Late akong pumasok ng sumunod na araw. Okey lang naman dahil mauuna naman si Allen sa photoshoot. Marami pa nga kasi siyang gagawin so of course he's no. 1 priority. Inaantok pa ako habang inaayusan nung stylist ko. Hindi ako kaagad nakatulog pagdating sa unit ko. Paano ba naman, ang bwesit kong kapitbahay naisipang mag-party na lang bigla. I reported them. Gladly, they stopped nung sinita sila ng gwardiya. I looked at where Allen is. I smiled at him sabay kindat nung napansin kong nakatingin siya sa gawi ko. I'm not backing down. I will show him who I really am. If he thinks na kaya niya akong paikutin sa mga palad niya then nagkakamali siya. We'll do it the other way around. Siya ang paiikutin ko sa palad ko. "Good mood ka ata ngayon, Ms. Ta

