Humahangos si Jerome na pumasok sa loob ng hospital. Hindi nya mailarawan ang takot at sobrang pag aalala para sa kapatid. Ayon sa pulis na nakausap nya kanina ay nawalan daw ito ng malay habang nanganganak.
God! Parang nanghihina ang tuhod nya. Tusok nga lang ng karayom ay takot na takot na ito at para na itong pinapatay. Pag nanganak pa kaya.
God. Please... I'm begging you, save my sister and her child. Pipi nyang panalangin.
"Excuse me Miss. Dito daw dinala si Athena May Ignacio?" Tanong nya agad sa information.
Saglit na tumingin ito sa computer. "Wala pong nakaregistered dito na Athena May Ignacio Sir--"
"Ah Miss. Beauty Gomez po." Agap naman ni Randy. Ang katrabaho daw ng kanyang kapatid. Ito ang nagbuluntaryo na samahan sila.
"Ah. Iyong dinala nila Sgt. Andres. Iyong galing sa presento?"
Napakuyom ang kanyang kamay. Napupuyos ang loob nya. Masiguro nya lang na ligtas na ang kapatid ay babalikan nya ang mga nagpahirap dito. He made sure they will live miserably for hurting his baby sister. Pagbabayaran nila ang ginawa nila.
"Akyat nalang po kayo sa second floor at magtanong po kayo nursing station three."
Mabilis silang umakyat.
Nagtanong uli sila nursing station.
"Nasa room 202 na po si Ms Beauty Gomez. Hindi pa sya nagkakamalay dahil sa mga gamot na sinaksak sa kanya pero ligtas na sya. Ang baby naman nya ay nasa ICU parin dahil menomonitor pa ang lagay nya. Medyo mahina kasi si baby dahil sa tagal nyang hindi nailabas sa tyan ni Mommy, idagdag pang kulang sya sa buwan." Medyo nakahinga sya ng maluwag.
Pinuntahan nila ang kwarto kung nasaan ang kanyang kapatid. Nakuha agad ng atensyon nya ang dalawang pulis na nakaupo sa tapat ng isang kama.
Napako ang tingin nya sa taong nasa kama. Hindi nya namalayan ang pangingilid ng luha ng makita ang kanyang kapatid.
Agad syang lumapit pero hinarang sya ng dalawang pulis.
"Kapatid ko sya." Sabi nya na hindi inaalis ang tingin sa kapatid. Ang payat nito. Ang putla ng itsura. Ang itim ng ilalim ng mga mata at humpak ang mga pisngi.
"Athena." Anas nya.
"Pasinsya na po sir. Pero pwede po bang makita ang ID ninyo." Nakaharang parin ang mga ito sa kanya.
May inis syang naramdaman pero pinigil nya ang sarili dahil alam nyang ginagawa lang ng mga ito ang trabaho nila.
Dinukot nya ang wallet. "Here. I'm Jerome Ignacio son of General Jerone Ignacio. At hindi Beauty Gomez ang totoo nyang pangalan kundi Athena May Ignacio. Sya ang anak ni General Ignacion na matagal na naming hinahanap." Wika nya. Kinuha nya uli ang isang ID. ID ng kapatid nya. "Here. Ito ang ID nya." Halata ang gulat sa mukha ng dalawa pero inabot parin ang mga inabot nyang ID at sinuri ang mga iyon. Hanggang sa tahimik na binigyan sya ng daan.
Agad nyang nilapitan ang kapatid.
Maingat nyang hinawak ang kamay nito.
"Hey. Nandito na si kuya." Buong suyo nyang hinalikan ito sa kamay kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. "I'm sorry if you have been through all of this without us beside you." Anas nya. Gusto nyang magalit sa mga magulang dahil nagpadala sila sa emosyonn nila ng malaman ang kalagayan ng kapatid pero hindi nya magawa dahil nakita nya kung gaano naghirap ang loob ng mga ito ng nawala ito.
Lalo na ng mapanood ng mga ito ang mga kuha sa cctv footage na galing sa detective na inupahan ng mga ito para nahanapin ang kapatid nya. Mula sa airport, hanggang sa hospital kung saan ito naglagi ng ilang araw. Sa hotel kung saan sana ito mag checheck in pagkagaling sa hospital. Imagine. Kagagaling lang nito sa hospital pero nagpagala gala na ito sa kalsada. Pinutol ng ama nila ang allowance nito at iba pang credit card na hawak hawak ng kapatid sa pag aakalang babalik ito pag wala na itong pera dahil hindi ito sanay sa hirap at hindi din sanay ito sa buhay sa labas.
Pero nagkamali sila. Mas pinili pa nitong matulog sa labas kaysa tawagan sila. Nakuha din nila ang cctv footage sa harapan ng school na muntikan na itong napahamak. Sa pulis station kung saan ito dinala ng nagligtas ditong tanod. Doon sila unang nakakuha ng laid kung nasaan ito. Agad silang lumipad paManila pero pagdating nila sa station ay nakatakas na uli ito. Dahil sa pabuya nailathala sa makapagtuturo sa kapatid ay lalo silang nahirapan dahil maraming nanamantala kaya binawi nila iyon.
Hindi na sya bumalik sa Mindoro dahil tinutukan nya ang paghahanap sa kapatid. Hanggang sa natuntun nila ito sa Cubao malapit sa terminal ng bus. Iyon nga, sa karenderya. Hindi pa nya alam kung ano ang totoong nangyari kung bakit ito napunta sa kulungan dahil pinuntahan nya agad ito sa pulis station. Bahala na ang mga tauhan ng Daddy nya na umayos sa nangyari.
Matapos nyang makita ang kapatid ay lumabas sya para silipin ang anak nito. Sinamahan sya ng nurse sa loob.
Naluluha sya ng masilayan ang mukha ng kanyang pamangkin. Medyo may kaliitan ito at payat din. Yumuko sya dito. "Hey buddy. Tito is here. But I want you to call me tito papz. Please keep on fighting. Mommy needs you. We needs you. Lola and lolo is waiting for you. They love you baby. We love you very much." Masuyo nyang hinawakan ang maliit nitong kamay.
Sobra syang naawa sa mga ito. Parang pinagkaitan ng sustansya ang mag ina.
Pero hanga sya sa tatag at lakas ng loob ng kapatid. Sa paninindigan nito.
Inayos nya agad ang mga dapat ayosin sa hospital para mailipat sa mas malaking hospital ang mga ito dahil masyadong crowded ang hospital kung saan ito dinala.
Tinawagan na din nya ang mga magulang at malamang ay nasa himpapawid na ang mga ito. Iyak na nga ng iyak ang mommy nila kanina habang kausap nya ito kaya kinuha ng daddy nya ang cellphone dahil hindi nya ito makausap ng matino.
Hanggang ngayon ay hindi parin nagkakamalay ang kapatid.
Keith calling....
Napabuntong hininga sya.
Napabayaan na din nya ang negosyo nila sa ibang bansa. Kaya pumayag na makipagsusyo sa kanya ang kaibigan ay dahil ang usapan nila ay sya ang magmamanage pero dahil sa nangyari ay ito ang naglagi doon. Wala syang narinig na reklamo dito dahil naiintindihan nito ng setwasyon nya. Katulad nito sa family first before anything else. Pero minsan hindi nya maiwasang makonsesya dahil alam nya kung gaano kadami ang trabaho nito. Kung gaano kadami ang negosyong hawak nito.
"Buhay ka pa?" Napatawa sya sa bungad nito sa kanya.
"Emm.. humihinga pa naman." Sagot nya na pinipigil ang ngisi.
"Mabuti naman at buhay kapa pala. Kailangan ko ng pirma mo para mailipat na sa akin lahat ng ari arian mong gago ka." Ganon na silang mag usap.
Natawa uli sya. "Gaano ba iyan kaimportante at ikaw pa talaga ang tumawag sa akin. Mamimiss ko ang boses ng secretary mo nyan." Aniya. Maganda kasi ang secretary nito. Ang sexy. Kung hindi lang siguro sya umuwi dito sa Pinas baka syotan na nya ito ngayon.
"Ulol! Inis sayo iyon kaya huwag ka ng umasa."
Napangisi sya. "Pag bumalik ako dyan, iwan mo sya sa akin ha." Biro lang pero kung iiwan nya why not diba. Bukas palad nya iyong tatanggapin. Nanginginig pa.
"Sige basta bumalik ka dito dahil puro uban na yata ang buhok ko."
"Yes. Malapit na akong bumalik dyan."
"Wait, nahanap nyo na sya?"
Napangiti sya. "Yes. Maybe next week dadalaw ako dyan." Masaya nyang balita.
"Ayos.. Mabuti naman at nahanap nyo na sya. Wait! Anong dadalaw?!" Bulalas nito.
"Tol. Ayosin ko muna sya bago iwan uli. Pero pwede mo na uling ipasa sa akin ang pagmamanage dahil nahanap naman na namin sya."
"Buti naman. Masisimulan ko nadin ang paghahanap kay tattoo girl ko."
Natawa sya. "Tang*na! Hanggang ngayon hindi ka parin makamove on dyan. Masyado ba syang magaling sa kama at nabaliw ka ng ganyan?" Buska nya sa kaibigan.
Tumawa si Keith. "It's not about the performance dud. It's about the feeling I felt when I got her."
"Tss.. malala kana talaga. okey. I'll ask Malcom kung saan nya nakuha ang tattoo girl na iyon." Minsan lang tamaan ang kaibigan kaya suportahan na nya.
"Ano iyan. Utang na loob o bayad sa account?" Nagdududang tanong nito kaya napatawa uli sya.
"It's my gift bro." It's time to give back his kindness
"Sinabi mo iyan ha. Baka mamaya nyan singilin mo na naman ako ng milyon." Hindi nya ito masisisi dahil palagi itong nabubudol sa kanila.
"Anyway. Uuwi pala ako bukas dyan dahil birthday na ng pamangkin kong si Russel."
"Ayos. Nandito parin naman kami sa Manila."
"Okey. Magkita tayo bukas o sa isang araw. Balitaan mo agad ako pag nakausap mo na ang kaibigan mo." Paalala nito sa kanya kaya napailing sya.
Nakita nyang gumalaw ang kamay ng kapatid kaya napatayo sya para lapitan ito.
"Tol. Tawagan nalang kita bukas. Nagigising na yata ang kapatid ko." Nagmamadali nyang pinatay ang cellphone. Pinindot nya agad ang buzzer ng nakita nyang gumagalaw na ang pilik mata nito.
*pasinsya na po kayo sa mga mali. Nakakatamad pong mag edit*