CURTIS RESIDENCE
Pagdating ni Eli sa kanilang tahanan nadatnan niya ang ama kasama ang babaeng nililigawan nito na masayang nagtatawanan kaya nakabusangot na pumasok siya sa loob at tuloy tuloy lang siya papuntang room niya sana. But bigla siyang tumigil ng marinig na tinatawag siya ng kanyang ama.
"Eli! what happened to you!? What did you do this time huh!? Kilan ka ba talaga titigil diyan sa mga pinaggagawa mo?! At hanggang kilan mo sasaktan ang sarili mo para lang mawala yang galit mo sa mundo ha Eli?!" galit na sigaw ng ama niya sa kanya. Hindi naman na nagulat si Eli sa tinuran ng ama niya dahil madalas ganito ang eksina sa kanilang tahanan. Tahimik niyang nilisan ang living room at dahan dahan siyang umakyat sa taas gamit ang saklay. Kahit hirap na hirap siya pinilit niyang makaalis sa lugar kung saan andun ang ama niya at ang bagong babae nito. Hindi na rin sila nag uusap pa ng ama niya kagaya ng dati.
Pagdating niya sa kanyang kwarto basta niya na lang hinagis ang cruthes sa kung saan at nahiga sa kama . Pakiramdam niya hindi lang katawan niya ang binugbog kundi pati puso nito. Pakiramdam niya galit sa kanya ang mundo pati ang diyos dahil ang kaisa isang taong nagmahal sa kanya, tumanggap sa pagkatao niya at ang nag-alaga sa kanya ngayon ay wala na at hindi na niya ito makikita kahit kilan.
Nakatulog siyang may luha sa mga mata dahil sa matinding sama ng loob at galit sa ama. Kaya madalas silang nagbabangayan dahil sa akalang ang ama ang dahilan kung bakit nawala ang mommy niya. Suppose to be ang ama niya ang pupunta sa conference na iyon pero may ibang errands ang ama kaya ang ina ang nag volunteer na pupunta sa Massachusetts at nung araw na iyon nagkaron ng pagkakataon ang ina at ang ibang mga delegates na manood ng marathon and bad things happened. A worst nightmare for Eli and for her Dad. Eli world collapsed nang malaman ang sinapit ng ina sa Boston Marathon. The paramedics couldn't do anything to save her mom dahil sa matinding sugat na natamo nito kaya she was dead on arrival according to the doctor na tumingin sa ina pagdating sa emergency ng hospital. They tried to resuscitate her pero its been too late.
Kinabukasan hindi siya makabangon dahil sa matinding kirot ng paa niya. Nakita niya ang matinding pamamaga nito at hirap siyang makalakad. Wala ang ama niya dahil maaga itong pumapasok sa office sa eskwelahan but mostly sa kanilang ibang negosyo. Eli grab her phone and call her yaya. Ito lang ang madalas niya kausap sa lahat ng kakailanganin niya. Mas malapit siya dito at ito lang ang bukod tanging napapasunod siya.
"Yaya, I can't get up. Sobrang sakit po ng paa ko. I don't know what to do yaya." reklamo niya sa may edad na babae na ngayon ay naghahanda ng kanyang agahan.
"Bakit iha napano ba ang paa mo? Ay sandali maghintay ka diyan at tatapusin ko itong breakfast mo at nang madala ko na diyan sa itaas." sagot ng yaya niya. Wala pang sampung minuto dumating ang kanyang yaya na may bitbit na almusal. Gulat naman ang makikita sa mukha ng matanda dahil sa mga pasa at gasgas na tinamo ng alaga mula sa kung anuman ang pinaggagawa nito sa eskwelahan.
"Yaya, it's swollen now. Do you think I fractured my ankle? Do you think we need to go to the hospital?" may halong pagpapanic sa boses ni Eli. Sa harapan ng iba matapang siya pero sa likod niyan andun ang takot at kahinaan niya.
"Wag kang magpanic anak. Sandali nga at tawagin ko si Dodong at para madala ka sa ospital. Kainin mo muna yang hinanda ko at pagkatapos mo diyan pupunta tayo sa ospital para matingnan yan ng doctor." napatango naman si Eli sa yaya niya at nagsimula nang kainin ang hinanda nitong agahan.
SIMON FRASER
Nakatanggap ng tawag ang ama ni Eli mula sa yaya niya at sinabi ang sinapit ng anak nito. Yeah Eli had gotten a bone fractured sa ankle niya. Kaya kailangan niya ng matinding pag iingat at kailangan niya din ng therapy. Napasapo naman sa noo ang ama sa sinapit ng kanyang anak. Hindi na niya alam ang gagawin sa kaisa isang anak nito. Eli always got into fight o kaya uuwing lasing. She's now a trouble maker. Tiningnan niya ang kanilang family picture ng may malungkot na mukha. Isang pamilyang punong puno ng saya at pagmamahalan ngunit sa isang iglap lahat ay naglaho. Dahil sa pagkawala ng asawa, pati ang anak parang unti unti na rin nawawala sa kanya.
Hindi na sila madalas mag usap kagaya ng dati na madalas sila magkasama kapag maglaro ng golf, mag fishing, or travel around the world. Malayong Eli na ang nakikita niya. Isang Eli na may pusong bato at kung makipag usap sa kanya kasinlamig pa sa north pole.
The doctor recommend na kailangan ni Eli ng therapy para sa agarang paggaling dahil sa nalalapit na swimming competition sa ibang school. Kaya naghahanap ang ama niya ng isang makakatulong sa kanyang anak. Naalala niya si Miss Ibanez na may background sa pagiging therapist kaya pinatawag niya ito. Makalipas ang ilang sandali dumating ang taong pinatawag niya.
"Good morning sir, pinapatawag niyo daw ho ako." bati ni Zandrea sa ginoo. Ngumiti naman ito sa kanya at tinuro ang upuan.
"Please have a seat.Maybe you wonder why I asked you to come to my office at this hour. Well nabasa ko sa resume mo na meron ka palang background bilang therapist. " napatango naman si Zandi na may pagtataka sa mukha. "Ehem. Anyway, my daughter Eli fractured her ankle and the doctor recommend to under go a therapy para sa maagang paggaling. And according to my source na of all our staff ikaw lang ang hindi sumuko sa ugali ng anak ko. Miss Ibanez, can I ask a favour?If it's not to much for you is it possible if you could be my daughter's therapist? All you have to do is to live in our house, I'll pay you more aside from your monthly salary as school nurse. I need your help Miss Ibanez, I need you for my daughter's early recovery. Mapagbibigyan mo ba ako sa aking kahilingan Miss Ibanez?" mahabang turan ni Mr. Curtis sa dalaga na may malungkot na mukha.
"S-sir titira po ako sa bahay niyo? P-pero sir baka po magalit sa akin si Eli. Sir mainit ang dugo nun sa akin eh. Kaya nga po lahat ginagawa niya mapatalsik lang kami sa trabaho kaso dala ng kagipitan sir, nagtatapang tapangan na lang kami ng bestfriend ko. Actually sir maliit na bagay lang po yang kahilingan niyo compare naman po sa tulong na binigay niyo sa akin at sa kaibigan ko. Nakahanda po akong tulungan si Eli para gumaling siya kaagad pero sana po hindi siya magagalit." nauutal na sagot ng dalaga. Iniisip niya pa lang na makasama ang masunget at brat na anak ng presidente nahihintakutan na siya. Pero sa kabila ng kanyang utak andun ang tuwa na makikita niya at makasama ang dalaga sa iisang bubong. Lihim naman itong napapangiti sa sarili niya. Hindi niya alam pero andun yung kilig. Kahit ang sunget sunget sa kanya ni Eli alam niya na meron pa rin itong mabuting puso kagaya ng ama niya.
"Don't worry Miss Ibanez kapag nasa bahay ka na wala nang magagawa pa ang anak ko. Ako pa rin ang ama niya and she'll follow me this time." nakangiting turan ng presidente kay Zandrea. Kaagad na tinapos niya ang kanilang pag uusap at tinawagan ang yaya ni Eli na may nakita na siyang therapist para sa kanyang brat na anak. Sana lang mapagaling ni Miss Ibanez ang anak niya at nang muli na itong makalakad ng maayos. Sa isip isip niya.
Ano ang mangyayari sa buhay ni Zandrea sa tahanan ng mga Curtis kasama ng isang masunget at brat na si Eli?