Matapos mag usap ni Ginoong Curtis at Zandrea, nagpaalam na ang dalaga upang makabalik agad sa clinic para tulungan ang kaibigan sa mga gawain doon. Nadatnan nya itong may kinukuhanan ng temperature at BP. Agad siyang umupo sa isang bakanteng silya at pinagmamasdan ang kaibigan sa ginagawa nito. Nilingon naman siya ng kaibigan at nagtanong,
"Uy girl, bakit ka pinatawag ni Sir? Naku don't tell me wala na tayong work ha. Ay ayoko na bumalik sa dating buhay natin Zandi. Kaya sige kahit masakit sa bangs ano ang pinag-usapan niyo ha?" kunot ang noong naghihintay sa isasagot ng kaibigan matapos niyang ma check ang estudyante. Bumuntong hininga muna si Zandi saka sinagot ang katanungan nito.
"Well, Bestfriend nakiusap sa akin si Sir na kung maari ko daw ba siyang tulungan dun sa hinihiling niyang favor sa akin. Hindi ko nga alam kung papayag ako or what. Pero naisip ko kung hindi dahil sa kanya malamang nasa kangkungan tayo kasama ng mga pamilya natin kaya ayun napa oo na lang ako." paunang kwento ni Zandi sa kaibigan. Kunot ang noo na tiningnan ang kaibigan mula ulo hanggang paa.
"Zandi, hindi naman sa pinapangunahan kita sa desisyon mo ha pero girl ano na lang ang sasabihin ng ibang tao, ni Eli, ng pamilya mo? Pero yun nga nasa edad ka na at alam mo na ang ginagawa mo. Sure ka na ba talaga na gusto mong maging madrasta?" biglang nanlaki ang mga mata ni Zandi sa tanong ng kaibigan kaya hinubad niya ang kanyang suot na sandal at hinampas ito.
"Uhm! Tarantado ka bakla! Anong madrasta ang pinagsasabe mo diyan? Eh hindi naman ganun ang hinihiling na favour sa akin. Ikaw talaga ang hilig mo mag conclude." nakasimangot na turan ni Zandi sa kaibigan.
"Ei, hehehe. Hindi mo naman kasi inaayos ang pagkukwento mo eh. Sige na nga magkwento ka na habang wala pa ang mga pasaway." panghihikayat ni Doms sa kaibigang si Zandi at yun nga naikwento ni Zandi lahat lahat sa kaibigan ang plano ni Ginoong Curtis. Napatakip naman sa bibig si Doms habang nagkukwento si Zandi at biglang nagprotesta sa kaibigan na ikinagulat ni Zandi.
"Uy Zandi! baka nakalimutan mo na kung anong pinaggagawa ng walang modong Eli na iyan sa atin para lang mapatalsik tayo dito. Kung hindi ko lang kailangan ng malaking halaga Zandi matagal ko nang nilayasan ang trabahong ito. Hindi ako mamamatay sa dami ng work pero doon sa demonyetang Eli mamamatay ako. Naalala mo ang ginawa niyang pananakot sa atin yung sa ahas? Naku besty mabuti na lang malakas ang kapit ng itlog ko kung hindi baka ito ay nahulog at nabasag. At ito pa muntik na humiwalay sa akin ang matris ko dahil sa takot sa ahas na iyon. At marami pa siyang ginawa maliban diyan." reklamo ng kaibigan ni Zandi. Napangiti naman si Zandi ng maalala niya ang araw na iyon.
FLASHBACK
Abalang abala si Zandi at Doms sa paglilinis sa loob ng clinic dahil hapon na at malapit na silang umuwi ng makarinig sila ng kalabog sa may bandang likuran. Pareho silang napatigil sa kanilang ginagawa at nagkatinginan. Nagkibit balikat naman si Zandi at pinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa makarinig sila ng malakas na sigaw ng babae na ikinasigaw din nila.
"Aaahhhh!!!" Eli
"Ayyy tikbalang fafa!" sigaw ng baklang si Doms sabay hagis ng hawak na alcohol sa kung saan.
Ahhh pusa! Ano ba yan bakla bakit ka sumigaw?!" gulat at iritang tanong ni Zandi.
"Hindi akow. Ikaw nga diyan eh makatili wagas. Echuserang palaka." sabay nguso ni Doms ngunit mas nagulat sila ng biglang sumulpot sa kung saan ang
pupungas pungas na si Eli at parang may hinahanap na nakakatakot dahil sa namumutla na ito. Agad na nilapitan nila ang pasaway at tinanong.
"Eli, anong nangyari sayo at parang takot na takot ka yata? Okay ka lang ba, may masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Zandi sa takot na takot na si Eli.
"K-kasi a-ano m-may a-ahas dito. May nakawalang ahas dito sa loob ng clinic!" kandautal na sagot ni Eli sa dalawa habang palinga linga sa paligid.
"Sus besty ahas lang pala eh. Thats's nothing. Yah know we have seen so many snakes sa aming lugar. Right besty madami sa garden niyo.Tsk"
At nagsimulang rumampa ng pabalik balik sa harapan ng pintuan hanggang sa napatingin siya sa itaas ng pinto at nakita ang nakapulupot na sawa dahilan upang maglakad ito ng paatras papunta sa kinaroroonan nina Zandi at Eli.
"Hahaha. May Ahas, may ahas,Aaahasss!!!!!" malakas na sigaw ni Doms sabay turo sa ahas na nasa pintuan. Lalong nataranta ang tatlo. Si Zandi akala mo isang mandirigma ng paglilinis dahil sa hawak nitong walis at dustpan. Si Doms hawak hawak ang bombang ginagamit kapag nag clog ang inodoro sa kabilang kamay naman niya may hawak na payong. Kumuha naman si Eli ng silya at ito ang ibabato niya sakaling lalapit sa kanila ang ahas. Dahil nasa may bandang pintuan ang steel bar kaya't hindi makalabas ang tatlo. Lahat sila nakapatong sa kung saan. Walang may gustong bumaba dahil sa matinding takot.
"Doms, pssstttt! Batuhin mo kaya para makaalis iyan diyan at para makalabas na tayo." utos ni Zandi sa kaibigan na takot na takot din. Napangiwi naman si Doms sa utos ng kaibigan.
"Naku Zandi ha, malaking sawa iyan. Bakit hindi iyang kasama mo ang utusan mo, malamang siya ang may kagagawan nito." sabay nguso ni Doms kay Eli na nakatago sa likod ni Zandi. Nilingon naman siya ni Zandi at nginitian ng nakaloloko.
"Oo nga naman ano. Tama ka nga besty Doms. Uy Eli dahil ikaw ang may pakana ng lahat pwes ikaw ang kumuha ng ahas na iyan diyan at para makalabas na tayo dito at nang makauwi na din kami." taas kilay niyang utos sa anak ng presidente. Inirapan naman siya nito at tinaasan din siya ng kilay.
"Why don't you do it instead. May lahi naman kayong mangkukulam so malamang it will be easy as 1 2 3. Am I right? And besides I heard you earlier you've seen a lot of snakes sa lugar niyo so meaning hindi na kayo takot." malditang sagot ni Eli sabay tingin sa kinaroroonan ni Doms.
Nanggagalaiti sa inis si Zandi kaya ang ginawa niya binato niya ang ahas dahilan upang magsimula itong bumaba ng steel bar para lumipat ng pwesto. Tilian at sigawan ang maririnig sa loob ng clinic at sapat na para marinig sila ng mga tao sa labas. Biglang bumukas ang pintuan at nagkarerahan silang tatlo palabas ng pinto na takot na takot.
Napapangiti naman si Zandi sa sarili habang inaalala ang araw na iyon. Bigla naman siya binato ni Doms ng maliit na piraso ng ice dahilan upang mapatili siya.
"Ayyy! Ano ka ba naman Dominggo bakit ka ba nambabato ng ice huh?!" sabay punas sa braso niyang natamaan ng kapirasong yelo.
"Paano ba naman kasi kanina pa ako daldal ng daldal dito eh hindi ka naman pala nakikinig. Andiyan ka lang nakatunganga at pangiti ngiti. Hoy babaeng natuklaw ng ahas, Sino ang dahilan niyang matamis mong mga ngiti ha aber?" naka crossed arm na tanong ng kaibigan at taas ang kilay nito.
"Wala no. Naalala ko lang yung araw na nagdala ng ahas si Eli para pantakot sa atin yun pala siya ang mas naunang tumili. At naalala mo yung daga? Hahaha! Nakakatawa ang mukha niya di ba Doms?" pero sa loob loob ni Zandi ang cute cute ni Eli kapag takot na takot ito. Sa kabila ng pambubully sa kanila ni Eli ni hindi niya magawang magalit dito o mairita man lang. Parang mas nachachallenge pa siyang alamin ang tungkol sa pagkatao nito. Gusto niyang makilala ang taong parang pasan lagi ang mundo. Kaya papayag siyang maging therapist nito para lalo siyang mapalapit at malaman ang katotohanan sa mysteryosang pagkatao ng batang Curtis.
CURTIS RESIDENCE
Papasok pa lang ang kotseng lulan si Zandi sa kahabaan ng subdivision ay napapahanga na si Zandi sa mga nakikitang naglalakihang mga bahay at sa ganda ng mga design nito. Bawat bahay na madaanan niya ay may mga nagsitaasang mga pader at nag gagandahang mga landscape sa labas nito. Masasabing hindi basta basta ang tumira sa ganitong mga lugar na kagaya niya.
Mas lalo siyang humanga ng bumukas ang gate ng isang napakalaking tahanan. Agad na pumasok ang kotse at huminto sa garahe. Bumaba si Zandi na panay ang lingon niya sa paligid. Ang gaganda ng mga bulaklak at ang fountain. Ngiting ngiti naman siya habang hila hila ang dala niyang maliit na luggage.
Sinamahan siya ng driver papasok sa loob ng bahay.
Humanga siyang lalo ng makita ang laman ng kabahayan. Mga naggagan-dahang mga furniture at electronics. Ang chandelier sa may staircase napaka elegant nito. Parang nakakatakot hawakan ng mga gamit dito. Ni hindi niya makita ang dumi at alikabok. Nagulat siya ng may magsalita sa likuran niya. Isang nakasimangot na nilalang na naka wheelchair.
"What are you doing here? And you shouldn't touch any of our displays because if you break anything your one month salary isn't enough to pay any of these valuable stuff that my parents brought from different countries, do you get it?" malditang turan ni Eli na ikinatahimik ni Zandi. Nagulat naman sila ng may magsalita na boses matanda sa kanilang likuran.
"Eli, wag kang magsalita ng ganyan sa bisita. Teka nga muna iha, namumukhaan kita. Ikaw si Zandi yung nagtitinda doon sa palengke?" nakangiting tanong ng matanda kay Zandi na ikinatango nito sabay sulyap kay Eli na irap ang isinagot sa kanya.
"Opo manang ako nga po. Kamusta po kayo? Matagal na pong hindi kayo nagawi sa lugar namin ah. Dito pala po kayo nakatira sa malaking bahay." tatawa tawang sagot ni Zandi.
"Naku iha isang beses lang kami nagawi doon dahil may pinasyalan lang kami ni Eli nang araw na iyon. Ikaw ba yung sinasabi ng daddy ni Eli na therapist? Halika sa kusina at nang maipaghanda kita ng makakain, Eli sumunod ka dito at tigilan mo yang pagsusuplada mo hindi magandang ugali yan anak. Pagpasensiyahan mo na ang batang iyan ha at talagang araw araw may sumpong." anas ni Manang Martha kay Zandi. Kaagad niya ito dinala sa kusina at pinaghanda ng makakain habang nakasunod naman si Eli sa likuran nila. Halos nahihiyang umupo si Zandi sa upuang gawa sa kahoy dahil sa talim ng paningin ni Eli na ipinupukol sa kanya.
Ginawan siya ni Manang Martha ng peanut butter sandwich at nagtimpla ng juice, ginawan niya rin si Eli. Nakaw tingin naman si Eli kay Zandi habang maingat na kinakagat at nginunguya ang sandwich. Kagad siya nagbawi ng tingin ng mapasulyap sa kanya si Zandi. Tahimik lang silang kumakain samantalang panay naman ang salita ni Manang Martha at di ramdam ang tensyon ng dalawang kasama na halos magpatayan na sa talim ng kanilang tinginan sa isa't isa.
ELI
I was in my room ng pumasok ang tatay ko upang kausapin ako tungkol sa pagpapa therapy ko. At first ayoko sanang pumayag pero when I heard about the coming inter school competition na excite ako at gusto kong gumaling kaagad.
So I agreed with my father's suggestions na magpa therapy dahil yeah makakatulong naman ito sa akin. I asked him several times who could be my therapist but he refused to mention a certain names. As much as possible ayaw ko ng lalaki so he told me it's a female daw. I smiled secretly dahil alam niyo na ilang days na akong walang make out. I'm hoping hindi edad lola otherwise paaalisin ko siya kaagad. Tsk. I can't go anywhere kasi dahil sa surgery ko kaya ito naka wheelchair. Easy access naman papunta sa room ko kasi we have elevator dito sa bahay papuntang third floor kung saan andun ang room ko.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng tatay ko, nagpasya na akong matulog. Ngunit ng ipikit ko ang aking mga mata mukha ng babaeng makapal ang mukha ang nakikita ko. Lalo akong naiirita dahil pilit siyang sumisiksik sa utak ko. Hindi kaya nakulam niya ako o kaya ginayuma? tanong ko sa aking isipan. Kinuha ko ang unan at pilit tinatakpan ang mukha ko ngunit walang nangyayari.
Actually Zandi is not that bad at all. She's kinda short pero andun yung charms na hindi mo talaga maiwasang hindi siya tignan ulit. Yes, napapa second look ako sa kanya. She got that sweetest smile na kapag ngumiti siya sayo napapangiti ka na rin ng dimo napapansin. Mainit lang talaga ang dugo ko sa kanya. Kahit ako diko alam kung bakit basta yun ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil sa kakaisip ko sa babaeng makapal ang mukha nakatulog din ako.
Kinabukasan habang nagpapahangin ako sa garden, narinig ko ang pagdating ng sasakyan. Baka may nakalimutan lang si dad kaya nagkibit balikat na lang ako. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Kuya dodong at parang may kasama siyang babae. Kaya kinabig ko ang wheelchair papasok ng bahay at napansin ko ang babaeng maingat na hinahaplos ang upuan at pinagmamasdan ang buong paligid na may paghanga sa mga mata. Nagulat ako ng mapagtantong ang babaeng nandito sa loob ng pamamahay namin ay walang iba kundi ang babaeng kinaiinisan ko makita. May galit ba ang panginoon sa akin? Pinag-mamasdan ko lang siya ng maigi. Makikita mo ang ngiti sa kanyang mga labi, malamang ngayon lang siya nakapasok sa ganito kagarang bahay. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko siya.
"What are you doing here? And you shouldn't touch any of our displays because if you break anything your one month salary isn't enough to pay any of these valuable stuff that my parents brought from different countries, do you get it?" madiing wika ko sa kanya na ikinatahimik niya.
Opps mukhang napasobra yata ako kaso nasabi ko na eh. Alangan naman na bawiin ko ang sinabi ko at diko ugali ang humingi ng sorry. Narinig yata ni yaya ang sinabi ko kay Zandi kaya napagsabihan ako.
"Eli, wag kang magsalita ng ganyan sa bisita. Teka nga muna iha, namumukhaan kita. Ikaw si Zandi yung nagtitinda doon sa palengke?" mag kakilala sila ni Yaya? Teka palengke? Palengke, oh siya pala yung sinasabi ni yaya sa akin na mabait at maganda daw na nagtitinda ng isda.
Malay ko ba di naman ako interesado na makilala siya.
"Opo manang ako nga po. Kamusta po kayo? Matagal na pong hindi kayo nagawi sa lugar namin ah. Dito pala po kayo nakatira sa malaking bahay."
narinig kong sagot ni Zandi kay Yaya na may ngiti sa labi sabay sulyap sa akin na ikinatingin ko naman sa kanya. Pero hindi sa mga mata niya tumama ang mata ko kundi sa mga mapupula niyang labi. Nag iwas ako ng tingin sabay irap sa kanya.
"Naku iha isang beses lang kami nagawi doon dahil may pinasyalan lang kami ni Eli nang araw na iyon. Ikaw ba yung sinasabi ng daddy ni Eli na therapist? Halika sa kusina at nang maipaghanda kita ng makakain, Eli sumunod ka dito at tigilan mo yang pagsusuplada mo hindi magandang ugali yan anak. Pagpasensiyahan mo na ang batang iyan ha at talagang araw araw may sumpong."
Nagulat ako sa narinig ko na siya pala ang magiging therapist ko. Akala ko ba nurse ang babaeng ito? Ang dami niya naman atang alam na trabaho. Baka sa susunod kukunin na din siya ng tatay ko na tutor ko. Nalintikan na at mas lalong nakakahiya kapag malaman niyang mapurol ang utak ko. Ito ang mga nasa utak ko habang tinutulak ko ang sarili kong wheelchair papuntang kusina.
Habang kumakain kami ng sandwich na hinanda ni Yaya diko mapigilang di siya tignan. Maganda nga pala siya kapag tinitigan mo lalo, paano pa kaya kapag nakapikit na ang mga mata niya. Napapatulala naman ako sa kinauupuan ko habang pakagat kagat sa sandwich ko. Kapag napapasulyap siya sa akin pinanlalakihan ko siya ng mata para matakot ang babaeng ito at kusang aalis ng bahay.
Umakyat na ako sa aking kwarto at dito na ako nagstay hanggang sa maghapunan. Hindi ako bumaba for lunch and dinner dahil ayokong makita ang babaeng makapal ang mukha. Alam ko dumating na si daddy dahil kadalasan ganitong oras ang uwi niya. Maya't maya lang nakarinig ako ng katok sa pinto. Ang tatay ko pala.
"Do you have a minute anak? I just want to talk about Miss Ibanez. Sa totoo lang pinilit ko siya na maging therapist mo. Kasi nga sabi niya mainit ang dugo mo sa kanya. Eli can you do something for me, just be nice to Miss Ibanez pls. Hindi naman siya forever titira sa pamamahay natin. Temporary lang ito Eli and if you'll cooperate with her mas maaga ang paggaling mo at mas maaga ang pag alis niya sa bahay natin. Do you understand me Eli?" mahabang litanya ng tatay ko sa akin na naghihintay ng sagot ko.
"Yes dad." maikling sagot ko sa kanya. Agad niyang nilisan ang silid ko upang matulog na din. Inayos ko na ang kama ko after taking my pain medication at naghanda na para matulog.
Tomorrow we will start my therapy. I guess tama si dad. Mas maaga ang paggaling ko mas maaga ang pag alis niya sa pamamahay namin. Maaga siyang mawala sa mga paningin ko. An evil plan comes to mind. I'll make Zandi fall for me and make her heart cry for the very first time. Well let the game begin...