Briana Hindi ko alam ang gagawin ko para malusutan ang gusot na ito. Mababaliw na yata ako sa kaiisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Ayokong maikasal sa isang m******s! Naudlot ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag. "Yes? Hello?" "Kamusta na ang baby girl ko?" tanong ng nasa kabilang linya. Biglang sumigla ang pakiramdam ko. "Kuya Mark." "Yes, ako nga. Ang pinaka-gwapo mong kuya," nakatawang sabi nito. "And I'm back." "What a piece of good news! I missed you," "I missed you too, baby girl," tugon niya. "So, tell me. How's Korea?" tanong ko rito. Bigla naman siyang tumahimik sandali. "Huwag na muna nating pag-usapan iyon," malungkot niyang sabi. At isa lang ang ibig sabihin no'n. I think hindi siya nagtagumpay sa plano niyang

