Ang laki ng pasasalamat ko at nakapasok na kami bilang school nurse dito sa Simon Fraser High School. Sa umpisa medyo mahirap, tama nga si Sir Curtis ang hirap e deal ng mga kabataan na ito. Pero okay lamg ang mahalaga may trabaho na kami ni bestfriend ko. Masaya naman Ako dahil malaki ang buwanang sahod.
Habang nag aayos ako dito sa clinic may biglang pumasok sa loob. I checked who could be my patient that needed some alcohol and betadine this time? Tsk! Mga kabataan talaga oo wala nang binigay sa mga magulang kundi sakit sa ulo. Paglabas ko, nakita ko ang isang babaeng nakayuko wearing her jersey. Nakita ko naman siyang nakangiwi at Panay ang hilot niya sa kanyang ankle.
"Ehem. Mukhang napuruhan ka ah. Wag mo masyadong galawin yan at baka lalo pang lalala." Anas ko at nag angat siya ng tingin. Oh ghad it's her the girl who can make my heart skip a beat. We stared each other for a moment until I heard her say..
"Do you have any plans on helping me here or you're just going to stand there and do nothing? Tsk! Stupid!." Malditang turan ni Eli. Yeah it's Eli Curtis ang malditang anak ng president ng school. May pasa siya sa kanang pisngi, gasgas sa braso at tuhod at Ito ang malala sprain sa sakong niya.
"Sorry, nakipagbugbugan ka ba o naaksidente?" tanong ko sa kanya habang nililinisan ko ang mga sugat niya sa mukha at katawan. Napatingin naman siya sa akin kaya ito na naman ang eye to eye contact namin.
"Pakialam mo ba!. Your job here is to assist us if we get hurt and not to interfere our own lives. Understood?!" galit na sagot niya sa akin na may nanlilisik na mga mata. Pinagpatuloy ko naman ang paggagamot ko sa kanya at diko maiwasang mapatingin sa mga labi niya. Napapalunok ako ng ilang beses hindi ko alam na napapadiin na pala ang paggamot ko sa kanya.
"Ouch! Could you please be gentle!" napaiktad ako sa sigaw niya sa akin. Bumalik naman ako sa katinuan ko.Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kilan pa ako nagkaron ng pagnanasa sa kapwa ko babae. Bakit sa iba hindi ako ganito?
"Pa-pasensiya na. Ito na dahan dahanin ko na ha." sabay dampi ng cotton ball na may betadine sa sugat niya plus may kasamang ihip ihip pa. Hindi ko alam kung bakit I did that to her. Hinipan ko ang sugat niya sa mukha at nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sa akin. Everytime she's near me parang nasa isang kompetensyon ang puso ko. Nasa isang marathon race yata dahil sa bilis ng pintig nito. Kailangan ko na yata patignan ang sarili kong kalusugan.
"Are you done? I need to go now." madiing wika niya at akmang tatayo pero nawalan siya ng balanse kaya ang seste bumagsak siya sa puso ko. Joke sa mga bisig ko. Wow!! ako na si flash sa bilis ng pag rescue ko.
"Dahan dahan lang kasi dapat. At kung dimo pa talaga kaya pwede ka muna mag stay dito ng ilang minuto and kapag dumating na ang kasama ko, sasamahan na lang kita papunta sa sasakyan mo." hala ako ba talaga ito? Pero wala na akong magawa dahil sa nasabi ko na eh. Alangan naman na bawiin ko yung sinabi ko.
"No need. I will ask some of my friends to take me home. Huwag ka ng mag abala at mas lalong huwag mo akong kaawaan. Tsupid!" wika niya at nagsimula nang maglakad gamit ang saklay niya. Ang walang hiya hindi man lang nag thank you.
"Your welcome ha! Ang bait mo kasi kaya love na love ka ni Lord!" sigaw ko at bigla siyang lumingon nang may nanlilisik na mga mata. Oh no mama ko baka lunukin niya akong buo nito. Kaya nag peace sign na ako sa kanya.
ELI
I am Eli ang nag-iisang anak ng may-ari ng Simon Fraser High School at si Dad ang presidente dito. Simon Fraser is my Lolo's name ama ng Daddy ko. Galit ako sa mundo after my mom left the world. She's one of the victim in Boston Marathon Bombings (this is all fiction guys but Boston Marathon Bombings is really true) galit na galit ako sa taong naglagay ng bomb sa mga areas na matao. And I guess it wasn't my mom lucky day kasi sa dami nila siya ang napuruhan.
This is the reason why I don't know how to smile anymore. For me everything here on earth is just temporary kaya I don't want to get attach to anyone or anything. Kasi kapag nawala sa akin ang isang bagay, para na rin akong namatay. I do have friends pero yung klase ng kaibigan na kung mawala sila sa akin wala akong pakialam. Marami akong hatred sa katawan kaya ito ako ang babaeng version ng isang basagulero. At the age of 16 marami na akong sinalihang mga kung ano ano. But I am not into drugs no.
Mas lalo akong nagalit at nagkaron ng sama ng loob sa tatay ko when I found out na he is dating his secretary. Kaya most of the time wala ako sa bahay. Nasa mga barkada ako at nakikipag inuman at kapag napaaway sila alangan naman na tutunganga ako. Hindi na din ako matanggap tanggap sa ibang school kaya ang bagsak ko dito. Magaling ako sa swimming and volleyball. Ito ang dalawang sports na nag eexcel ako. Isa akong lesbian and my parents already knew that. At first nagalit ang daddy ko pero later on natanggap din niya. Super closed ako sa Mom and Dad ko before and we have a perfect family nung andito pa ang mommy ko. Pero when she left the world, nawalan na din ng saysay ang buhay ko.
Mga teachers dito sa Simon Fraser lahat sumusuko sa ugali ko, even mga ibang faculty binubully ko. Kaya madalas kami mawalan ng mga staff. Kasi yung iba kusang umaalis at yung iba pinapaalis ko for no reason. Basta ayaw ko sayo dimo ako mapipilit. Madalas din ako napapadala sa clinic at pati mga nurses doon inaaway ko din at lahat sila takot na takot sa akin except sa dalawang makakapal ang mukha. Ang pandak na Zandrea at ang baklang si dugong na si Doms. Tsk! Dominggo pala ang name niya. Bwahahhaha!
Ilang beses ko na tinakot ang dalawang ito pero hanggang ngayon andito pa rin sila sa school. Naglagay ako ng ahas sa loob pero lintek ako ang tumakbo dahil sa biglang nakawala sa pinaglagyan ko. Nagtry din ako maglagay ng daga pero ewww so kadiri kaya. I tried to create a mumu sounds pero walang silbi. Seriously? May lahing witch ba ang mga ito? Pero hindi ako susuko hanggat hindi nawala sa paningin ko ang dalawang ito.
Andito kami ng mga kabarkda ko sa palikuran at nag eensayo para sa darating na motocross kaya ito gamit ang bike practice practice until i lost my balance kaya whew sa ayaw at sa gusto ko i have no choice but to see that ugly face of her again.
Nakarating kami sa clinic na sobrang tahimik. Hmmm baka kusang lumayas kasi di na kaya ang pambubully ko sa kanila. Matutuwa ako for sure kapag nawala siya sa landas ko. I'm here sa isang upuan at hinihilot hilot ko ang ankle ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin malamang yung school nurse namin at sana hindi yung asungot na babae na yun. Narinig ko siyang may sinasabi kaya nag angat ako ng mukha.
"Ehem. Mukhang napuruhan ka ah. Wag mo masyadong galawin yan at baka lalo pang lalala." I looked at her at nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. Kung mamalasin ka nga naman. Andito pa rin pala siya. Akala ko naman maging maganda na ang araw ko, hindi pa rin pala. Yan matakot ka sa akin, pero wait bakit hindi takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata, something na I can't explain. Ganito ba talaga siya kung tumingin parang may magnet na humahatak sa iyo palapit sa kanya.No! No! I do like girls pero never and no way na ma inlove ako sa unano na ito. Well, she's cute. Maybe she can be one of my toy. Kaya meron na naman akong naisipan na dapat gawin. Make this stupid girl fall for me then make her heart break. Brilliant idea Eli (evil laugh).
"Do you have any plans on helping me here or you're just gonna stand there and do nothing? Tsk! Stupid!." irita kong sabi sa kanya. Wala ba siyang gagawin kundi titigan ako? Stupida! Mag-isa yata siya at wala ang dugong niyang kasama.
"Sorry, nakipagbugbugan ka ba o naaksidente?" rinig kong tanong niya sa akin. At teka nga muna pakialam niya ba.
"Pakialam mo ba. Your job here is to assist us if we get hurt and not to interfere our own lives. Understood?!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya. Yan take that! Para next time alam mo na ang dapat gawin kapag ganitong bwesit ako. Patuloy siya sa paggagamot at panakaw akong napapatingin sa... mga labi niya. Sh*T! A-ang pu-pula at p-parang ang lambot na parang ang sarap halikan. Lintek na babae na ito bakit bigla akong nauutal. Kahit di masakit nagdrama na lang ako.
"Ouch! Could you please be gentle!" bigla siyang nagulat sa sigaw ko. Hindi maari I think may lahing mangkukulam ang babaeng ito. No she don't have that luscious lips. No! It's ahm.. rough!.. tama very rough na very eww halikan.
"Pa-pasensiya na. Ito na dahan dahanin ko na ha." she did it very gently at hinipan pa niya ang sugat ko sa mukha. Damn! A-ang bango ng hininga niya. Ilang mouthwash kaya ang ininom niya? W-why she did that? Ayoko na dito hindi pwede ito. Dapat siya ang ma fall sa mga plano ko. Siya ang magkanda baliw baliw sa akin at hindi ako. I need to leave this place as soon as possible.
"Are you done? I need to go now." ikli kong turan sa kanya. Sa malapitan meron siyang mga mahahabang pilik mata, manipis na mapulang mga labi na pinatungan niya ng lipgloss, makinis na mukha at mahabang buhok na kay bangong amuyin. Makurbang katawan at may kalakihan ang dibdib niya. Nagkaron ako ng kakaibang pakiramdam sa katawan. Kakaibang init kaya kailangan ko na talagang lumayas dito. Akmang tatayo na ako at nagsimulang maglakad ng bigla akong nawalan ng balanse. I fall into her arms. Oh fvck! That scent, so addicted. Yes, I remember our first encounter sa office ni Dad. Ito ang amoy na hinahanap hanap ko palagi so siya pala ang may gamit ng ganyang pabango.
"Dahan dahan lang kasi dapat. At kung dimo pa talaga kaya pwede ka muna mag stay dito ng ilang minuto and kapag dumating na ang kasama ko, sasamahan na lang kita papunta sa sasakyan mo." what? After all my pambubully to her or to them mabait pa rin siya sa akin? Yeah she knew it was me kasi nahuli niya akong nilalagyan ng kung ano ano ang clinic. Ilang beses na ba niya akong nahuli and I was hoping na magsumbong siya sa Daddy ko but she never did. I need to be away from her presence from now on.
"No need. I will ask some of my friends to take me home. Huwag ka ng mag abala at mas lalong huwag mo akong kaawaan. Tsupid!" sabay hablot ko sa hawak hawak niyang saklay at nagsimula na akong naglakad papalabas ng clinic.
"Your welcome ha! Ang bait mo kasi kaya love na love ka ni Lord!" sigaw niya sa akin na ikinalingon ko. I gave her a sharp look na naging dahilan upang manahimik siya. Nakita ko naman na bigla siyang ngumiti ng pilit at nag peace sign. She's cute. Napangiti ako. Oh wait, this is new. I don't know how to smile and I don't want to smile. Tsk! She cursed me! Lintek kang Zandrea ka! Umuusok kong turan sa sarili ko habang mabagal na naglalakad papunta sa sasakyang nakaparada sa may parking lot. Whew! What a boring day again.