Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong bakasyon ng mag asawa, nagpasya na ang dalawa na umuwi ng pilipinas upang asikasuhin ang kanilang family business. Hindi na pina trabaho ni Eli ang asawa at pinatulong na lamang ito sa pagpapatakbo ng kanilang university. At kapag may mga nasasaktan at kinakailangan ng first aid, agad na tumutulong si Zandi. Hindi na din lihim sa university ang kanilang relasyon. May mga natuwa, nagulat at meron ding humuhusga at kumukwestyon sa kanilang pag-papakasal ngunit ipinagsawalang bahala na lamang ito ng dalawa. Lumago ang mga negosyo ni Eli. She was known as the youngest billionaire in business world. Kahit gaano ka busy ang dalawa, hindi naman nila nakakalimutan ang tungkulin sa bawat isa. Madalas silang mamasyal kapag walang trab

