EMMH 03

2101 Words
DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character names, conflict and setting , businesses was full imagination of the author. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual event is purely coincidental. Chapter 3 "Goodmorning Sir," Bati ko sa guard habang chinecheck niya ang bag ko. He looked at me and smile,"Goodmorning ma'am, Ikaw lang po ang naunang bumati sa akin ng goodmorning, 'Yung iba kasing estudyante ang susungit po eh." Nahihiyang tugon niya habang kinakamot ang batok. Nagulat naman ako sa sinabi niya, kaya ngumiti na lang ako at tuluyan nang pumasok. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni kuyang guard, I always greet the guards every morning pati na rin 'yung mga nakakasalubong kong janitor or janitress. Mahirap kaya ang trabaho nila kahit sa tingin ng iba ay maliit lang 'tong propesyon. Actually I don't want to be mean to the people, I want to treat people with kindness, hindi naman natin alam na baka kapag nagalit tayo sa kanila dahil may nagawa silang mali na hindi naman nila intensyon ay makadagdag pa sa iniisip nila. So as much as possible I want to treat them good, Para naman kahit papano ay maging masaya sila at gumaan ang loob nila. "Goodmorning," I greeted my blockmates ulit nang makapasok ako binati naman nila ako pabalik. I sat down on my chair at dahil alphabetic ang arrangement kay queen Jacela katabi ko si Sisang bakla, Napansin kong nakalapag na ang bag niya, Aga today ni bakla ha? "Aga mo Sisa ha?" Sabi ko pagbalik sa upuan niya. "Naman! Hahahaha!" Umirap ako, kahit last time absent siya kay Queen dahil naunahan siyang pumasok sa room. Hahahaha! "Baka absent – nan na naman ako ni Queen, Lam mo naman 'yon! Nung nakaraan nasa likod niya lang ako halos sabay lang kaming maglakad. Pero absent pa rin ako!" "Gusto n'yo breakfast?" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ninong Dello "Bakit meron ba?" "Hah, Ako pa ba Ram? Si ninong pa ba?" He flexed his muscle "Oh!" Inabot niya sa akin ang tasa? Nakakunot ko 'yong kinuha. "Anong gagawin ko dito?" Binigyan niya rin si Sisa, "Alangan namang kumain tayo ng lugaw sa plastic 'no?" Nagliwanag ang mukha ko! So may almusal nga kami? Ang galante talaga nitong si Ninong Dello. "Grabe iba ka na nong ha, tara wampipti nong, Ano?!" Nangangasar na tanong ni Sisa kay Ninong Dello Gago talaga nitong si Sisa! Hahahaha! Pero sa pagkaka alam ko wala naman 'yang jowa si Ninong e, Matangkad at maputi naman si Ninong Dello. May itsura kaya laging inaasar ng mga bakla e. Inismiran naman siya nito "f**k you! Benesisto Asis!" Sabi niya at binatukan si Sisa "Shuta ka naman ninong! Walang bangitan ng full name! Kaloka! Ibigay mo na nga lang 'yung lugaw namin at makalayas ka na!" "Ang kapal ng mukha mo bakla!" Hindi ko sila pinansin sa pag aasaran nila dahil nakita ko ang bestfriend kong nakabusangot ang mukha at pagod na pagod. "Ricks!" Kaway ko sa bestfriend kong kararating lang at hingal na hingal Umupo siya sa upuan niya dalawang bangko ang pagitan ko mula sa kaniya "Woah! Langya mami, Inakyat ko 1st to 4th floor! Sis ayaw ipagamit yung elevator! Nakakaloka!" Binigyan din siya ni Ninong ng tasa katulad ko ay nagtaka rin siya ng una pero kaagad din natuwa dahil may free almusal! Hahaha! ~ 30 minutos na at wala pa rin si Queen dumarami na rin kami sa classroom, Pero kahit considered absent na siya hindi pa rin kami lumalabas. Minsan kasi pumapasok pa 'yon kahit last 10 minutes! Kakaloka! "Pengeng itlog!!!" Sigaw ko nang makita kong may itlog sa tasa ni Sisa "Anong itlog?" Nakakunot tanong ni Ninong sa akin. "Nagbibigay kayo ng almusal walang itlog? Bakit si Sisa meron? Porket alam n'yong mahilig sa egg 'yan ha!" Binatukan ako ni Sisa "Tanga, Baon ko 'to! Boba mo!" Natawa ako dahil sa kaburautan ko! Baon pala niya akala ko free rin! "Hahahaha! Start your day with a egg mamsh?" Singit na tanong ni Rickael "Check mami!" At pumitik pa si Sisa Nagsalita ulit si Rickael "O baka naman can't survive a day without egg mamsh? Hahahahahaha!" "Mamsh alam mo soul sister talaga tayo shuta ka!" "Ay, No mi! Wala akong sister na chakarat like you! Hahahahaha!" Sumibangot naman si Sisa kay Rickael at sinapok ito at dahil naghaharutan silang dalawa, kinuha ko 'yung itlog ni Sisa sa tasa niya at nilapat sa akin. Hindi naman niya namalayan, Hahahahaha! Ang daldal mong bakla ka hindi mo pa rin namamalayan na nasa akin na 'yung itlog mo at paubos ko na. "Inamo mi, Hahahaha!" Tawang tawa pa rin si Sisa habang kausap si Rickael. "Shuta nasaan na yung itlog ko rito?!" Tinignan naman niya ako nang makitang nasa kutsara ko ang puti ng itlog, mabilis kong sinubo yung huling piraso ng itlog. "Warla ka mi! Kinuha mo hayop jumubis ka sana!" Natawa ako sa sinabi niya, ~ "Anong oras na?" Tanungan ng mga kaklase ko. "8:20 na nga e, Tara labas na tayo!" Lumipas ang isa't kalahating oras ay wala pa rin si Queen, 10 minutes na lang at tapos na ang klase namin sa kaniya, Nakaidlip na ako't lahat lahat eh hindi pa rin dumadating. Tumayo ang president namin si JM "Okay guys! Mag sign na kayo ng attendance sa yellow pad at iwan na lang natin dito sa table para alam ni Queen na lumayas na tayo at hindi na tayo babalik, kakaloka siya!" Tumayo na ako at hinanap ang ballpen ko "Lista mo rin ako Ram ha?" Si Rickael na inaantok pa Itinaas naman ni Sisa ang kamay niya habang nakahilig ang ulo sa chair table "Me too mamsh..." Hindi ako sumagot at nakipag unahan sa mga kaklase ko para pumirma ng attendance dahil gusto ko na ring lumabas. "Nandiyan na si Queen!" "Wala na tanga hindi na papasok 'yon!" "10 minutes na lang wala na absent na si Queen," "Bobo! Nandyan nga sa labas!" At dahil walang tiwala ang mga kaklase ko ay tinignan nila sa labas. "Tangina! Oo nasa labas si Queen!" Saktong pagkatingin ko sa pintuan ay nakita kong binuksan ni Queen ito at pumasok, Kaagad akong napatakbo sa upuan ko. Katulad ng mga kaklase kong nagkukumpulan sa teachers table para mag sign ng attendance ay nagsitakbuhan din. "Shuta!" Mahinang asik ni Sisa habang umaayos ng upo "Last 5 minutes oh! Saka siya dumating? Warla mi!" Napakamot ako sa ulo ko, Dumating pa talaga. Tibay! Nasa harap ng table ni Queen at pinapagalitan kami ngayon... ~ "Bili muna tayo," Aya sa akin ni Rickael habang naghihintay sa labas ng room. Next subject with Queen again and again. "Tara! Bakla sama ka?" Umiling si Sisa kaya naman bumaba na kami ni Rickael "May crush ako." Banggit ko sa kaniya Nagulat naman siyang tumingin sa akin, "Weh!? Magiging ninang na ako?" Nakakunot ko naman siyang tinignan, Anong ninang sinasabi niya?! "Huh? Ninang?" "Tukmol, Syempre! Lalandiin mo 'yon para magkajowa kana! Hina mo naman kaibigan!" "Tanga!" "Oh ano sino!?" "Hindi ko pa nga alam social media accounts niya e." Malungkot na sabi ko habang nakatingin sa daan. "Rhem lang alam kong pangalan e, Marine student! Hahahahaha!" "Rhem? Rhem lang?!" Tanong niya habang hinarangan ang daan ko. "Oo 'te! Letse ka naman!" Baka kasi mangasar pa, Siya kasi madali niyang nakikita 'yung mga social media accounts ng crush niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. "Ako bahala sayo!" Nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hahahaha! Ang sarap magkaroon ng kaibigan susuportahan ka sa kalandian mo! For keeps talaga 'tong si Rickael e. "Talaga?" "Oo Hahaha! Pero teka marino?" Sabi niya at pinagpatuloy ang paglalakad. "Oo, Bagay kami diba? Hahahaha! Edukista tas Marino! Hahahaha!" Tinaasan niya ako nang kilay "Ekis ako sa marino!" Sabi niya at pinag x pa ang dalawang kamay. "Weh? Pero yes to I.T student ganoon?" "Syempre jowawers ko I.T eh! Pwede magkacrush sa ibang course basta ekis sa marino! Hahahaha Goodluck!!" "At bakit? May karanasan ka ba sa marino ha?" "Wala! Hahahah! Ekis nga diba? Kasi sabi nila marami daw babae ang mga seaman, Tawag nga sa kanila seamanloloko eh, Di mo alam?" Inismiran ko lang siya, ~ "Libre mo ba ako?" Buraot na tanong ko kay Rickael habang nakasilip sa ice cream display freezer. "Kapal!" "Sige na!" Kinuha ko ang cone taro aice ice cream, at nilapag sa counter "16 pesos lang 'yan!" Inismiran niya lang ako at wala rin siyang nagawa kundi bayaran 'yon. Palabas na kami nang canteen nang makita ko si Nielle kaibigan namin ni Rickael sa tourism. "Elle!" Kaway ko kaagad naman siyang tumingin sa amin, Napansin kong kasama niya 'yung lalakeng nagtanong nakaraan kay Rhem nung nasa labas sila ng classroom. Bakit kaya kasama ni Nielle 'yan? "Hoy! Mga bruha! Hahahaha!" Hinatak ni Rickael ang buhok niya nakatingin lang sa amin 'yung lalakeng kasama niya. "Syota mo 'te?" Diretsahang tanong ni Rickael at tinignan pa ang lalake "Oo bakit? Angal ka? Hahaha!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot niya, Syota niya ang kaklase ni Rhem!? Oh my God! Konti konti na lang at mapaglalapit na kami ng tadhana. Nararamdaman ko na! Konti pa, Konti pa at nararamdaman ko na ang chakra! Hahahaha! "Nakabingwit ha!" Tahimik lang ako gilid habang pinag mamasdan silang mag usap. "Huy pare, mamaya?" Nag angat ako nang tingin nang sa lalaking tumayo sa gilid ko. Napakurot ako sa beywang ni Rickael "Potangena naman Ramerie! Bakit ka na naman ba nangungurot diyan?!" Ibinalik ko agad ang paningin ko kay Rickael at pinandilatan ko siya ng mata. Nakatingin silang tatlo sa amin. "Sige, Mamaya p're, Una na ako." Sabi ni Rhem sa kaibigan niya at tumalikod sa amin. Tinignan ko ang wrist watch ko. Kahit may 15 mins grace period pa ay inaya ko na agad si Rickael "Una na kami Nielle! See you around." Pagpapa alam ko kay Nielle at hinatak si Rickael "Tara na 'te! Baka nandon na si Queen bilisan mo!" "Tubol ka! Hindi kita maintindihan." Hindi ko na lang pinansin si Rickael, at nagmamadaling sinundan si Rhem. Hindi naman naging mahirap 'yon dahil sa tangkad niya at kitang kita kaagad siya. Nang maabutan siya sa hagdan ay pasimple akong sumusulyap sa kaniya habang kumakain ng ice cream. Buo na ang araw ko! Hahahahaha! Nakita ko na ang baby ko e Napahinto ako sa paglalakad at nalilitong tinignan siya, Nasa pangatlong palabag na kami, Bakit siya pupunta ng tourism building eh sa taas pa ang science building ha? "Hoy tara na ano? Diyan ka na lang kanina nagmamadali ka diba?" Asik sa akin ni Rickael Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ni Rhem hanggang sa mawala 'yon. Umakyat na lang ako, Baka inuutusan siya ng prof. ~ "Gwapo 'nung nakasabay natin paakyat kanina 'no?" Sabi sa akin ni Rickael habang palabas kami ng classroom, Tapos na ang klase kay Queen, Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko. "Sino si Rhem?" 'Yon lang naman yung nakasabay naming umakyat kanina e, Hindi naman na kami lumabas pagkatapos no'n At gwapo talaga yon. Bibi ko 'yon eh! "Akala ko ba ayaw mo sa marino?" "Nagwapuhan lang ako pero hindi ko sinabing gusto ko! Teka 'yun ba yung crush mo!?" Nanlaki ang mga mata niya, Hinatak ko ang buhok niya dahil sa kilig! "Oo! Crush ko 'yun humanap ka ng sayo! Eksena ka sa lovelife ko ghorl!" Umikot ang mga mata ko Bwisit na'to aagawan pa ako ng jowa. "Psh edi sayo na marami pa naman diyan sa ibang course! Pass din ako sa marino! " Natatawang sagot niya. "Good dog! Tsaka diba may boyfriend ka? Paano na si Anthony?!" "Kami pa rin bakit?" Umirap siya "Bawal lumandi habang may jowa? Hindi ko pa naman siya asawa ah? Naghahanap lang ako ng gwapo teh. Hindi ko naman jojowain lalandiin ko lang. Char!" "Siraulo amp." Bulong ko. "Remember, tutulungan kitang hanapin ang social media accounts niya! Para naman hindi mapreserve ang genes mo!" "Napaka ano sa akin no!? Pag ako talaga nagka jowa!" "Pero okay lang naman kahit hindi ka magkajowa. Tiba tiba sayo magiging anak ko! Hahahahaha! Walang boyfriend, Walang asawa, Walang anak! Swerte ng inaanak mo! Hahahahaha!" "Sabi na e huhuthutan mo talaga ako! Gagamitin mo pa magiging anak mo gunggong ka!" "Hahahahaa! Kaya kung ayaw mo Ram! Landiin mo na 'yung si Rhem! Ayos ka rin pala mamili 'no? Gwapong gwapo kaso marino Hahahahahaha!" Hindi ko na lang pinansin si Rickael sa sinasabi niya, Iniisip ko pa kung paano ko malalaman ang social media account ni Rhem, Malapit na ako gumraduate at wala pa rin akong maganda experiences dito sa campus! Hay nako! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD