Briana Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Para akong tinutunaw ng mga titig niya. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Gusto ko siyang itulak pero para bang wala akong lakas para gawin iyon. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko, tapos ay ibinalin niyang muli sa mga mata ko. Napalunok ako nang ilapit niya pang muli ang mukha niya sa akin. Ramdam na ng ilong ko ang ilong niya. Gano'n na nga! Isang move na lang magki-kiss na naman kami. Pigil ko ang hininga ko, nakakahiya! Kakagising ko lang, so meaning bad breath pa ako, hindi pa ako nakakapag-toothbrush! Mabuti na lang at may nag-doorbell kaya mabilis ko siyang naitulak. "Manyak ka talaga!" sigaw ko sa kanya. "Aray! s**t!" singhal niya. Napalakas yata tulak ko sa kanya? "Bagay lang iyan sa'yo. Mabuti na lang

