Halos hindi maihakbang ni Keith ang mga paa papasok sa chapel kung nasaan may natatanaw syang maliit at puting casket sa harapan na punong puno ng bulaklak ang paligid nito. Halos hindi na sya makahinga dahil parang may nakabara sa kanyang lalamunan at dumoble ang bigat sa kanyang dibdib habang nakatanaw doon. Isang mariing pikit ang ginawa nya at dumilat dahil baka dinadaya lang sya ng paningin. Isa lang itong bangungot. Pagtatanggi nya sa sarili pero wala paring nagbago ng magkulat uli sya ng mata. Nanginginig ang kanyang katawan at dahan dahang bumibigay ang kanyang tuhod. Gumiwang ang kanyang tayo kaya mahigpit syang napakapit sa upuang malapit sa kanya. "No... this is just a nightmare." Aniya na sinabayan ng iling. Hindi nya alintana ang mga taong napatayo ng makita silang nasa

