Romina’s POV “Saan ka ‘galing?” Tanong ni Mark. Napasukan ko sa kusina ang kapatid ko nagluluto ng agahan. Lumapit ako sa kanya at kukuha na sana ako ng isang lutong bacon pero tinapik niya ang kamay ko. “Cook your own food.” Saway niya sa akin. “Grabe ang damot mo. Isa lang naman.” Nakasimangot na humila ako ng isang high counter top stool at umupo roon. “Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” “Wala na akong mga stay-in helpers dito sa bahay. Kaya madalas ako ang nagluluto ng agahan. Dito ka ba talaga mag-stay? Ayaw mong kila Mommy tumira?” “Oo mas gusto ko rito. I miss this house.” And the person who lives next door. Gusto kong idagdag. Nang magkabalikan ang mga magulang namin, after seventeen years of separation, nag-decide ang mga ito na bumili ng bagong bahay sa Pilipinas bilan

