Kinabukasan same routine pa rin, maaga akong pumasok kasama ang kambal at si nanay as usual nasa palengke pa rin. Tulong tulong na kami sa gastusin sa bahay kaya kayod kalabaw. May dalawa pa kaming estudyante na sabay magkolehiyo. Papasok na ako sa pasilyo ng hospital ng mapansin kong halos nakakunot ang noo ng mga katrabaho ko. Lumapit ako sa kanila para alamin ang problema.
"Ate Jean may problema po ba?" siya ang head nurse namin.
"Zandi, Malaki ang problema. Marami ang nawalan ng trabaho. Lalo na yung mga bagong pasok natanggal sila." Hindi ko alam pero sobrang kabado ako. Pumunta muna ako sa locker para ilagay ang gamit ko at nag sign in. Pagkatapos pumunta na ako sa station namin nadatnan ko ang lulungo lungong si Doms.
"Doms, anong nangyari? Wag mong sabihin na pati ikaw dala din sa natanggal?" napatingin siya sa akin na parang nagtataka.
"Don't tell me na dimo pa alam? Hindi lang ako Zandi ang nawalan ng trabaho, pati rin ikaw, si Marie, lahat ng baguhan dito. Maliban na lang dun sa mga may kapit syempre mananatili sila." Bigla akong napaupo sa kanyang tabi dahil sa hindi ko yata matanggap ang balitang ito. Hindi ko namalayan pero tumulo na lang ang luha ko. Saan na naman kami hahagilapin nito? Napalingon naman ako sa kanya ng muli siyang magsalita."Hayaan mo bestfriend may awa ang diyos sa atin alam mo kung bakit?" nagtataka ako tuloy sa kanya.
"Bakit parang masaya ka yata eh nawalan na nga tayo ng trabaho di ba? Oh dapat malungkot tayo." Nagtataka kung wika sa kanya habang nagpupunas ng luha.
"Best friend kasi ganito yun, nung nagkaroon ng haka haka na magtatanggal sila ng tao, nagsubmit ako ng application natin sa isang school dahil nangangailangan sila ng school nurse." Ngingisi-ngisi niyang sabi sa akin.
"Application? School? Anong ibig mong sabihin bakla?" lalo akong napuzzled sa mga sinasabi niya.
"Naghahanap ng school nurse ang SIMON FRASER HIGH SCHOOL kaya nagsubmit ako ng resume natin. Wag kang mag-alaala kasi maganda naman ang resume natin na ginawa ko. Pang miss universe ang sagot ko sa kanilang mga question kaya wag ka nang malungkot pa ha." Sagot niya sa akin. Simon Fraser ito ang school ng mga maykaya lang. Hindi basta basta ang makapag-aral dito kung galing ka sa middle class lang.Tinanguan ko na lang siya.
Nagkaroon ng emergency meeting and napag usapan na makakatanggap pa rin kami ng pera kahit papano. Natapos ang buong araw ko na magulo ang utak. Paano ko sasabihin sa nanay ko ang kamalasang natamo ko sa araw na ito. Heto ako sa harapan ng bahay namin at diko alam kung paano simulant ang masamang balita. Nadatnan ko si Nanay na naghahanda ng makakain namin para hapunan. Nagmano ako sa kanya at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit.
Nasa hapag kainan na kami at malapit ng matapos sa pagkain ng magsimula akong magkwento.
"Nay, hindi ko po ginusto pero natanggal po ako sa trabaho, hindi lang po ako pati na rin si Doms at ang iba pa naming mga katrabaho na mga baguhan. Meron po kaming matatanggap nap era pero diko po alam kung magkano. Yun na lang muna ang gagamitin natin na pambyad sa mga gastusin ditto sa bahay habang naghhanap ako ng bagong work. Boboy, Tophe, ituloy niyo lang ang pag-aaral niyo ha. Akong bahala sa lahat. Maghahanap si Ate ng work ulit. Kapit bisig tayo ditto ha. Walang iwanan at wala dapat panghinaan ng loob." Pilit kong pinapasigla ang aking boses. Ayokong maramdaman nila na sumusuko na ako.
"Anak wala ka namang kasalanan sa mga pangyayari. Ganun talaga anak kaya ang gawin mo na lang ipagpatuloy ang buhay natin gaya ng dati. Tulong tulong tayo ditto. Kaya kayong dalawa ha pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo ha at hindi pag fefesbok ang inaatupag at yang dota-dota- na yan." Napatango naman ang kambal sa sinabi ng nanay at malungkot na napatingin sa akin.
Lumipas ang araw at ito na nga tambay ang peg. Kaya balik sa dating gawi tumulong ako sa palengke muna. Nagkaron na rin ng haka haka na kesyo board passer eh ito ako naging tinder ulit ng isda. Minsan pinagkatuwaan pa nila na mabuti pa ang mga isda at gulay may tagapag alaga na isang nurse. Mga tao talaga walang magawa sa buhay. Hindi ko na lang pinansin ang kanilang pangungutya.
Habang inaayos ko an gaming paninda biglang may narinig akong sigaw mula sa kung saan. Kaya lingon ako ng lingon at hinanap ang pinagmulan ng boses. Pero dahil sa ingay ng mga tinder at mga mamimili eh goodluck na lang sayo. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.Narinig ko ulit ang tumawag ngayon malapit na.
"Zandi!! Zandi!! Ka-kanina pa ako sigaw ng sigaw sayo babae ka! Bingi lang? Halos mapugto na yung larynx ko sa kakasigaw ng pangalan mo hindi mo pa rin ako naririnig?!"irita niyang sabi sa akin.
"Bakit kaba kasi sigaw ng sigaw? At saka hello, tingnan mo kung nasaan ako. Ano tahimik ba ang kinaroroonan ko? At teka lalapit ka din naman bakit doon pa lang sa malayo sumigaw ka na? Ano ba yang sasabihin mo at mukhang napaka importante? Oh ito tubig uminom ka muna at baka himatayin ka. Sigurado walang bibili sayo dito." Natatawang biro ko sa kaibigan kong bakla.
"Zandi!!! Bukas pupunta tayo sa Simon Fraser School para sa interview. Girl magkakaron na tayo ng trabaho! Hindi ka na tagapag alaga ng galunggong at mga gulay. Basta sabay na tayo pupunta girl ha. At saka ito yung kopya ng sinubmit ko sa kanila. Check mo na lang ha. Excited na ako girl na sa wakas dina ako Pal sa bahay." Mahabang litanya niya. Tiningnan ko naman ang kopya ng sinubmit niya. Hmm infairness maganda ang pagkagawa ng resume ko. Maasahan talaga ang bakla na ito pagdating sa mga pagkakaperahan.
SIMON FRASER HIGH SCHOOL
Pagdating namin sa harap ng malaking gate hinarang kami ng guard. Sinabi naman naming sa kanya ang aming pakay at pinagbuksan. Pang mayaman nga pala talaga ang school na ito. Pati mga estudyante hindi mga pipitsugin. Mga sasakyang nakaparada sa parking lot nagkikintaban. Naku hindi kami nababagay dito paano ba kasi trysikel ang sinasakyan namin.Nakakahiya kayang makihilira sa mga sasakyan nila dito.
Nagkatinginan lang kami ni Doms habang naglalakad sa hallway. Nagtataka naman ako sa kasama ko na parang natuklaw ng kung anong maligno. Sinundan ko ang mga tinitingnan niya. Ay sus may mga nag uumpukang mga kalalakihan na akala mo mga artista. Ang gagwapo nga naman kasi. Jusko! Siniko ko nga to get his attention.
"Hoy yang mata mo kung saan saan nakapukos. Bilisan mo na nga diyan at baka malate pa tayo sa interview."sabay hila ko braso niya at nagmamadaling naglakad para hanapin ang office of the president.
"Aray! Grabe ka naman kung makahila sa braso ko. At saka marami pa tayong oras alam mo bay un? Ang ganda pa naman ng view kanina." Nakabusangot niyang reklamo sa akin.
"Nagpunta tayo ditto para sa trabaho hindi para sa mga lalaki mo! Kaya hala bilisan mo. Isipin mo ang mga utang na nakapila na sa ngayon." Sagot kong irita sa kanya.
"Oo na ito na oh sobrang bilis na nang lakad ko." Sa kakahila ko sa kanya habang papaliko kami sa pasilyo ng hallway hindi ko napansin ang isang bulto ng katawan kaya nabangga ako sa kanya. "Ay monster!"jusko bakit sa dinami dami pa ng word yun pa ang nabigkas ko? Ang sama na tuloy ng tingin niya sa amin.
"Did you just call me monster!?" How dare you to call me-" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil namumula na siya sa galit.
"N-no. Ah monster. Him! He is the monster.! Yea- Yeah that's right!" Bilis na turo ko kay bakla na pinandilatan ko naman. Ibig sabihin sakyan niya na lang ako.
"You two, don't you ever block my way again, get it? Now tsupi! "ang kapal ng mukha. Ngitngit ko sa sarili ko. Kung anong iginanda ng mukha kasingpanget ng paniki ang ugali."Don't you hear me? Don't block my way!" sigaw niya sa amin. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.
"What way!? Why is this your driveway!? Hello, I don't see any car here! At mas lalong walang pangalan mo!" malditang sagot ni bakla. Naku ito na eh hindi din ito magpapatalo pero nope magbait baitan muna kami. Lagot na talaga. Kaya siniko ko si bakla na wag nang patulan. Grabe pala mga estudyante dito mga walang modo akala mo pag-aari na nila lahat dito. Ang gaganda kabaliktaran naman ang ugali. Ugaling kanal. Usal ko sa sarili.
"Sorry Miss. It will never happen again. Sorry for the misunderstanding." Sabay hila sa bakla at lakad ng mabilis dahil ilang minutes na lang late na kami sa interview. Naku hindi magandang image yun kung sakali. Kaya lakad takbo ang ginawa naming papuntang office ng president. Whew minutes later nasa harapan na kami ng pintuan. I knocked three times then I heard a deep low voice that says 'come in'. So I gently turned the knob and pushed the door slowly and there I saw a man on his 40's if I'm not mistaken seated on his swivel chair smiling at us.
"Please be seated."naupo naman kami."So you must be Zandrea Ibanez and Dominggo Bakunawa Jr" sabay tingin kay Doms na napipilitang tumango.
"Sir if you don't mind if you can call me Doms instead." malanding turan niya.
"Sure that's not a problem. Anyway, I already checked all your documents and I don't see any problems at all. In short, I find the two of you as a hardworking person which is the best asset here in Simon Fraser. Yan ang mga hinahangaan kong mga empleyado.Well, Congratulations you are now part of SIMON FRASER HIGH SCHOOL. You two are hired. Welcome to your new environment. And I am hoping that you two will enjoy working with us and maybe will stay longer. Students here sometimes napakahirap e deal so I hope na makakaya niyo ito." Wika niya at palipat lipat ng tingin sa amin ni Doms at kinamayan niya kami.
"Mr. President thank you po for believing and trusting us. We will give our best shot Mr. President. We don't want you regret and feel disappointed." sagot naman ni Doms habang nakangiti lang ako sa kanila.
"With that, I expect both of you tomorrow. I will ask my secretary to do the orientation and probably do the tour na rin around the campus. It's better if you both know every department here and where to locate. Mas madali para sa trabaho niyo. And refrain from calling mr. president. Call me Sir Travis or Sir Curtis, are we clear here.?" in his deep soft voice.
"Yes sir." sabay namin sagot ni Doms. Papatayo na kami ng bumukas ang pintuan at iniluwa ang anghel na bumagsak mula sa kalangitan. Ang babaeng nakita ko sa palengke na kasama ni Ate dito din siya nag-aaral? Yeah dahil naka uniform siya. Ang ganda niya pala sa malapitan. Shettt! Halos hindi na ako makahinga dito. Bakit ganito para akong natutunaw sa mga titig niya? At kilan pa ako naging ganito sa babae? Whew baka crush lang ito. Yung madalas ko maramdaman sa mga lalaking crush ko. Lumapit siya sa president at humalik sa pisngi. Hala anak niya ng president siguro.
"Zandrea, Doms I'd like you to meet my one and only daughter Sharleeze Elizabeth she's in grade 7 now. Baby , this is Zandrea and this is Dom. Sila ang magiging school nurse natin and hey young lady be nice to them." nakita ko naman na she smirked. Maldita din pala ito.
"Dad it's Eli. And how did you know that they are the best? You-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil binara ng ama.
"Eli enough. Stop being so rude to them. My decision is final and wala ka nang magagawa pa young lady." tinignan naman kami ng Eli na ito na parang kakaining buo. Kung kanina hanga ako sa kanya ngayon erased that. Bigla siyang nag walk out at naiwan ang ama niyang iiling iling. Yeah gusto ko din umiling iling.
Paglabas namin ng office napaisip ako. Anong kapalaran ang naghihintay sa amin sa Simon Fraser kung sa umpisa pa lang puro na monster ang nakakaharap namin? Magpapadala ba ako sa sindak nila? Pero kapag naisip ko ang mga kapatid ko at ang nanay, tumitibay ang loob ko. Saka nilisan namin ang eskwelahan.