Blackmail

1044 Words
Chapter SEVEN SEAN POV Now I understand Yanna. Bakit ba kailangan kong magalit sa kanya? naipit lang din naman siya sa sitwasyon na ito. Mas mahirap ang ginawa niyang desisyon. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Pero karapatan ko rin naman magalit nung oras na iyon, dahil hindi rin naman niya ako binigyan ng pagkakataon na tulungan siya.Sinolo niya ang lahat, inako niya ang lahat. Alam ko mas masakit sa kanya, dahil wala siyang CHOICE kundi ang sumunod para kay Yna. Para sa kapatid niya. Ang hindi ko maintindihan ay ang Mama ni Yanna. ........... flashback (office ni SEAN) "Sean, marry my daughter Yna." bungad ni Tita sa akin. "I dont mean to disrespect you Tita but, Sino ka para sabihin at utusan ako kung sino ang dapat kong pakasalan. " "Well, you give me no choice. Paano kung sabihin ko sayo na Ako ang sagot sa mga problema mo?" Napatingin ako sa kanya. "What do you mean, Tita?" "Now I have your attention right? Well let's just say that kilala ko ang may-ari ng lupa na gusto mong bilhin sa Cebu. Hindi ba ayaw niyang ibenta ang lupa sayo? Ang alam ko kailangan na kailangan mo iyon di ba?" sagot niya sa akin. "Are you blackmailing me Tita? para pakasalan ko si Yna??" hindi ako makapaniwala na sinasabi niya sa akin ito. "Marry my daughter Yna and you can have the land you needed in Cebu. I heard also that para iyon sa ipatatayo mong Hotel and that was the condition Mr. Ayala gave you para makuha mo ang Partnership ng Ayala International, right?" " I cant believe na aabot sa ganito ang lahat. Tita naririnig mo ba ang sinasabi mo ngayon? I cant believe na anak mo sina Yanna at Ynaor should I say si Yna lagn ang anak mo?" sagot ko sa kanya.. "What are you implying?that I dont love my daughter Yanna?" "I am not implying , I am stating the truth Tita. Your willing to do everything, anything for Yna, but what about Yanna?? I know what you did emotional blackmail. Alam mo Tita kung gaano kamahal ni Yanna ang kapatid niya. You're Selfish." " Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, pero ginawa ko lang iyon dahil konti na lang ang itatagal ng buhay ng anak ko. Masama ba na hilingin ko iyon kay Yanna? Ang maranasan na alagaan at mahalin mo si Yna, Sean? That's the least I can do for her." "But what about Yanna? You gave her no choice but to agree with you. Hindi ba mahalaga ang mararamdaman niya? Para akong bagay ma hiningi mo sa kanya, hiniram mo sa kanya. I feel sorry for her because her own parents doesn't know her importance!!" "Tapos na sa amin ang lahat Tita. Mas pinili niya ang masaktan para maging masaya ang pinakamamahal niyang kapatid. Now tell me are you happy, now? Na magiging masaya si Yna habang si Yanna ang nasasaktan at nagdurusa? Your so unfair. I doubt it kung alam ni Yna ang ginagawa mo. " " You can have the piece of land in Cebu, tomorrow." sagot sa akin ni Tita." So the wedding, I'll prepare and plan everything. I will call your mother so that she can help me." parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Galit yan ang nararamdaman ko sa kaharap ko. Is this the mother of the woman i love?? " I did not agree to marry Yna, because of that f*****g piece of land!!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.."I will marry Yna, pero dahil kay Yanna. Para sa kanya!! Wala akong pakialam kung hindi matuloy ang partnership ko sa Ayala Internation! Marami pa akong makukuha diyan!! Wala akong pakialam! " "Lets just say bonus or regalo ko na lang sayo ito Sean, para sa gagawin mong pagpapakasal sa aking anak . " sagot sa akin ni Tita. Hindi man lang siya natinag sa ginawa kong pagsigaw dahil nakataas pa ang noo niya ng sabihin niya iyon. " Get out of my office now, Tita! bago mawala ng tuluyan ang respeto ko sa inyo!" " No matter what you think of me Sean, I dont care! as long as pakakasalan mo si Yna. You have no choice but to marry her. Call me anything you want, blame to your hearts content but I love my daughter Yna. I am willing to do anything for her. Kahit saktan ko pa si Yanna, para lang maging masaya siya sa mga huling araw niya sa mundo." " Now I know why Yanna left your house and chose to live alone. Because she felt unloved. She didnt deserve this, she deserve to be loved and cherished. She deserved better. Sana wag dumating yung araw na magsawa siya at iwan kayo ng tuluyan ." " Hindi magagawa ni Yanna ang iwan kami. Mahal na mahal niya kami. I know you think I'm a heartless b***h because of what I did, but do I have a choice?" " You have a choice, Tita. " " Mas pinili mo lang si Yna kaysa kay Yanna. " " Mas matimbang si Yna. " " Mas mahal mo si Yna." " At iyon ang totoo, Tita. " tumahimik naman siya at tiningnan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero mukhang lahat ng sinabi ko. Tinamaan siya. "This coming Saturday, ipapaalam na ang engagement niyo thats 6 days from now Sean. I want you treat my daughter Yna like you treat Yanna. Hindi ko sinabing mahalin mo ang anak ko dahil hindi ko mapipilit ang puso mo. Alagaan mo lang siya, itrato mo lang siya ng tama magiging masaya na ako. Sa akin ka magalit huwag kay Yna dahil wala siyang alam sa mga napag usapan natin. Sorry yun lang ang kaya kong sabihin sa ngayon. " "Hindi ka dapat mag sorry Tita sa akin. Mas kailangan ni Yanna yan. Kasi mas siya ang naiipit, ang nasasaktan. Dont worry hindi ako gaya ng iniisip mo, para ko na ring kapatid si Yna. Hindi ko rin siya kayang saktan kahit na galit ako sayo sa pagpapaikot mo sa aming lahat. I love her like my own sister, pero hanggang doon na lang iyon. " .............end of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD