya binulungan ko ang nanay. "Nay, nakita mo po ba si Doms? Dapat andito na yun sa harap eh." Yeah mas mauna siya sa akin kasi ako I and siya B. Dominggo Bakunawa Jr. Kaya ayan galit na galit sa pangalan niya. Kaya ako kapag nagkaanak kailangan maganda ang pangalan nila. "Hindi pa anak. Hindi ko din nakita pa si kumare pero kahapon alam ko pupunta sila. Baka late lang anak, hayaan mo at darating ang mga iyon." Pampalubag loob ng nanay sa akin. Mga ilang sandali ang nakalipas biglang nagbulungan ang mga tao sa loob ng hall. Hala baka artista ang aming guest speaker. Hinanap ko ang dahilan ng kumusyon. Anak ng pitong gatang, si Doms lang pala ang dumating pero lahat napapalingon sa kanya. Paano naging blond ang buhok, kuntodo ang make up na kulang na lang kabaong, mahahabang pilik mata, magaganda ang mga kuko, ewan ko ang kuko sa paa malamang puro patay. In fairness naka high heels. Si Bestfriend ko ba talaga ito?Lumapit siya sa nanay at nagmano. Nagmano din ako sa Mama niya at Papa. "Bakit ngayon ka lang? Sinadya mo magpahuli ano para lahat ng atensyon makukuha mo. Gaga ka talagang bakla ka. Makapal pa make up mo sa akin oh. Pati pilik mata mo ang haba " Maktol ko sa bestfriend ko. "Syempre lahat sa akin mahahaba. Look at my hands, my hair,my dress, my eye lashes, may fingernails, my long legged and flawless na mga binti and higit sa lahat mahaba pati ang nasa pagitan ng mga hita. Wanna see it?" natatawang biro niya sa akin. Kaya nahampas ko siya tuloy. Bastos talaga ang bakla na ito. Pumunta na siya sa unahan. Nakita ko na din yung emcee, mga guest na nasa entablado na nagsiupuan na hudyat na ito para magsimula na ang seremonyas. Narinig ko na ang music ng pagmartsa. Ang sarap sa feeling na ito ka na oh abot abot mo na ang iyong pangarap. Hay nakakaproud lang. Andito na kami sa aming mga upuan. Okay fast forward ang bagal ng ikot ng sinehan na ito.. "And now without further ado, may I present to you our 2015 summa c*m laude Miss Zandrea Belize Ibanez!!" announce ng emcee sa entablado. Nagulat ako. Tinatawag na pala ang name ko para sa aking speech. Halos mabingi ako sa lakas ng palakpakan, nakakaproud talaga. Kaya tumayo na ako para umakyat sa entablado. Lahat nakangiti sa akin, may nag aapir o kaya high five. Nakita ko naman si nanay at tito Lito at ang kambal. Whew this is it Zandi! Nagsimula na akong magsalita, although hindi maiwasan ang kabahan ako. "Good day everyone, to my fellow graduates, dear teachers and faculty, to all the proud parents who are here today, congratulations and thank you all for coming."kinakabahang sabi ko. "Today is the day we let go of the safety precautions, the certainties and the walls that kept us from the world. We are through from being sure that we'll make it through every semester because we made what we were tasked to do. Now it is time to face the world of different challenges and a bigger competition." Habang nagsasalita ako, nakikita kong panay pahid ng mga mata ang nanay. Alam kong, sobra din siyang natuwa dahil sa pagtatapos kong ito na nakakuha ng mataas na karangalan. Kung tutuusin, ang lahat ng ito ay taos-puso kong ibinabahagi sa aking ina na siyang gumawa ng paraan para maigapang ang pag-aaral ko at matupad ang pangarap ko na maging isang nurse. Katulad din ng ibang mga mag-aaral, ginamit ang mga talino at galing para lamang makapagtapos ng pag-aaral. "As we receive our diplomas, our odyssey into the real world begins. Truth be told, the world is not "picture-perfect."dagdag ko pa sa speech ko. "With the help of our parents and teachers, we are now in front of you all and will happily accept our diplomas. Which proves that we have passed the hardships, school projects, so many sleepless nights to prepare for our exams." Masyado akong excited kaya nga halos hindi ko namalayang, pababa na pala ako ng stage para bumalik ako sa upuan ko. Narinig ko na lang ang masigabong na palakpakan at hiyawan ng aking kapwa-kamag-aral. END OF PAGLALAKBAY DIWA Present Time Natigil ako sa aking paglalakbay diwa ng may biglang humampas sa balikat ko. Ang walang hiya ko palang bestfriend. Parang kilan lang nang magdeliver ako ng aking summa c*m laude speech. Yeah ang sarap balik balikan ang araw na iyon. Andito kami sa labas ng hospital nagpapahangin at nagrerelax. Breaktime na namin. "Bwesit ka talaga Bakla kahit kilan. Andun na ako sa kalagitnaan ng aking speech eh. Pinutol mo yung magandang alaala na iyon." Nakabusangot kong reklamo sa kanya. "My Gosh Zandi wake up girl. Heto na tayo oh. May work na at kumikita pagkatapos balang araw lilipad tayo papuntang ibang bansa para tuparin natin yung ating mga pangarap. Akala mo ba nakalimutan ko yung sinabi mo na gusto mo magkaron ng sariling bahay at magpagawa ng tindahan para sa nanay mo?" pumipilantik ang mga daliri niya habang nagsesermon na naman. "Oo alam ko yan. Sana nga makaalis na tayo ano kasi yung kinikita natin masyadong kulang. Alam mo naman kung gaano na kamahal ang lahat lahat ditto sa bansa natin. OO nga pala, balita ko magkakaron daw ng pagbabago ditto sa hospital. I heard na parang magtatanggal daw sila ng tao."balita ko sa kanya. Dumating din ang isang kasama namin si Marie. "Uy narinig niyo din pala ang balita na yan? Hala sana wag tayo, paano na lang yung maintenance ng Tatay ko plus pampa-aral sa mga kapatid ko?" malungkot niyang wika. "Naku, pareho pala tayo ng pinoproblema Marie. Maintenance ng aking parents din ang magiging problema ko." Sagot naman ni Doms. "Guys ipagdasal na lang natin na hindi tayo ang mapaalis ah kasi malaking kawalan din ito. Kahit maliit ang sahod but at least may kita tayo. Konting tiis na lang muna tayo ha." Pang aalo ko dito sa dalawa. Ang totoo nababahala din ako sa balitang tanggalan na ito. Maya lang nagsitayuan na kami at bumalik sa aming mga pwesto. Naging busy na ang buong maghapon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD