"Ms. Tanya, simula na po." Binilin ko kay Gina ang mga gamit ko para magtungo na sa harap. Pero nung papunta na ako sa stage, hindi ko napansin na sumabit pala yung gown na suot ko sa heels ng sapatos ko. Buti na lang ay may humawak sa akin kaya hindi ako natumba. I looked at who it was para sana magpasalamat nang mabalingan ko ang nag-aalalang mukha ni Allen. "T-thanks." wika ko saka mabilis na tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Are you okey?" tanong niya ng nasa harap na kami. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ba't bigla na lang akong nautal kanina. "Can we talk later?" tanong niya. "About what?" Hindi siya nakasagot ng magsalita na naman yung photographer. Last shoot na ata toh

