Pagpasok nila sa Maynila ay naramdaman na ang malakas na ulan at hangin, kung kayat hindi magkaugaga ang mga tao sa gilid ng kalsada. Medyo may tubig tubig na rin ang kalsada at any moment ay magkakaroon na ng pagbaha sa daan. Mabuti na lamang at mataas na parte ang subdibisyong kinaroroonan ng bahay ni Wolverine kung kayat siguradong hindi sila magkakaproblema saba. Mga 500 meters na lang ang layo papasok sa subdivision ng magring ang kanyang cellphone. Maaga nang tumawag ang kanyang mommy kanina, ano na naman kaya ang sasabihin nito? Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ito o hindi, nasa daan siya at siguradong mahahalata ng kanyang ina. Ngunit masyadong malakas iyon dahil napasulyap pa si Wolverine na nasa front seat kung kayat patamad niya iyong dinukot sa bulsa at akmang pipin

