"Baby huwag ng magulo para matapos na tayo dito. Maiiwan ka kung hindi ka umayos dyan." Saway ni Athena sa anak na nakikipaghabulan pa sa yaya nito bago magbihis. Hindi na sila natapos tapos dahil sa subrang gulo nito. "But I want to play more Mami... Come on yaya, get me." Anito na patuloy parin sa makikipagpatentero. Hinihingal na ang yaya nito at kahit katatapos lang nitong maligo ay pinagpapawisan na. "Halika kana baby pagod na pagod na si yaya." Pagmamakaawa nito sa alaga. Napabuga sya ng hangin habang nakatingin sa anak. "Okey yaya. Tutal nakabihis naman na tayo, tayo nalang ang aalis. Iiwan natin si Abcde kila Mommy at Daddy." Pananakot nya sa anak. Nasa baba na ang sundo nila pero hindi parin sila tapos. Nanlaki ang mata ng anak. "No Mami. Sasama si Abcde!" Tili nito saka tu

