DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character names, conflict and setting , businesses was full imagination of the author. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Chapter 2
"Okay na kayo ni Anthony?"
"Oo! Mamsh, nakipag balikan sa akin kagabi. Hahahaha!" Tuwang tuwa sagot ni Rickael
"Rupok." Bulong ko
"Weh? Parang kahapon lang kampi ka pa kay Anthony ha?! Sabi mo pa nga kausapin ko?"
Napaisip ako sa sinabi niya? Oo nga 'no?
"Hahahaha! Ewan bahala kayo sa buhay n'yo!"
"Porket wala kang jowa diyan? Sabi ko nga sayo. Hahanapan kita, tatambay tayo s--"
"Ayoko! Busy ako!"
Agad na pagtanggi ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniyang may crush ako. For sure sasabihan niya akong harutin ko na.
Ayoko naman nu'n, hanggang crush lang ako 'no! Hinahawaan lang ako ng kalanturan nitong si Sisa at Rickael e.
"Really? Oh baka hindi makamove on kay Guil?!" Arangkada niya
Hindi ako sumagot. Naka move on na ako, Pero 'yung sakit nandito pa. 3 years na rin nakalipas ni wala ako naging boyfriend.
May mga nanliligaw sa akin pero hindi ko ine-entertain. Masyado akong tutok sa pag aaral ko na napabayaan ko dahil sa hindot na 'yon!
"Ayaw mo rin magkaroon ng flings!"
"Letse! Bakit ba namimilit ka ha?"
"Tubol! Kasi ghorl tatlong taon at higit na e mukha ka pa ring lugmok sa kahirapan 'yang puso mo diyan dai. Habang 'yung gago mong ex eh ayun. masaya na!"
Sabagay may girlfriend na nga 'yung hayop na 'yon! Bilis makahanap ng bago. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung talagang minahal ba niya ako sa loob ng isang taon naming pagsasama.
Gabi gabi ko rin kinuwestuyon, yung sarili ko kung ano bang mali sa akin. Minsan naiisip ko rin 'yun sumasagi sa utak ko. Hanggang ngayon, We didn't had a closure. I have so many questions on my mind and Guil is the only person who can answer all of those.
Pero hindi na ako umaasa na magkakaroon kami no'n, He already have a girlfriend and that's fine with me. Walang kaso 'yon sa akin. Kung saan siya masaya doon siya.
Pero bakit ba ako naging madaling palitan ni Guil? Kung may bagay ba akong hindi nagawa pa sa kaniya?
's*x'
Natahimik ako. Malamang sa loob ng isang taon naming pagsasama ni hindi niya ako hinalikan, hanggang hawak lang sa kamay ang kaya kong ibigay 'no!
Marami pa akong pangarap na gusto kong abutin. Edi kung pumayag ako sa gusto 'nun. May anak na siguro akong tatlong taon ngayon?
Blessing naman ang bata, pero hindi pa talaga ako handa. Bata pa rin ako at alam kong hindi ko maibibigay 'yung pangangailangan ng anak ko kung wala akong pangbubuhay sa kaniya. Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat pero hindi sa ganitong paraan.
Buti na lang at lumipat ako. Hindi ko na nakikita 'yung hayop na 'yon! Pang 4th year college ko na, Hopefully makagraduate na ako this year, Tapos may Latin Honors pa kung papalarin!
"Are you listening ghorl?" Tanong sa akin ni Rickael nang makababa
"Ha? Ano ba?" Kaagad akong nag angat ng tingin sa kaniya.
Umiling siya at diretsong sinabi sa akin "Binanggit ko lang pangalan ng ex mo naging ganiyan ka na?" Mataray na tanong niya
"Eh ano naman?"
Huminga siya ng malalim at umirap sa ere "Sige, Hahayaan kita! Naiintindihan naman kita ng bakit naging ganiyan ka e! Sa kawalanghiyan ba naman na ginawa sayo ni Guil. Baka nga natrauma ka. Kaya tagal mong pinagpahinga puso mo."
Tumango ako at palihim na napangiti. Through all of it si Rickael ang kasama ko. Sinamahan niya akong maging martir kahit na gustong gusto na akong sabunutan nito dahil sunod pa rin ako nang sunod kay Guil habang may babae siya kahit kaka break lang namin no'n ay sinuportahan niya ako sa desisyon kong maging tanga.
Nang bigla na lang siyang makipagbreak sa akin at hindi man lang ako pinaliwanag. Si Rickael ang naging sandalan ko. Siya rin ang tagapagtanggol ko. Minsan nga nagugulat siya dahil nasa labas ako ng apartment niya at umiiyak at si Guil ang dahilan no'n.
And I found out that the real reason behind it ay ang lust nga na hindi ko mabigay sa kaniya na nabigay ng bestfriend ko... Noon.
"Tara! Kain tayo!" Hinila niya ako sa canteen two.
Shet! bakit dito eh mas mahal dito kumpara doon sa kabila? Mga anak mayaman lang nag pupunta dito eh.
Bihira nga akong pumunta at bumili dito!
"Bwisit ka! Mga ginto pagkain dito e!" Angil ko
Pumunta siya sa stall ng fries at nag order ng dalawa. Nanlaki mata ko.
Bakit dalawa? Putcha hindi ko babayaran 'yan kapag sinabi niyang sa akin!
"Tig - isa tayo!" Inirapan niya ako "Tanga! Wala akong pera hoy!"
"Sige, Isa na lang po miss. Ayaw niya ng libre eh."
L-libre?!?! Syempre gusto ko! Aba'y galante talaga 'tong si Rickael eh!
"Joke lang miss. 2 orders po, jinojoke time ka lang niya. Siya po magbabayad!" Turo ko kay Rickael na inismiran ako.
Gagi kasi biruin mo 100 pesos isang order!?! Tapos hindi pa puno lalagyanan hindi pa nga abot sa lalamunan ko 'yan e!
Sa iglesia nga bente petot lang puno pa!
Kaya nga doon kami kumakain sa likod ng school, Dahil mura ang pagkain doon sa halagang benta pesos may kanin at ulam na! Diba laking tipid. Kuripot kasi ako. Malamang hindi naman ako anak mayaman!
Kailangan kong magtipid lalo na may tuition din akong binabayaran, Yung mga ipon ko 'yun lang ang allowance ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang pumasok! Shet naman! Bakit ngayon pa kita makikita hindi ko tuloy alam kung presentable ako!
"'Te! Maayos naman ang mukha ko di'ba?" Humarap ako kay Rickael tinaasan niya ako nang kilay.
"Okay naman."
"Hindi naman ako namumutla, di'ba?" Sabi ko sabay kapa sa bulsa ng skirt ko kung may liptint ba ako do'n!
"Hindi bakit?"
Nang makapa ko ang liptint ko ay gumilid ako at nag lagay ng konti. Kahit papano para fresh kung makikita man niya ako! Inayos ko rin ang uniform kong all brown at ang pencil cut skirt ko pati ang lace na may logo ng school naming at may malalaking letter na nakalagay ang TEACHERS EDUCATION.
Uwu, My lace screams my course! Shet sana mabasa mo 'no? Isa akong guro! Hahahahaha!
"Ano bang ginagawa mo 'te?"
Hindi ko siya pinansin at nginitian lang, Sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay!
Nakaka conscious kasi! Ang gwapo gwapo niya tapos ako mukhang bida sa horror movie, Ang unfair!!!
Tagalan mo ate sa pagluto ng fries nandito crush ko! Gusto ko pa siya masilayan bago ako umalis dito! Huhuhu! Hindi ko pa naman alam sched niya.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko silang nakaupo na sa mahabang upuan. Kasama niya mga kablockmates niya! Ang lilinis nilang tignan! :'(
All white ba naman ang uniform at fit na fit sa kanila ih! Nakakafall ahuhuhu!
"Ang weird mo!" Batok sa akin ni Rickael
"Aray ko naman!" Binatukan ko rin siya
Nagbabatukan kami ni Rickael nang biglang maramdaman kong may tumabi sa gilid ko.
Nakakunot ko 'yong tinignan.
Ugh! Si Rhem!
"Two orders of burger miss and two order of fries din po." Nakangiti niyang sabi sa tindera!
Napahawak ako kay Rickael at kinurot yung beywang niya. Habang nakatingin ako kay Rhem na wala man lang paki - alam na hindi nakatingin sa akin!
Hmp! Imma SAD! ;'(
"ARAY! SHUTA KA! BAKIT BIGLA KANG NANGUNGUROT DIYAN RAM!" Sigaw sa akin ni Rickael at hinila pa ang laylayan ng buhok ko.
Nagbaba ng tingin sa amin ni Rhem, Sa lakas ba naman ng boses ni Rickael eh! Napatingin siya sa akin kaya bigla kong hinarap ang kaibigan ko na nakasibangot sa akin.
"O.A mo! Hindi naman kita kinurot ha?" Pag tanggi ko.
"Gago!? Anong hindi? E, Halos kulang na lang eh kunin mo laman ko eh! Mamaya talaga kapag nagpasa 'to! Ram kutos ka sa akin bente tignan mo!" Naiinis na tugon niya
Hindi ko na lang siya pinansin at nanahimik, binalik ko ang tingin ko sa tindera na nag luluto at mula sa gilid ng mata ko kita ko si Rhem na nakasandal sa high table habang mabilis na nagtytype sa cellphone.
May ka - chat yata! Nakangiti pa siya! Hmp! ;'(
"Hi, Rhem!" Rinig kong bati sa kaniya ng mga babae, Galing iba't ibang course. May mga lalake rin na tinatapik siya at inaapiran niya 'yon.
Nakunot ang noo ko, Sikat?
"Shet, famous." Naiiling na wika ko.
"Ang creepy mo diyan 'te!"
Hindi ako sumagot at inismiran lang siya. Mukhang kilala siya dito ha? Psh! Given naman 'yon na gwapo siya. Pero di ko naman expected na marami pala akong karibal sa kaniya?
"Ay shuta! Dami palang marine students dito Ram oh!" Turo ni Rickael sa inuupuan ng mga kasama niya.
Mula sa gilid ng mata ko kita ko ang pag angat na titig ni Rhem sa pwesto namin!
"Mamimili ka na! Hahahaha! 'Yung mga walang kasamang babae ha?" Tinignan ko naman ang mga kasama niya, Shet talaga, Lahat may babae! Ang gaganda pa! Literal!
Karamihan galing sa tourism kaya magaganda at matatangkad din! Amp! :'(
Napatingin naman ako kay Rhem at nagtama ang paningin namin. Pero kaagad niya rin 'yon binaba at nagtype ulit sa phone habang nakangiti!
"Taena ghorl. Mukhang lahat taken! Tatanda ka talagang dalaga niyan!" Humahagalpak pa si Rickael. Nangangasar ang hayup!
"Letshe!" Naiinis na tugon ko
Nahihiya tuloy ako kay Rhem! Nagkatinginan kami kanina. Tapos naririnig pa mga pinagsasabi nitong bruha kong kaibigan.
Buti na lang talaga at hindi ko kasama si Sisa! Isa pa 'yung baklang 'yon!
Bumuntong hininga ako nang makuha na namin ang order at binayaran na rin 'yon ni Rickael.
Bago ako tumalikod tinignan ko ulit si Rhem na nagtetext na naman.
Kailan ko kaya ulit siya makikita? Hays!
Nahuli niya na naman akong nakatingin sa kaniya kaya biglang naging diretso ang tingin ko at nagsimula nang maglakad. Nalulungkot. ;'(
~
"Anong cluster tayo?" Tanong ko kay Rickael dahil NSTP namin ngayon, Walang pahinga, pati ba naman linggo e kinuha sa amin.
"Cluster 8 - A ," She answered while typing on her phone, Malamang kachat niya jowawers niya.
Napabuntong hininga ako at napansandal sa upuan, Nakatulala sa malawak na court sa harap ko.
Sa loob ng isang linggo hindi ko nakita si Rhem. Nung Monday ko lang siya huling nakita, akala ko makikita ko ulit siya sa science building pero wala naman siya do'n.
Nawawalan na ako ng pag - asa parang gusto ko na siya i - uncrush, Kapag pumupunta ako sa science building para tignan ang room nila wala naman siya doon.
Minsan pa ngang nagalit sa akin si Queen Jacela dahil every minute raw ay labas ako nang labas. Tapos ang tagal ko raw bumalik , Malamang pinupuntahan ko sa science building si Rhem!
Layo layo pa naman ng science building sa lecturer building, Miss ko na talaga si Rhem! Kelan ko kaya siya ulit makikita? Hindi ko pa pala na i-stalk siya, Hindi pa kami friend sa f*******:. Hmp!
Naramdaman kong may tumabi sa akin, It's Sisa, Ang pekeng babae. Napatingin ako sa kaniya habang ngiting ngiti sa ka chat.
Shet! Ang lonely ko rito, pinapaligiran pa ako ng dalawang may ka chat. I rolled my eyes at nilabas ang phone ko, Kahit alam kong walang magcchat sa akin ay binuksan ko pa rin ang messenger.
Napasibangot ako nang puro GC namin ang nag papop up sa screen ko, Napasibangot ako, Ang tahimik naman ng messenger ko! Kaloka
Ang sarap sa feeling na pagbukas mo ng messenger e walang message, wait! Meron ha, yung GC namin.
I take a deep breath dapat nang may maisip ako,
Kaya kapag hindi ko talaga nakita si Rhem maghahanap na ako ng bagong crush, Kahit siya yung ultimate crush ko dito sa univ!!
Nagulat ako nang biglang hinila ni Sisa ang buhok ko. s**t! Parang pati anit ko ay matatanggal sa pagkakahigpit ng hawak niya.
"Aray!!! Gago ka naman bakla!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa buhok ko, pero ang mga paningin niya ay nasa phone habang ngiting ngiti ang malandi!
Aba'y gg ka! Hinila ko rin ang buhok niya at inikot - ikot 'yon! Mabilis niyang hinila ang kamay ko at inayos ang buhok niya habang masamang nakatingin sa akin.
"Shuta ka ma'am ha! Kalbuhin ko buhok sa kipay mo e!" He said habang maarteng inaayos ang buhok at iniismiran ako!
"Inamo! Inggit ka lang wala ka kasing hiwa!"
"Ano naman? Wala ka naman jowa!" Nangangasar ang tunog niya,
Napaismid ako "Bakit ikaw ba meron ha!?"
Malapad siyang ngumiti habang pinakita ang screen ng phone, Kinuha ko 'yon at ini-scroll! Ang daming lalake ni bakla!!!
"Lahat 'to jowa mo?" I ask curiously habang nagangat ng tingin sa kaniya, at binalik ang phone.
"Naman, Hahahahaha!" Malandi siyang tumawa.
"Napaka landi mong hayup ka!"
"Mas malandi 'yang bestfriend mo oh tignan mo,"
I turned to my left side at nakita ko si Anthony na nakatayo sa harap ni Rickael habang inaabot ang isang plastic bag na puno ng pag kain!
"SANA OL!!!" Sabay kaming sumigaw ni Sisa kaya naman binatukan ko siya,
Akin lang dapat ang line na 'yon, ako ang walang jowa e!
~
We are inside the assembly hall, Mga sampong classroom kung susumahin ang laki,
Wala akong paki alam sa sinasabi ng speaker, Bagot na nakapatong ang baba ko sa magkakrus kong binti habang ang paningin ay nasa katapat ng kabilang hall. Pasimpleng sumusubo ng chips na binigay ni Anthony kay Rickael! Nagalit pa nga sa akin si Rickael pero wala siyang nagawa dahil nabuksan ko na.
Dalawang assemble hall ang mayroon, magkatapat. Parehas glass wall 'yon ang mga pader ngunit sound proof. Nakatanga lang ako sa labas nang bigla akong paluin ng notebook ni Sisa,
Inismiran ko lang siya, Nakita kong karamihan ng estudyante ay inaayos ang upuan nila pabilog kaya naman nagtanong ako.
"Anong meron?"
Angel my another classmate showed up the papers, Mukhang may sasagutan as groups ah?
Kaya naman inayos ko na ang upuan ko at nakisali sa usapan.
"Ikaw na mag act ng tanod bakla," Pilit ni Rickael, sinang ayunan 'yon ng 3 pa naming ka grupo.
"Ayoko!" Maarteng sagot na naman ni Sisa kasabay ng pag pitik ng maarte niyang kamay.
"Ang arte mo bakla ha! Kailangan ngang maton ang tanod e! Ikaw lang maton dito e! Kami nga mag aact ng kagawad e,"
Natawa ako lalo nang biglang sumimangot si Sisa at hindi sila pinansin, Napipikon na siya kaya tumatahimik.
Palibhasa ay dalawa silang lalake, Ang role ni Ninong Dello ay Chairman habang si Sisa naman ay tanod, Ginagawa namin ang community action plan.
Inasar - asar pa nila si Sisa kaya naman buwiset na buwiset ang mukha nito.
Napabaling ang paningin ko sa labas at unti unting nanlaki ang mata ko nang matanaw si Rhem sa kabila!
"What the freak." Mahinang impit ko habang kinikilig.
Palibhasa ay nasa gilid siya kaya kitang kita siya sa glass wall. Kinagat ko ang pang ibabang labi nang makita siyang tumatawa habang nakasandal ang parehong braso niya sa monoblock chair na nasa harapan niya!
Ang gwapo ihhhh!!!
He's wearing our NSTP shirt, at naka brush up ang buhok na bagong gupit.
Feeling ko ang bango bango ni Rhem ngayon!!!! Parang gusto ko siyang yakapin!!! Kilig!!!
Walang sabi sabing nag pa alam ako sa proctor at pasimple kong inayos ang NSTP shirt ko at ang high waisted na pantalon at ang sintas ng sneakers ko! Pati ang lace ko na sumisigaw na ako ay isang guro! HAHAHA!
Ready na akong magpapansin kay Rhem! uWu
Dumaan ako sa gilid 'yung tipong mapapansin niya, Binagalan ko ang lakad ko kaya mula sa peripheral vision ko ay pansin ko ang pag galaw ng ulo niya at pagtingin sa labas.
Nang makalagpas ako ay mabilis akong tumakbo sa rest room para doon ilabas ang kilig ko. Feeling ko tinadhana kami, Feeling ko rin talaga may crush siya sa akin!!!
Naisip ko tuloy yung kanina, sabi ko kapag hindi ko siya nakita ia - uncrush ko na siya, pero dahil nakita ko na ulit sya di ko sya a-uncrush!
I bit my lips while looking self in the mirror, kinikilig ako! My gowsh! I stared at my figure while thinking that I dont know his real name, It just Rhem only!
Ang hirap hanapin ng social media accouhts kung first name lang ng crush mo ang alam mo! Hina ko naman! Di bale papatulong na lang ako sa pekeng babae na si Sisa at sa frennywaps kong si Rickael!
Bumalik na ako sa hall at napansin kong wala na si Rhem sa gilid kaya naman medyo napasimangot ako, pero okay lang nakita ko naman siya kanina, It is enough!