Paggising ni Danielle kinabukasan ay nanlalaki ang kanyang mga mata ng mamulatang nakayakap siya sa katawan ng lalaking hubad ang itaas na parte ng katawan. Naalala niyang nalasing siya kagabi, meron ding kumarga sa kanya ngunit pagkahiga niya sa bed ay wala na siyang matandaan. Agad niyang ininspect ang sarili; intact naman ang kanyang damit pati ang kanyang pantalon, ibig sabihin walang nangyari sa kanya sa buong magdamag kung kayat nakahinga siya ng maluwang. “You seem too nervous; akala mo siguro pinagsamantalahan na kita. “, bigla ay narinig niyang pahayag ng katabi niya. Tiningala niya ito ngunit agad siyang napalayo dito ng makita ang mukha ni Wolverine. “Mabuti nalang mabait ako, wala kasing thrill kapag walang malay ang papasayahin ko.”, saad ng binatang tumawa dahil sa bigla n

