Ding’s POV
I’m not surprised to hear those words from her. Even before, she’s can be assertive and prank. She speaks her mind. Silly of me but I found it amusing, her branding me.
“Wow ang tapang ha?” Sarcastic na sabi ni…
Ano na nga ba uli ang pangalan ng babaing katabi ko? Nakilala ko siya kagabi sa party ng magulang nila Mark at Romina. Kung naaliw ako sa pag-akin sa akin ni Romina, hindi naman ako natuwa sa ginawa niyang pagsasabi na boyfriend daw niya ako.
We had s*x yes but I had no intention of going beyond that. Lalo na ngayon na mukhang may pagka-clingy pala ang babaing ito.
“Tatawagan na lang kita.” Nilapitan at hinawakan ko sa braso si…
“Sinabi mo ‘yan ha. I save my number on your phone.” Binawi niya ang braso at saka ini-angkla niya iyon sa braso ko. “Who’s she? Is she really your fiancée?” Tanong niya.
Inihatid ko siya hanggang sa pintuan.
“Saka ko na lang ipapaliwanag sa iyo. Goodbye.” Tipid na sagot ko.
“Sure. I hope this is not goodbye.” Tumingkayad pa siya at hinalikan ako sa labi.
Tanggo at ngiti lang isinagot ko.
Pag-ikot ko pagkaraang isara ang pinto nakita ko ang naniningkit na mga mata ng nakahalukipkip na si Romina. Kung mabilis kong napaalis ang ‘girlfriend’ ko mukhang mahihirapan naman akong magawa iyon sa ‘fiancee’ ko.
“Girlfriend mo ba talaga ‘yun?” Tanong ni Romina.
“Yes.” Pagsisinungaling ko.
“I’m no longer young and naive. I’ve heard her clearly. She just saved her number on your phone.” She smirked.
Sandaling bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Her face didn’t change a bit, she still looked beautiful but her body developed and gained weight at the right places. Mabilis na ibinalik ko ang tingin sa mukha niya.
“Yes I can see you’re all grown up now.” Sinalubong ko ang tingin niya. “Kaya dapat, itigil mo na ang pangungulit mo sa akin.”
“Hindi kita kinukulit.” Nagsalubong uli ang mga kilay niya. “Ikaw ang nagsabi na hihintayin mo ako. You even said, kahit gaano katagal nandito ka lang, maghihintay ka sa akin.” She paused for a while. “I believed you, I never dated. I reserved myself only for you. Kasi alam ko hinihintay mo ako. And now that I want you to fulfill your promise, sasabihin mo na you never meant those words. Ano ito lokohan?”
Puno ng panunumbat ang tono ni Romina. No doubt she’s hurt. Iyon ang dahilan kung bakit tinanggihan ko noong una ang gustong mangyari ni Tita Joey.
“I can’t Tita. Mas masasaktan si Romina kapag pinaasa ko siya sa wala.” Sabi ko pagkaraang marinig ang hiling ni Mommy ni Romina.
Pumunta ng kusina si Romina para ikuha ng tubig si Tita Joey.
“Pero hindi na makapag-isip ng tama ang anak ko. Iniisip niyang may gusto ka rin sa kanya. It’s useless to argue with her. Just tell her na hihintayin mo siya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral but for now, kailangan na layuan mo muna siya. If you care for her, alam mong ito ang makakabuti kay Romina.”
“Tama po kayo I do care for your daughter kaya alam ko mas masasaktan lang siya kung papangakuan ko siya ng bagay na hindi ko naman kayang tuparin.”
“Hijo, don’t take this as an insult but I think Romina will soon forget you. It’s just an infatuation, a temporary feeling that can be easily forgotten once she met other boys. Kaya para matigil na ang kahibangan ng anak ko, pagbibigyan mo ang pakiusap ko. Believe me this is what best for both of you.”
Sinong mag-aakala na panghahawakan ni Romina ang mga sinabi ko noon.
Did she reserve herself for me?
Gusto kong mapangiti sa dramatiko niyang pag-confess ng feelings niya sa akin. She always knew what words to say. I remembered the day she proposed. She took me by surprise when she kissed me but what made my jaw dropped as I heard her proposed.
A fifteen-year-old girl asked a guy to be her husband.
Nagkamali si Tita Joey na isipin na madali akong makakalimautan ni Romina at lalong malaking pagkakamali na pinangakuan ko si Romina. I gave her a reason to hold on to what supposed to be a temporary feeling.
“I have no intention na lokohin ka. Iyon lang ang nakita naming solusyon ng Mommy mo na paraan para layuan mo ako.” Paliwanag ko.
“No! I don’t want to hear excuses. Kung ano man ang dahilan mo noon, wala akong pakialam. Basta dapat tuparin mo ang ipinangako mo sa akin.” Pagmamatigas ni Romina.
Napabuntunghiniga ako. “Umuwi ka na walang patutunguhan ang usapang ito.”
“No! Ding, you cannot push me away again. I’m staying for good and this time, we’ll end up husband and wives.”
“You’re insane.” Nagsisimula na akong mainis sa kakulitan ni Romina. “Umuwi ka na, baka naglalakad ka lang ng tulog.”
“I’m not sleepwalking, I’m wide awake!” Pinanlakihan pa niya ako ng mata at saka nameywang. “I waited for eight years! It won’t bother me to wait a little longer until you realize that your true feelings for me.” Confident na sabi ni Romina.
“Romina, I’m sorry if I lead you on before. Pero ang patuloy mong paniwalain ang sarili mo na gusto kita, na may hinihintay ka. Sweetheart, you’re just hurting yourself.”
“Sweetheart?” Romina giggled. “Gusto ko ‘yang endearment mo na ‘yan sa akin.”
Damn! I shouldn’t have said it.
“Romina!” I snapped my fingers in front of her face. “Listen to the words I’m saying. Hindi kita gusto.”
“Liar! Sinong gusto mo? Yung kagaya ng mga babaeng kaaalis lang? Na isang kalabit mo lang papayag na agad makipagsex sa iyo?” Inirapan niya ako.
Matapang talaga ang batang ito.
Kung hindi ko siya makausap ng maayos. Susubukan ko siyang takutin. Humakbang ako palapit. “Oo, gusto ko ng mga kagaya niya. Game and wild.”
“Bernardino, sinasabi ko sa iyo. Ngayon na nandito na ako you behave yourself. No more one night stands, no more girls on the side.” Romina stood her ground.
Kahit na maliit na lang ang pagitan ang aming mga katawan. Matapang na tiningala lang niya ako.
“Ibahin mo ako, kung kinaya mong hindi makipag-date sa loob ng walong taon, mamatay ako ng walang babae sa loob ng walong araw.” Nang-iinis na sabi ko.
“You’re exaggerating! Pero kung nahihirapan ka talaga. I’m here, all you need to do is ask.” She said boldly.
Nabura ang mapang-inis kong ngiti. Nagsalubong ang kilay ko at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. “Alam mo ba ang kahulugan ng mga pinagsasabi mo?”
“O-oo” Nautal na sagot ni Romina.
Kasabay noon ay unti-unti siyang umatras palayo sa akin.
“Sinasabi mo na huwag akong makipag-date dahil andyan ka naman?” Sa bawat hakbang ni Romina paatras, umaabante naman ako.
“Oo, I mean it. Andito naman ako kaya hindi mo sila kailangan.”
“Kagaya ng sinabi mo, you no longer naïve. Alam mo naman siguro na hindi lang kwentuhan ang ginawa naming kagabi ng babaing kaaalis lang.” Seryosong sabi ko.
“I know and I won’t tolerate those things anymore.” Sa pag-atras ni Romina, bumangga ang mga binti niya sa sofa.
Naging maagap ako na mahawakan siya sa braso para maagapan ang pagtumba niya.
“Kaya willing kang i-offer sa akin ang mga bagay na ibinibigay sa akin ng ibang babae?” Hinila ko siya palapit sa akin. “And all I need to do is ask?”
“Yes, just ask me to marry you and I can give you what you want and even so much more.” Tumingala uli si Romina at halos magdikit na ang mga ilong namin.
“What? Who’s talking about marriage?” Binitawan ko siya at saka parang napaso na humakbang ako palayo. “All I want is s*x, no relationship and definitely no commitments.”
“Well, I’m not like them. You can only have me once you signed a marriage contract.”
“Ikaw lang naman ang matigas ang ulo at ayaw making. Hindi kita gusto at hindi rin ako ang lalaking gugustuhin mo. You want wedding bells but what I only want are moans in bed. No gowns and suits, just barenaked under the sheets.”
“Sweetheart, nagiging habit mo na ang magbitaw ng salita na hindi mo kayang tuparin. Ibahin mo ako sa kanila. You’ll beg me to marry you! Promise!”
Napatawa ako ng malakas.
Ako magmamakaawa na pakasalan niya?
Hindi iyon mangyayari!
Masaya na ako sa buhay ko ngayon wala na akong balak na gawin iyong miserable.