Lumipas ang araw, buwan at taon para sa mag asawa. Hindi pa rin maiwasan ng dalawa na minsan magkaron ng hindi pagkakaunawaan sa isat isa. Selos din ang madalas na dahilan ng kanilang tampuhan. Simula ng manganak si Zandi, hindi na nagpakita pang muli si Auburn dahil sa galit sa kanya ni Eli na siyang dahilan Kung Bakit muntik nang mawala sa buhay niya ang kanyang asawa at anak. Dahil sa pagbabanta ni Eli, hindi Na ito nagpakita pa sa kanila. Maging sa kanyang anak, Hindi niya na ito binalikan. Madaming beses na din sila muntik na maghiwalay dahil sa mga taong naka paligid sa kanila. Ngunit mas nangingibabaw ang kanilang pagmamahal sa isat isa. Na kahit ilang unos pa Ang dumating hinding hindi sila kayang tibagin. Tulong tulong silang dalawa sa pag gabay sa kanilang anak na hi

