Napakurap kurap si Athena ng minulat nya ang kanyang mata. Medyo blurry pa ang kanyang paningin pero naaninag nya ang mukha ng kanyang kuya Jerome. Parang mausok ang kanyang paningin kaya pilit nyang itinaas ang kanyang kamay para abotin ang mukha nito.
"Kuya..." Anas nya. Mainit na palad ang sumalo sa kamay nya at tinulungan sya nitong dalhin ang kanyang palad sa mukha nito. Isang mabining halik ang ginawad nito sa palad nya at saka iyon dinala sa pisngi nito at dinama iyon..
"Am I dreaming?" Nangingilid ang luha nyang bulong.
"No baby. Kuya is here." Nakangiti ito pero kita nya ang pangingilid nito ng luha. Doon na humulagpos ang kanyang hikbi. Lahat ng sakit. Lahat ng pagod, lahat ng hirap nya ay gusto nyang isumbong dito. Hirap na hirap na sya. Gusto nya itong yakapin pero hindi nya maigalaw ang katawan na parang may nakadagan sa kanya.
"I want to hug you but I can't move kuya." Unti unti syang nakaramdam ng takot. Bakit hindi sya makagalaw.
Tumawa ito pero mahina lang. Ito ang yumakap sa kanya. Napakasuyo ng yakap nito. Parang ingat na ingat na masaktan sya. Lalo syang naiyak. Ito ang kakampi nya sa lahat. Ito palagi ang nagchecheer sa kanya.
"Miss na miss na kita kuya." Anas nya.
"And I miss you more baby. Hindi na aalis si kuya." Pangako nito. Alam nyang umiiyak ito pero ayaw nitong ipahalat sa kanya.
Biglang nanigas ang kanya katawan ng maramdaman nya ang pagkislot ng kirot sa kanyang tiyan.
Nanlalaki ang mata nya. "Kuya..." Wala sa sariling sambit nya. Ginapangan ng takot ang kaibutaran nya.
"Why, may masakit ba sayo?" Lumayo ito at nakita nya ang pag aalala sa mukha nito.
Napahawak sya sa kanyang tiyan pero para na iyong walang laman.
Hindi! Nagpapanic na sya.
"Ang baby ko." Bulong nya. Pinilit nyang bumangon pero may masakit sa kanya.
"Hey calm down." Pagpapakalma nito pero parang hindi na nya iyon naririnig. Ang gusto nya ay makalayo sa mga ito. Baka kagaya din ito ng daddy nya. Ayaw din nito sa baby nya.
Hinahawakan sya nito pero ipiniksi lang nya. "No.. huwag nyo akong hawakan. Aalis ako. Hindi na ako magpapakita sa inyo basta huwag lang ninyong tatanggalin ang anak ko. " Pagmamakaawa nya. Parang nawawala na sya sa katinuan.
Hindi! Hindi sya papayag na masaktan nila ang anak nya! Napahawak uli sya sa tyan nya pero hindi nya talaga maramdaman ang baby nya.
"Nasaan ang baby ko. Bakit hindi ko sya maramdaman." Takot na takot nyang bulong na parang nanginginig ang laman nya. Nangangatal ang labi nya.
"Baby anong pinagsasabi mo?" Nagtangka na naman ito hawakan sya pero pinilit nyang lumayo dito. Inalis nya ang nasa kamay, May mga lumapit sa kanila pero sumiksik lang sya sa head board.
Hindi! Hindi nila pwedeng patayin ang baby ko!
"Baby---"
"Huwag! Huwag kayong lumapit! Sasaktan nyo lang ako! Sasaktan nila ako!" Sigaw nya ng lalapitan na naman sya pero pilit na kinulong sya ng yakap ng kapatid kahit pa nagpapalag sya.
"Shhh... hindi kita sasaktan. I love you alam mo naman iyon diba. You are my princess." Pilit sya nitong pinapakalma.
Umiling sya. Hindi sya naniniwala. "Ayaw mo din sa baby ko. Aalisin nyo lang sya sa akin." Sabi nya habang kumakawala sa yakap nito.
"No. Huwag mong iisipin yan. Mahal ko sya. Aalagaan ko kayo. Hindi na ako papayag na may manakit pa sayo. Diba ako ang knight in shining armor mo." Masuyo nitong hinahaplos ang ulo nya habang nakakulong sya sa bisig nito.
May humahawak sa kamay nya at naramdaman nyang may tumusok sa braso nya.
"Shhhh... nandito na si kuya. Hindi na ako papayag na maghirap ka. Ako ang magtatangol sayo sa lahat ng aapi sayo." Bulong nito.
Parang kumakalma uli ang pakiramdam nya pero unti unt uli syang inaantok.
Nag aalala sya sa baby nya. "Kuya. Hindi ko maramdaman ang baby ko." Pilit nyang nilalabanan ang antok.
"He is safe. Huwag ka ng mag alala huh. Si kuya na ang bahala sa inyo." Nang marinig nya ang sabi nito ay naging payapa na uli ang utak nya at tuluyan ng bumigat ang talukap ng kanyang mata.
KEITH
He filled his lungs with air and blew it all out once. Finally. I'm home again. After how many months being away, nakakamiss din pala. Lalo na ang mga pamangkin nya. Maybe, he will stay for about a week or it depends to Jerome kung talagang magtetake over na ito sa negosyo nila. Pero sana palitan na sya nito para magawa na din nya ang matagal na nyang gustong gawin. That was to find the woman who drove him crazy that blissfully and steamy night.
His tattoo girl.
Walang nakakaalam sa kanila na uuwi sya dahil gusto nyang surpresahin ang mga pamangkin. Actually nandito silang lahat sa mansyon nila at kapapasok palang nya sa gate ay dinig na dinig na nya ang ingay ng mga pamangkin nya. Napangiti sya. Mukhang nasa pool ang mga ito.
"Sir Keith--"
"Sshhh..." agad nyang pinatahimik si Bakekang.
"Ay sori po.." humagikgik ito. Napangiti sya.
"Paki dala na nalang ang bag ko sa taas." Inabot nya ang bag dito.
Dahan dahan syang lumapit kung nasaan ang mga ito.
Nauna syang nakita ng dalawa nyang kapatid kaya senenyasan nya ang mga ito na tumahimik. Napatingin din ang kanyang magulang kung nasaan sya. Nanlaki ang mata ng kanyang ina na parang nasurprisa pero nanhimik ang mga ito at napangiti nalang. Nagtago sya sa halaman para panuorin muna ang mga pamangkin na malilikot. he suddenly felt envy to his two brother. Ang saya ng mga ito a mukhang kontento na sa buhay. Sya kaya? Kailan kaya nya mahahanap ang the one nya?
Kailan kaya nya mahahanap ang tattoo girl nya... ayyeeeii... napangisi sya sa naisip. Sana lang ay hindi pa sya huli.
Hanggang sa nagdecide na syang lumabas.
"Ehemmm...." tikhim nya.
Nakita nya ang pagbaling ng tingin ng mga bata sa kanya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito. Saka nagsigawan. Unahang makaahon sa pool para salubungin sya. Don't be surprise why they react like that. Dahil sya lang naman ang pinakamabait na tito nila. Pinakapogi pa.
"Tito.. papa.." halo halo ang tawag sa kanya.
Nakangiti syang lumuhod at binuka ang bisig para mayakap sya ng mga bulinggit. "Wooohhh..." Pero nakiyakap din ang mga dalaga at binata nyang mga pamangkin na parang nag asal bata din kaya tawanan sila.
Si Amber dalaga na. Napakagandang bata. Si Russel binatilyo na din. Asual. Kamukha nila. Si Angel, parang manika. Fashionista ang dating. Masasabi nyang namana nya iyon sa totoo nitong ina. The triplets. Si Sky and Sunshine. Malaki na din pero naiwan na si Light dahil nahinto ang height nito parang kaedad lang nito ang bunso nila kuya Ron nyang si Erna. Parang sila ang kambal dahil kambal tuko ang dalawa.
Ang kinalabasan ay basang basa na din sya. Naiwan sa bisig nya ang dalawang prinsesa. Si Light at Erna na panay ang halik sa kanyang pisngi. Ang lalambing ng mga ito sa kanya.
"Nakaalala ka ding umuwi." Bati ni Ella sa kanya. Napangiti sya. His bestfriend. Ito ang nanghila sa kanya para lumabas sya sa sarili nyang mundo. Ito unang babaeng nagtaray sa kanya.
"Hello babe. Miss you." Ito na ang yumakap sa kanya dahil karga nya ang dalawa.
"Miss daw. Halos hindi kana umuwi." Reklamo naman nito kaya napatawa sya.
"Tsss... Hon. Tama na iyong yakap." Rinig nilang reklamo ng kuya Ron nya kaya napatawa sya.
"Kahit kailan talaga possessive." Wika nya. "Kwentohan tayo mamaya." Marami syang naging kaibigan pero iba talaga ang pinagsamahan nila ni Ella.
Actually Ella is his first love. Nagulat kayo ano? Walang nakakaalam. Sya lang. Mas pinili nya ang pagkakaibigan nila kaysa sa nararamdaman nya talaga dito. Until he found out na ito pala ang babaeng kinalolokohan ng kanyang kuya. Well. He did the right decision. No regrets dahil nakita nya kung gaano ito kasaya sa kanyang kapatid.
"Ma. Pa." Bati nya sa magulang ng makalapit sya sa mga ito. Kagaya ni Ella ay ang mga ito na ang yumakap sa kanya dahil sa dalawang dalagang naka karga sa bisig nya. Ang dalawa naman ay tinapik nalang sya.
"Mabuti naman at nakapagbakasyon ka." Sabi ng mga ito. Abala si Macky na nag iihaw ng kung ano ano. Pansin din nya ang mababang mesa na pinagdugtong dugtong at may dahon ng saging. Ang papa nya ay nakasalampak lang sa bermuda grass habang nagpapapak ng inihaw.
"Iyon lang ang wish sa akin ni Russel e. Mahirap namang hindian."
"Kaylan kaya namin makikita ang apo namin sayo bunso." Tanong ng kanyang ina.
"Ma. Kadarating ko palang, ganyan na agad ang tanong mo." Naiiling nyang reklamo. Wala pa nga syang aanakan tapos apo agad ang tatanongin nito. "Nakukulangan ka pa ba sa mga apo mo?" Natatawa nyang tanong.
"Syempre iba parin naman iyong anak mo. Sila kuya mo, okey na sila. Don't you think it's time for you to settle down too. Alalahanin mo. Hindi na kami bumabata ng Papa nyo. Gusto ko din namang maenjoy ang apo ko sayo?" Giit ng ina.
"We really miss you tito, Where have you been? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Light.
Natawa sya. Parang asawa lang kung magtanong ah. "Diba nga nagtrabaho ako sa ibang bansa para may pambili ako ng maraming pasalubong sa inyo."
Napasimangot ito. "We don't need maraming pasalubong naman eh."
"Diba. Ang lalambing nila. Ayaw mo bang mismong anak mo ang maglalambing sayo." Pang iingit pa ng ina.
Natawa sya. "Okey. You win. Pero maghahanap muna ako ng aanakan dahil hindi ko kayang gumawa ng mag isa." Sabi nya para tigilan lang sya nito.
Tumawa naman ang dalawa nyang kapatid. "Aanakan talaga?!" Sabi ng kuya Ron nya.
"I will give you our resort in Palawan as a gift when you give us a grandchild this year." Sabi ng kanyang ama.
Ang lakas ng tawa ng kuya Macky nya dahil alam nitong imposible iyon. "Dad. Ipamana mo na sa kanila ang lahat basta akin iyon." Reklamo nya. Napailing naman ang kuya Ron nya. Alam kasi nyang hindi ito intresado doon. Si kuya Macky nya ay mayroon naman ng Resort ito sa Siargao kaya alam nyang sa kanya iyon mapupunta.
"Give me grandchild at sayong sayo na iyon." Nakangising sabi ng ama kaya napasimangot sya.
"Dad. Be careful of what you wish for. Baka mamaya maghanap nalang yan sa tabi tabi. Kayo din." Pananakot naman ni Macky sa ama nila.
"Kahit sino pa ang mapili nya. At the end of the day, apo ko parin sya. And I know he's responsible enough to choose who will be the mother of his child. May tiwala ako sa inyo. Nagtitiwala ako sa kanya kagaya ng pagtitiwala ko sa inyong dalawa dahil pinalaki ko kayo ng tama kaya alam kong gagawin nyo ang tama."
"Naks. Lakas makaboost ng confidence ha." Tukso nya sa ama. "Thanks dad." Nakangisi nyang sabi sa ama.
"Kaya bilis bilisan mo. Dahil kung hindi. Isa sa mga pamangkin mo ang makakakuha ng resort natin sa Palawan."
Nanlaki ang mata nya. "Papalitan ko nalang. Basta akin iyon."
Nagngisihan ang dalawang kumag.